Sinuspinde muna ng Land Transportation Office (LTO) ang implementasyon ng Administrative Order No. VDM-2024-046 o “Guidelines in the immediate transfer of ownership of motor vehicles with existing registration."
Sa nasabing kautusan ng LTO, nire-require ang sellers at buyers ng second-hand motor vehicles na iparehistro sa LTO ang ibinenta o biniling sasakyan in a given period of time.
Kapag nabigong gawin ito ng seller at buyer, may parusa itong multa.
Read: LTO explains importance of vehicle ownership transfer
Pero lumalabas na may provision pala ito na posibleng magpataw ng parusang kulong kapag hindi nagparehistro sa itinakdang period.
Hindi ito na-discuss ng LTO nang ilabas ang vehicle ownership transfer order.
Kaya marapat lamang na suspendihin muna ang implementasyon ng Administrative Order No. VDM-2024-046 para mas mapag-aralan.
Read: Can PWDs claim discounts on group meals and online orders?
LTO POSTS ON FACEBOOK
Naglabas ng memorandum ang LTO nitong Miyerkules, October 23, 2024, kaugnay ng pagsuspinde ng administrative order.
Nakasaad dito na ang implementasyon ay “held in abeyance until further notice.”
Ipinaliwanag ng LTO ang dahilan ng pagsuspinde sa order ay “in the best interest of service and to clarify certain provisions for better implementation, as well as to lengthen the compliance period and allow more time to wide the information dissemination…”
Inatasan si LTO executive director Attorney Greg Pua Jr. “to draft and submit an amended AO taking into consideration the inputs of other stakeholders.”
Ang memo ay pirmado ni LTO Assistant Secretary Attorney Vigor Mendoza II.

Read: VIRAL: Video of influencer driving down one-way street in BGC
IMPRISONMENT PENALTIES
Nakausap ni Ted Failon sa Radyo 5 With Ted Failon and DJ Chacha program si Pua nitong October 24, 2024.
Sa simula, binanggit ni Pua na sinuspinde ang administrative order dahil sa mga posible nitong kaharapin na problema kapag nagsimula na ang implementasyon.
Paliwanag niya, nais lamang ng LTO na masupil ang pagdami ng mga unregistered at unrecorded sales ng motor vehicles.
Nang magsalita ang anchor na si Ted, ipinunto niyang hindi na-discuss ng LTO ang ukol sa dalawang batas sa Pilipinas na may kaugnayan sa inilabas nilang A.O.—ang Anti-Carnapping Law at Motorcycle Crime Prevention Act.
Ani Ted, nakasaad kasi sa dalawang batas na ang hindi pagpaparehistro ng mga sasakyan—motorsiklo man o kotse—ay may parusang administrative (multa) at criminal (imprisonment) liabilities.
Sinang-ayunan naman ni Pua ang mga sinabi ni Ted.
Nagbigay ng halimbawa ang anchor na kung ang isang motorsiklo ay hindi naparehistro sa LTO ng seller matapos ang limang araw, bukod sa PHP20,000 na multa ay maaari siyang makulong ng isang buwan hanggang anim na taon.
Pagdating naman sa hindi naparehistrong kotse, posibleng masampahan ng kasong “presumed carnap vehicle" at maaaring makulong ng 20-30 years.
Parte ng pahayag ni Pua sa panayam ni Ted: “Marami pong sitwasyon na hindi po namin na-consider doon po sa mga sitwasyon po bago po ang A.O. na ito.
“Sinuspinde po muna para ating pong mapag-aralan…”
Wala namang ibinigay na petsa si Pua kung kailan mailalabas ang draft ng amended rules ng A.O.
