PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Fewer Filipinos got married in two consecutive years, says data

Most number of weddings happened in February 2024.
by Bernie V. Franco
Published Nov 27, 2025
wedding
Latest data from the Philippine Statistics Authority show a 10.2% decline in the number of Filipinos who got married in 2024 compared to the previous year.
PHOTO/S: Canva

Sa magkasunod na taon, patuloy na bumaba ang bilang ng mga Pilipinong nagpapakasal.

Ito ay batay sa bagong datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) na inilabas nitong November 25, 2025.

Sa ipinakitang chart ng PSA, makikita ang bilang ng registered marriages sa loob ng halos isang dekada.

Mula 2015 hanggang 2019, ang bilang ng registered marriages ay consistent na higit 400,000.

Bumagsak ito noong 2020 sa 240,800, which is expected naman dahil sa pagtama ng pandemic.

Umakyat ito sa 356,800 noong 2021, at tumaas sa 449,200 noong 2022.

Pero bumaba ito noong 2023 na nakapagtala ng 414,200 registered marriages.

Muli itong bumaba noong 2024 sa bilang na 371,825 marriages.

Nangangahulugang sa taong 2024, nagkaroon ng 10.2% decline mula noong 2023.

Lumalabas na may 1,016 weddings na nangyayari kada araw sa buong bansa.

Read: Why doctors are often late, according to a doctor-vlogger

fewer filipinos got married in 2024; CALABARZON RECORDS HIGHEST

Sa 18 administrative regions sa buong Pilipinas, ang CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) ang nakapagtala ng pinakamaraming nagpakasal noong 2024.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Umabot ang registered marriages sa 54,981 o 14.8% ng total registered number of marriages noong nakaraang taon.

Sinundan ito ng National Capital Region (NCR), na may total na 48,448 marriages (13%), at Central Luzon, na may 42, 227 (11.4%).

Ang CALABARZON, NCR, at Central Luzon ay may pinagsamang 39.2% sa kabuuang bilang ng mga ikinasal sa buong Pilipinas noong 2024.

OTHER DETAILS ABOUT REGISTERED marriages in 2024

Sa datos, nag-reflect din na nangyari ang pinakamaraming nagpakasal sa Pilipinas noong February 2024.

Ang bilang ay nasa 46,130 (12.4%), na sinundan ng June with 45,085 (12.1%), at December na may 42,211 (11.4%).

Ang edad naman ng mga pinakamaraming nagpakasal ay nasa 25-29 years old.

Pagdating sa mga lalaki, isa sa tatlo ang nagpakasal, habang dalawa naman sa tatlong babae ang nagpakasal.

Pero sa older group, mas marami ang mga lalaking nagpakasal.

Ang mga lalaking nagpakasal na nasa edad 50 years old pataas ay umabot sa 15,882, kumpara sa mga babaeng same age bracket na nasa 8,275.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Lumalabas na mas maraming female adolescents (20 years old below) ang nagpakasal, at ang bilang ay umabot sa 10,776, o apat na beses na mas mataas kumpara sa male adolescents na nagpakasal at ang bilang ay 2,633.

Sa total number of registered marriages noong nakaraang taon, 375,454 dito ay Pilipinong babae at lalaki.

Ang 14,065 naman dito ay intermarriages.

Ang 13,230 rito ay Filipino women na nagpakasal sa foreign grooms, habang 835 Filipino men ang ikinasal with foreign brides.

Ang pinakamaraming bilang ng intermarriages ay Filipino women sa American men (3,789), Chinese men (1,616), Japanese (814), Canadian (679), at Korean (676).

Pagdating sa Filipino men, pinakamarami ang nagpakasal sa American women (217), Canadian (145), Japanese (91), Australian (46), at Chinese (40).

Read: A villa with "zero bills" and 180-degree view of Mt. Arayat

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Latest data from the Philippine Statistics Authority show a 10.2% decline in the number of Filipinos who got married in 2024 compared to the previous year.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results