Isang screenshot ng internship application na ini-upload sa X (formerly Twitter) ang pinagmulan ng mainit na talakayan sa social media.
Kabilang kasi ang sexual orientation sa dapat sagutin ng mga applicants.
Bukod sa sexual orientation, dapat ding ibigay ng applicant sa mga hinihinging impormasyon ang kanyang race, gender, and preferred pronouns.
Ang screenshot ng application ay ini-upload noong August 25, 2024, ng X user na may handle na @BurgerBarBurner.
Nilagyan niya ito ng caption na, published as is: “Going to assume I will not land this internship.”

Ang kanyang pananaw na ito ay bunsod ng aniya ay diverse policies, at posibleng maging disadvantage sa kanya sa hiring process ng kumpanya kung saan siya nag-a-apply.
Batay sa screenshot ng X user, in-identify niya ang sarili bilang isang “cisgender” male.
By definition, ang isang cisgender ay isang tao—babae man o lalaki—na ang gender identity ay kung ano ang kasarian na nakarehistro nang ipanganak siya.
Ang cisgender ay hindi transgender.
Kaya ang inilagay niya sa application form, siya ay “Straight/Heterosexual.”
Sa race ay minarkahan niya ang “White.”
Ang kanyang pronouns ay “He/him.”
“No” ang sagot niya sa tanong kung siya ay transgender.
Read: College student sends out almost 500 internship applications; gets accepted after four months
SEXUAL ORIENTATION LEGAL BANG ITANONG NG EMPLOYER SA JOBSEEKER?
Ang tweet ni @BurgerBarBurner ay nakakuha na ng 2.8M views, 1,603 reposts, 76.9K likes, at 2,107 bookmarks.
Sa mga komento, may nagtanong kung legal ba na hingin ng employer ang sexual orientation ng isang job applicant.
Argumento naman ng ibang netizens, bagaman at ang ganitong klase ng tanong ay maaaring discriminatory at “potentially illegal,” posible rin umano na isang paraan ito para mapalaganap ang diversity and inclusion.

Tanong tuloy ng isang nagkomento, “I haven't had to apply for a job in a long time. Is it normal to ask sexual orientation? Is it even legal?”
Ayon sa isa pang netizen, hindi siya makapaniwala na mayroon na ngayong tanong tungkol sa race, gender, and sexuality kapag nag-a-apply ng trabaho.
Read: Applicant submits resume attached to pizza box
Paglilinaw naman ng isang X user, ang mga ganitong tanong ay legal.
Ang purpose umano nito ay para sa data gathering ng diversity statistics, at hindi makakaapekto sa hiring decisions.
Dagdag pa nito, “It's legal and very normal. Pretty sure most recruitment teams won't even see this.
“It's just to give some statistics on applicants later on.”
Kinontra naman ito ng iba pang nagkomento.
Paliwanag ng isang hindi rin gusto ang ganitong klase ng mga tanong, “People assume this is for 'diversity hiring.'
“But nine times out of 10, it's bigoted employees who prefer cisgender, heterosexual men.”
Sinusugan naman ito ng isa pa na nagsabing, “Using trans options makes you less likely to get a job as they tend to complain or cause issues with other staff.”
Read: Gen Z intern, nag-demand ng PHP33K allowance
DIVERSITY, EQUITY, AND INCLUSION IPINApaTUPAD PARA SA JOBSEEKER
Sa artikulong inilathala ng website na hiring.monster.com, batay sa research ng Monster’s Future of Work Report noong January 5, 2021, two-thirds ng employers ang may DEI (Diversity, Equity, and Inclusion) strategies na ipinatutupad, at ang top priority ay gender-related issues.
Ang isa sa pinakamalaking area ng kanilang focus ay kung paano makakalikha ng inclusive recruiting and HR practices kapag nag-i-interview ng jobseeker at nagha-hire ng transgender workers.
Dahil sa pagdami ng jobseeker na transgender, importante para sa isang kumpanya na tiyakin na hindi lang sila compliant in terms of employment laws, dapat ay mayroon din silang welcoming atmosphere para sa jobseekers.
May ilang estado sa America na malawak ang LGBTQ protections kumpara sa iba, at obligasyon ng mga kumpanya na mag-hire ng professionals na alam ang mga umiiral na batas sa mga estado.
Bukod sa legal implications, nagbigay rin ang Monster’s Future of Work Report ng mga tips para higit na maunawaan kung paano lilikha ng transgender-inclusive hiring practices and workplaces ang mga kumpanya.
Naririto ang mga tips:
- Take a look at your pronouns.
- Audit your forms for gender identity.
- Create trans-friendly workspaces.
- Foster a more welcoming and inclusive workplace culture.
- Provide training and education.
- Create opportunities for mentorship.
- Hire more transgender workers.
Samantala, sa Pilipinas ay wala pa namang napabalita na may mga tanong na tungkol sa race, gender, sexual orientation, and preferred pronouns kapag nagpi-fill out ng application form ang isang jobseeker.
Read: Teen goes on hunger strike to force mom into buying him an iPhone
