PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

DOST reacts to claims Sierra Madre shields Luzon from typhoons

DOST sets the record straight.
by Bernie V. Franco
Published Nov 10, 2025
Sierra Madre
American storm chaser Josh Morgerman stresses that the Sierra Madre does not weaken a typhoon upon landfall, contradicting claims made by many Filipinos. Here’s the Department of Science and Technology’s scientific explanation.
PHOTO/S: DOST via Facebook

Nakakatulong.

Ito ang buod ng paliwanag ng Department of Science and Technology (DOST) sa tanong kung may ambag ba ang Sierra Madre Mountain Range para maprotektahan ang mga karatig lugar mula sa matinding hagupit ng isang malakas na bagyo.

Sa isang Facebook post, idinetalye ng DOST kung ano exactly ang nagagawa ng Sierra Madre.

“Maaaring sabihing nakatutulong ang Sierra Madre Mountain Range bilang panangga sa mga bagyo sa Luzon sapagkat may kakayahan itong bahagyang pahinain o bagalan ang lakas ng hanging dala ng bagyo—lalo na sa hilagang-silangang bahagi ng rehiyon.

“Gayunman, hindi ito nagbibigay ng ganap na proteksyon laban sa matitinding epekto ng mga ito.”

Punto ng DOST: “Hindi gaanong humihina ang lakas ng bagyo sa unang anim (6) na oras matapos tumama sa lupa, kahit naroon ang mga kabundukan.”

May pagkakatugma ang paliwanag ng DOST sa post ng American storm chaser na si Josh Morgerman.

Read: Storm chaser, binasag ang paniniwala ng mga Pinoy sa Sierra Madre

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

STORM CHASER ON "MISINFORMATION" ABOUT SIERRA MADRE

Dumating sa Pilipinas si Josh noong November 8, 2025, para ma-witness firsthand ang hagupit ng Typhoon Uwan.

Sa mga updates na nakikita niya sa Facebook at X accounts, maraming Filipino netizens ang nagpo-post tungkol sa proteksiyon ng Sierra Madre laban sa bagyo.

Nag-react si Josh para ituwid ang aniya ay kumakalat na “misinformation.”

Ang post niya (published as is): “Many folks are posting misinformation about the Sierra Madre Mountains in the Philippines. Let me set the record straight: The Sierra Madre chain weakens typhoons *after* they make landfall on the east coast of Luzon.

"These mountains do *not* protect the east coast of Luzon, which regularly experiences some of the strongest tropical cyclone impacts in the world.”

DOST: SIERRA MADRE IS A "PANANGGA" BUT...

Ang nasa east coast ng Luzon ay ang Bicol region, ang probinsiya ng Aurora, at ilang bahagi ng Quezon. Lahat ito ay madalas mabiktima ng mga bagyo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Klinaro ng ahensiya na isa pang mountain range ang may mas malaking ambag.

Saad nito sa statement: “Ang Cordillera Mountain Range ay may mas malakas na epekto sa pagpapahina ng hangin kaysa Sierra Madre.”

Ang Sierra Madre raw ay nagsisilbing “panangga” sa Cagayan Valley.

Peor may pros and cons ang lokasyon nito dahil “nakababawas ng lakas ng hangin ng humigit-kumulang 1-13%, ngunit nakapagpapataas ng ulan sa kanlurang bahagi nito (kasama ang Metro Manila) ng 23-55%.”

Binanggit din ng DOST: “Ayon sa pag-aaral nina Dr. Gerry Bagtasa at Dr. Bernard Alan Racoma (2023) na nailathala sa Philippine Journal of Science, mas malaki pa rin ang pinsalang dulot ng malalakas na pag-ulan at pagbaha kaysa sa mismong hanging dala ng bagyo.”

Kaya malaki o maliit man ang ambag ng mga mountain ranges na ito, kailangan pa rin silang protektahan.

Ayon sa website ng Climate Change Commission, kabilang sa silbi ng sinasabing "natural fortress" ay may epekto sa araw-araw na pamumuhay ng mga taga-Luzon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sierra Madre is home to around 40 percent of the Philippines' forest cover and supports a rich biodiversity, with 3,500 plant species—58 percent of which are endemic. It also acts as a crucial carbon sink, covering 1.4 million hectares.

"Through carbon sequestration, the forests absorb carbon dioxide from the atmosphere, helping to regulate temperature and stabilize weather patterns.

"This process reduces extreme weather events and maintains ecological balance, while providing healthy habitats for various wildlife species."

Pagtatapos ng DOST, mahalagang alagaan ang Sierra Madre "laban sa pagkakalbo ng kagubatan, pagmimina, at iba pang mapanirang gawain, sapagkat ito ay tahanan ng mayamang biodiversity at mahalagang pinagkukunan ng likas na yaman ng bansa.”

Sierra Madre by DOST
Photo/s: DOST via Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: News reporters, pumukaw ng atensiyon sa gitna ng bagyong Uwan

NETIZENS LAUD LUZON'S MOUNTAIN RANGES

Samantala, patuloy pa rin ang papuring natatanggap sa social media ng Sierra Madre, Cordilleras, at maging ng Caraballo Range.

Bago dumating ang bagyong si Uwan, sandamakmak ang panalangin ng netizens na sana ay pahinain ito ng bulubundukin ng Sierra Madre.

May mga animations at graphics pa ngang ginawa ang ilan at nagmistulang mga characters sa comics o fantasy movie ang tatlong bulubundukin.

Very dramatic din ang mga photo posts.

Marami rin ang panawagan sa pagpoprotekta sa Sierra Madre dahil base sa mga aerial shots na kumakalat, ilang bahagi nito ay kinalbo.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
American storm chaser Josh Morgerman stresses that the Sierra Madre does not weaken a typhoon upon landfall, contradicting claims made by many Filipinos. Here’s the Department of Science and Technology’s scientific explanation.
PHOTO/S: DOST via Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results