Magdaraos ang mga miyembro ng Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit ng fundraising show para matulungan ang kanilang kapwa singer na si Coritha na na-stroke at kasalukuyang nakaratay.
Ang Pinay folksinger ay sumikat noong dekada 80 sa kanyang mga awiting "Oras Na," "Lolo Jose," "Sierra Madre," at iba pa.
Read: OPM icon Coritha needs help
Ang isasagawang show na pinamagatang Awit Para Kay Coritha ay idaraos sa August 5, 2024, sa My Brother’s Mustache Folkbar sa Quezon City.

Inianunsiyo ito ng singer na si Cooky Chua sa kanyang official Facebook page noong July 31, 2024.
Bukod kina Cooky and Kwachie Vergara, kabilang sa magpe-perform sina Bayang Barrios and Mike Villegas, Becky and Lester Demetillo, Bobby Mondejar and Friends, Chickoy Pura, Corky and Kiko, Lolita Carbon, at Toto Sorioso.
Ang charge para sa show ay PHP500 per head. Magsisimula ito bandang alas siyete ng gabi.
Read: PEP FORUM: OPM artists talk about their personal heroes
CORITHA KAILANGAN DIN NG GATAS AT DIAPERS
Matatandaang nanawagan ang netizen na si Romeo Babao sa kanyang Facebook page noong July 30 ng tulong para kay Coritha.
Nakalakip sa post ang mga larawan ng sitwasyon ngayon ng Pinay folksinger.
Ibinahagi naman iyon ng mga netizens at maging ng mga kapwa singer ni Coritha.
Isa si Cooky sa aktibong nanawagan ng tulong para sa singer, at nag-share ng post ni Romeo.

Aniya sa isa pa niyang Facebook post, “Puno na yata ang GCash.
“Magtanong ako saan pa pwede magpadala.
“Tumatanggap din daw sila ng gatas at diapers. Di kasi makakain ng solids si Ma’am Coritha.”
Pakiusap pa ni Cooky, “Tulong tayo, pls. Nakakalungkot sobra.”
Read: Female vocalists of '90s bands sing Eraserheads' "With A Smile" for a cause
