PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Why more and more Filipinos choose live-in set-up

Are fewer couples getting married because more people prefer live-in set-ups?
by Bernie V. Franco
Published Dec 10, 2025
holding hads
The number of Filipino couples choosing live-in set-up has quarupled from 1992 to 2022, says the Commission on Population and Development.
PHOTO/S: Canva

Sa pagbaba ng bilang ng mga Pilipinong nagpapakasal sa nakalipas na dalawang taon, mabilis namang umakyat ang bilang ng mga Pilipinong mas pinipili ang live-in setup.

Natukoy ng isang ahensiya ng gobyerno ang mga dahilan kung bakit sa nakalipas na 30 years, nag-quadruple ang mga couples na nagli-live in.

Bago matapos ang November 2025, naglabas ng datos ang Philippine Statistics Authority (PSA) na nagpapakitang bumaba ang bilang ng mga naitalang nagpakasal mula 2022 hanggang 2024 o sa nakalipas na dalawang taon.

Mula 449,200 noong 2022, bumaba ito sa 414,200 noong 2023.

At mula 414,200 ng 2023, ito ay naging 371,825 noong 2024—o 10.2% decline.

Read: Fewer Filipinos got married in two consecutive years, says data

NUMBER OF PINOYS CHOOSING LIVE-IN SETUP SPIKES

Kinumpirma ng Commission on Population and Development (CPD) na lumaki ang bilang ng mga Pinoy couples na preferred ang mag-live in, o yung nagsasama sa iisang bubong kahit hindi pa kasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“We noticed na nag-quadruple ang mga nakikipag-live in from five percent in 1993, naging 19 percent in 2022,” paliwanag ni Mylin Mirasol Quiray, division chief ng Information Management and Communications Division ng CPD.

“Tapos ngayon nakita natin na may decline pa na nilabas ang PSA na more than 371,000 [2024] na nagpapakasal nag-decline siya ng 10 percent from the 414,000 of registered marriages in 2023.”

Nakapanayam si Quiray sa DZMM Teleradyo nitong December 7, 2025.

FACTORS WHY MORE PINOYS CHOOSE LIVE-IN SET-UP

Tinalakay din ni Quiray ang mga dahilan kung bakit mas dumami ang mga Pinoy na mas pinipili ang mag-live in kesa magpakasal.

Bungad ng division chief: “Dito sa studies natin nakita natin na ang daming mga factors.

“Una, they see it as a practical arrangement. Pag nakipag-live in na, kasi siyempre, nahahati yung expenses, saka yung efforts na puwedeng mangyari sa both couple.”

Ang iba naman daw ay nagsasama na sa iisang bubong kapag ang babae ay nabuntis.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“’Tapos nakikita nila na they can go to a co-habitation set-up without the pressure of a formal marriage.”

Sabi ni Quiray, factor din daw ang personal experiences o nasaksihan ng mga nasa relasyon mula sa ibang tao o kahit sa nakikita nila sa social media.

“Kasi yung iba natu-trauma because of [failed] relationships or family trauma that they have witnessed through the years,” ani Quiray.

“And yung iba din, nakikita sa social media portrayal na nakaka-affect sa kanila, ‘O, ang daming nakikipaghiwalay left and right then formally married. So bakit pa tayo pupunta diyan na napaka-complicated, napakahirap maghiwalay?’

“’Tapos yung iba naman, nakikita nila yung logistical difficulties, siyempre, pag mag-a-apply ng marriage license, you have to be absent from work kasi aasikasuhin mo yung mga papeles.”

Lumabas din daw sa pag-aaral ng CPD na isyu rin ang pagkakaroon ng magkaibang relihiyon ng nasa relasyon.

Pipiliin muna raw nilang mag-live in para tingnan kung magwo-work out ang kanilang pagsasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sundot pa ni Quiray: “Sa isa pa naming studies, nakita namin na yung mga kababayan nating Pilipino, they prefer their economic well-being to be okay first before they get married and have children.”

Pagbubuod ni Quiray sa kanyang ginawang paliwanag: “’Yung practicality, yung relationship and family trauma, personal or as portrayed in social media, so iyon yung major scenes na nakita natin sa studies natin talaga.”

Read: Meet Boy Buhat, Divisoria porter turned on-the-spot reporter

DOWNSIDES OF LIVE-IN SETUP

Kaugnay ng paglalahad ng resulta na ginawang pag-aaral ng CPD, inusisa si Quiray kung ano ang risks o kaya ay negatibong epekto na maaaring idulot ng pagkakaroon ng mga live-in set-up.

Pasintabi ni Quiray, nirerespeto raw nila ang “all kinds of structure” na pinipili ng mga Pilipino pagdating sa pagsasama…

“Ang gusto lang talaga natin, yung social protection ng mga kababaihan at mga bata din na pinapanganak sa ganitong set-up.

“Yun talaga ang panawagan natin—the social protection and the rights, and strengthening talaga na dapat kahit ganito yung setup, yung responsible parenthood and family planning ay talagang napapraktis ng mga couple sa ganitong set-up.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, may practical benefits kapag ang isang couple ay kasal.

Una muna niyang binanggit na sa datos ng PSA noong 2022, makikitang 600,000 ang mga ipinanganak within marriage kumpara sa 800,000 na mga sanggol na isinilang out of marriage.

“So kahit doon pa lang, yung mga pinanganak na ito, nakikita natin yung trend.”

Ani Quiray, pantay dapat ang mga karapatan ng mga batang ipinanganak, whether within marriage or out of wedlock.

Pero ang pagkakaiba raw ay ang “legal protection.”

Punto ni Quiray, “Bagama’t equal ang rights inside o outside marriage, pero dapat acknowledged ka, e, di ba? Nasa birth certificate [ang pangalan] ng iyong father para magkaroon ka ng rights at kapakanan.”

Tinukoy rin ni Quiray na kapag ang isang partner ay nangaliwa, hindi ito puwedeng sampahan ng reklamong bigamy o concubinage dahil walang legal impediment sa couple na hindi kasal.

Isa pa raw risk ay ang separation of properties.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kapag daw ang live-in couple ay hindi kasal, magiging mahirap ang hatian nito kapag nagkahiwalay.

“So kanino mapupunta kanino? Unless formally naka-set talaga sa contract na once na may mangyari, mapupunta ito sa iyo.”

Pero kabig ni Quiray, may mga pagkakataong hindi pa rin ito natutupad.

Read: Man aspiring to become lion tamer dies after entering lion’s den

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The number of Filipino couples choosing live-in set-up has quarupled from 1992 to 2022, says the Commission on Population and Development.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results