PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

What constitutes reckless driving, according to a lawyer

What should you do if you believe you did not commit reckless driving?
by Bernie V. Franco
Published Jan 13, 2026
driving wheel
A lawyer expounds further on the considerations before a driver can be said to have committed reckless driving.
PHOTO/S: Canva

Naging malaking usapin kamakailan ang isyu ng vlogger na si James Deakin, matapos patawan ng reckless driving ng traffic enforcer ang kanyang 19-anyos na anak.

Nagmamaneho ang anak ni Deakin sa Skyway, northbound, papuntang Quezon Avenue exit noong December 18, 2025.

Nahuli ito ng traffic enforcer dahil sa paglipat nito sa area na may double solid lane traffic control marking.

Read: VIRAL: What happened in James Deakin vs. LTO issue?

MAJOR CONSIDERATIONS in determining RECKLESS DRIVING

Anu-ano nga ba ang mga elements para mapatawan ng reckless driving?

Ito ang tinalakay ng abogadong si Atty. Noel del Prado sa Hello Attorney episode ng DZMM nitong January 12, 2026.

Una, ang driver ay nagmamaneho ng motor vehicle.

Sabi ni del Prado, “Dapat ang dala-dala mong sasakyan o ang minamaneho mo ay pasok sa definition ng motor vehicle.”

Excluded daw rito ang i-bikes at e-trikes.

Pangalawa, nangyari ito sa anumang highway o major road.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pangatlo ang "pagmamaneho ng motor vehicle sa public highway in a manner na walang reasonable caution."

ELEMENTS that constitute RECKLESS DRIVING

May mga factors naman daw para masabi kung nagkulang o hindi nag-ingat ang driver.

Dapat daw ikonsidera ang mga sumusunod na elements:

Lapad ng kalsada

“Kung makitid iyan, dapat mas maingat ka. Kung mas maluwag, puwede kang umiwas-iwas. Mas maliit ang kalsada, mas kailangan ng dagdag na ingat.”

Traffic

Kung masikip daw ang kalsada dahil trapik, “Hindi ka dapat gumegewang-gewang diyan o mabilis.”

Kung smooth naman daw, kailangan maging mindful sa speed. Mataas kasi ang tsansang mabangga kapag sobrang bagal ng sasakyan sa highway.

ROAD PROFILE AND CONDITION

Huwag mabilis ang pagmamaneho kung paakyat o pababa ang daan, papalapit sa crossings o intersections, at may curves o kurbada o zigzag.

Tinitingnan din kung malubak o madulas ang kalsada dahil sa buhos ng ulan.

visibility

Kung binalewala ang makapal na hamog, usok, o smog sa pagmamaneho, posibleng makategorya ito as reckless driving.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dagdag pa ni Atty. Del Prado, dapat ding isaalang-alang ang maayos na kondisyon ng sasakyan pati na rin ng driver para maiwasang maka-endanger ang "property, safety, or rights of any person."

Lastly, hindi man nabanggit sa listahan sa taas, maaari raw idagdag sa mga konsiderasyon ang speed o bilis ng pagpapatakbo.

Iba-iba naman daw kasi ang speed limits at kadalasan ay may signs naman.

“Under the Land Traffic and Transportation Code, iba-iba. At minsan, puwedeng magtakda ang lokal na pamahalaan at inilalagay sa road signs [kung] ano ba ang maximum o kaya minsan sa Skyway, may minimum speed.”

DISREGARDING TRAFFIC SIGNS

Pasok ba sa reckless driving ang hindi pagsunod sa traffic signs?

Ang mangyayari, ayon sa abogado: “…in evaluation ka na dinisregard mo ang traffic sign, papasok ang Civil Code.

"Kapag nag-violate ng any traffic rule, may presumption ka na ikaw ay negligent. Papasok pa rin iyon sa reckless driving.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibig daw sabihin, kahit walang nabangga o nasaktan, pero nahuling di sumusunod sa batas trapiko, maaari pa ring patawan ng reckless driving.

Kung wala naman daw damage o injury, ang ipapataw na penalty ay minimum, tulad ng multa.

Bukod pa ang administrative liability na posibleng makaapekto sa ipatutupad ng Land Transportation Office (LTO) na demerit system.

Sa renewal of license, imbes na 10 years ang validity, baka gawing 5 years.

Sa kabila ng nga considerations na ito, ang dapat lang daw tandaan ay: “...basic lang, kailangan mo lang mag-ingat o magkaroon ng sapat na pag-iingat taking all of these circumstances.”

ABILITY TO DISPUTE

Paano kung sa tingin ng driver ay mali ang pagpataw sa kanya ng reckless driving ng isang traffic enforcer?

Ani Atty. Del Prado: “May presumption of regularity ang pagpapatupad ng batas ng traffic enforcer, kasama ang panghuhuli. Pero puwedeng i-dispute.

Puwede naman daw itong i-contest kung sa tingin ng driver ay hindi pasok ang ipinataw ng traffic enforcer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang halimbawa pa ng abogado, may mga kaso raw na puwedeng i-justify ang pagmamadali, lalo na kung emergency ito at may pasyenteng isinusugod sa ospital.

Sa ganitong sitwasyon daw, maaaring mapababa ang penalty, pero di pa rin maaabsuwelto.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A lawyer expounds further on the considerations before a driver can be said to have committed reckless driving.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results