Inanunsiyo ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na maglalabas ito ng karagdagang polymer banknotes pagsapit ng first quarter ng 2025.
Ayon sa Facebook post na may petsang December 3, 2024, “Ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay naghahanda sa pag-isyu ng First Philippine Polymer (FPP) Banknote Series—na may smarter, cleaner at stronger features.”
Kabilang sa magkakaroon ng polymer banknotes ay PHP500, PHP100, at PHP50.
Read: How to spot and avoid investment scams
Idinagdag ng BSP na sa kabila ng paglabas ng polymer banknotes, “ang perang papel ay mananatili sa sirkulasyon.”
Gagawing gradual at smooth ang transition para makapag-adjust ang publiko sa bagong banknotes.
Nagdesisyon naman ang BSP na huwag nang gumawa ng polymer banknotes para sa PHP200 dahil sa “low demand” nito, ulat ng Philstar.com.
Makikita sa inilabas na teaser photo ng BSP para sa FPP banknote series ang disenyo na magtatampok ng Philippine biodiversity.
Matutukoy kasi sa silhouette ng tatlong hayop ang dalawang mammals at isang fowl.
Kanya-kanyang hula ang netizens sa comments section kung ano ang mga hayop na ito.

April 2022 nang i-launch ng BSP ang PHP1,000 na nagtataglay ng larawan ng Philippine eagle at bulaklak ng sampaguita.
Ipino-promote ng BSP ang polymer banknote dahil bukod sa matibay, mas malinis din ito kumpara sa kasalukuyang paper banknotes.
Read: Mas simple, mas matibay na PHP1,000 banknote, ilalabas ngayong April
