Sinagot ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang tanong kung bakit wildlife ang itinatampok sa bago nitong mga paper bills sa halip na mga bayani.
Sa mga lumang paper banknotes at maging sa coins, nakasanayang puro imahe ng mga bayani ang nakaukit.
Pero nang ilabas ang polymer banknote na PHP1,000, ang Philippine eagle ang naging bida.
Read: Floyd Bermejo: Ang photographer ng Philippine eagle sa PHP1,000
Inanunsiyo kamakailan lang ng BSP na maglalabas ito ng mga bagong polymer banknotes na may denomination ng PHP500, PHP100, at PHP50.
Tinawag itong first Philippine polymer (FPP) banknote series.
Read: BSP to release PHP500, PHP100, PHP50 polymer banknotes in 2025
Batay sa silhouettes na nasa teaser, may mga hayop at halaman na tampok sa ilalabas na polymer banknotes.
Sa isang post na ginawa ng BSP noong December 6, 2024, sinagot nito ang tanong kung bakit mga hayop at hindi na mga bayani ang nasa disenyo ng mga bagong pera.
“Ang BSP ay laging nagtatampok ng mga bayani at likas na yaman ng bansa sa ating pera.
“Habang ang mga perang papel—na mananatili sa sirkulasyon—ay nagtatampok ng mga bayani, ang bagong serye ng polymer banknotes ay magpapakita ng mayamang biodiversity ng Pilipinas.
“Ang pagpapakita ng iba’t ibang simbolo ng national pride sa ating pera ay sumasailalim sa namistic dynamism at sining at nagtataguyod ng pagpapahalaga sa pagkakakilanlan nating mga Pilipino.”
Read: 1000-Piso Polymer Banknote puwedeng ipambayad kahit may tupi
WILDLIFE IN UPCOMING POLYMER REVEALED
Sa kabilang banda, inilabas na rin ng BSP ang tatlong wildlife—dalawang hayop at dalawang halaman—na itatampok sa ilalabas na FPP banknote series sa first quarter ng 2025.
Ang una ay ang Palawan peacock-pheasant o tandikan.
Ito ay may makintab na mga balahibo sa buntot nito at sumasagisag sa katatagan at kagandahan.
Kabilang din ang Visayan leopard cat na matatagpuan sa mga isla ng Panay, Negros, at Cebu.
“Sumasagisag ito sa katatagan, kaliksihan, kuryosidad, pagtitiwala sa sarili, at kasarinlan,” sabi ng BSP.
Sumunod dito ay ang Vidal’s lanutan, isang malaking bulaklak na endemic sa Pilipinas at kabilang sa pamilya ng gumamela.
Ang ikaapat ay ang Ceratocentron fesselii, isang critically endangered orchid na endemic sa Pilipinas.
“Makikilala sa marikit at kahel nitong bulaklak, ang orkidyas na ito ay matatagpuan lamang sa Luzon at Negros,” paglalarawan ng BSP.
