Sinimulan na noong Huwebes, August 14, 2025, ang pagpapatayo ng bagong footbridge na siyang ipapalit sa matarik na Kamuning footbridge o Mount Kamuning sa hilagang bahagi ng EDSA.
Kasabay nito ang construction ng Kamuning busway na idudugtong sa GMA-Kamuning MRT station.
Inanunsiyo ito ng Department of Transportation (DOTr) nung araw ding iyon.
Inaasahang matatapos ang rehabilitation ng footbridge at ang construction ng busway pagsapit ng Disyembre 2025.
Inilabas din ng DOTr ang digital designs, at makikitang talagang mas mababa ang gagawing footbridge kumpara sa kasalukuyang Mt. Kamuning, na may taas na 10 meters at itinayo noong 2018.
Read: EDSA's infamous PHP10-M footbridge gains international attention


PHP89M KAMUNING FOOTBRIDGE-BUSWAY PROJECT
Nauna na ring nabanggit ng DOTr na naglagak ito ng kabuuang PHP89,129,402.57 na budget para sa rehabilitation at construction sa Kamuning.
Read: Netizens react to PHP89-M budget for Kamuning Footbridge rehab
Maglalagay rin ng pedestrian-friendly walkway, elevators, at wheelchair lifts para sa senior citizens at Persons With Disabilities (PWDs).
“Ang bagong EDSA Kamuning Busway Station at footbridge ay kumpleto sa mobility at accessibility features para mapadali ang pagtawid ng mga pedestrian at pagsakay ng mga pasahero sa bus,” ayon sa Facebook post ng DOTr.
Tiniyak din ni Transportation Secretary Vince Dizon na hindi makakaabala sa mga commuters at motorista ang sinimulang construction dahil gagamitan ito ng prefabricated method.
