Karapatan ng consumers ang magreklamo lalo na kung may isyu sa kalidad ng serbisyo at produktong kanilang binayaran.
Ito ang kanilang right to redress na nakasaad sa Consumer Act.
Pero aminin natin, kailangang mag-effort para dumulog sa tanggapan at magsumbong sa Department of Trade and Industry (DTI).
Kaya naman, noong 2024, inilunsad ang DTI Consumer Complaints Assistance Resolution System (CAReS), isang online platform para sa mga reklamo at sumbong.
Maaaring magsumite rito ng reklamo tungkol sa depektibong produkto, hindi patas na negosyo, o mapanlinlang na transaksiyon.
Dito rin puwedeng i-monitor ang status ng reklamo.
May paliwanag si Cristina P. Bungay, senior trade industry development specialist, CPAB-Consumer Care Unit ng DTI, sa YouTube channel ng ahensiya nitong July 28, 2026.
Iginiit niya ritong malaki man o maliit ang value ng binili, magsumbong dapat sa DTI.
“Dahil nga po meron tayong karapatan, [the] consumer redress, dapat hindi lang po tayo doon sa maliit na amount lang, it’s because karapatan po natin iyan,” ani Bungay.
Ang hangarin sa pagsusumbong ay para sa “repair, replacement, refund” o 3Rs.
Makakatulong din ito para hindi maranasan ng ibang consumers ang reklamo sa produkto at serbisyo.
HOW THE COMPLAINTS ARE PROCESSED
Paano mag-file ng complaint?
Kailangan lamang magpunta sa https://consumercare.dti.gov.ph.
Pagkatapos, mag-register, at ilagay ang mga information details para ma-verify ang account gamit ang iyong e-mail.
Sa oras na makapag-file ng complaint ang complainant, maghihintay ng response mula sa DTI.
“If it’s under the jurisdiction of DTI, mapupunta iyon [sa] mediation officer.
“However, if it’s not under the jurisdiction of DTI, automatic po siyang ire-refer ng system [sa] tamang agency na may kapangyarihang umaksiyon at tugunan ang reklamo,” ani Bungay.
Halimbawa, kung ang reklamo raw ay internet connection, kapag nagsumite ng reklamo online sa DTI ay automatic itong ipo-forward ng DTI Consumer CAReS sa National Telecommunications Commission.
Mano-notify ang complainant na ang kanyang reklamo ay na-refer sa corresponding agency kasama ang contact details ng ahensiya.
Kapag walang nakuhang response ay puwedeng magpatulong sa DTI para mag-follow up.
Narito naman ang listahan ng mga reklamong sakop ng DTI.
- Depektibong produkto
- Mali o mapanlinlang na advertisements
- Hindi pagtupad sa warranty
- “No return, no exchange” policy na labag sa batas
- Hindi pag-repair, replace, o refund ng depektibong produkto
- Online shopping at e-commerce compliants
- Mapanlinlang o hindi patas na business practices
- Overpricing, profiteering, o labis na pagtaas ng presyo kumpara sa suggested retail price (SRP)
- Price tag violations (walang price tag o magkaiba ang presyo sa shelf at cashier)
- Gift check o gift certificate complaints
- Unfair sales acts at deceptive sales promotions
- Consumer fraud o panloloko sa pagbebenta ng produkto o serbisyo
- Hindi pagtupad sa napagkasunduang serbisyo
- Mga reklamong may kaugnayan sa Consumer Act of the Philippines (RA 7394)
Paalala lamang ni Bungay, “Kailangan lang pong suriin mabuti ng consumer kung saan papasok ang kanyang complaint sa dami ng categories.”
Paano kung hindi sigurado ang consumer kung pasok ang concern sa DTI?
“Puwede din po silang tumawag sa amin so that we can assist kung ano po ang kanyang iki-click,” ani Bungay.
Matapos ma-file ang complaint at kung pasok ito sa DTI jurisdiction, maa-assign ito sa isang DTI mediation officer.
Kapag na-verify ang compliant at kumpleto ang mga detalye at ebidensiya, maglalabas ang DTI ng Notice of Mediation upang simulang maresolba ang reklamo.
Nakasaad ang petsa, oras, at ang link para sa mediation ng complainant at nireklamong business o establishment (respondent).
“Ito po ay ise-send online din. Ini-inform [ang] respondent na merong complaint at magkakaroon ng mediation conference on this date, on this time.
“Paghaharapin sila [online]…”
Ang goal ay magkaroon ng amicable settlement sa pagitan ng complainant at respondent.
“Ang role lang naman ng DTI ay pagharapin kayo, as much as possible, mag-agree kayo para hindi na po tumaas ang level nung complaint.”
Ang target ay maresolba ang reklamo 10 days matapos magsumite ng complaint online.
“So, yung mga beyond doon, e, mga medyo complex, and kung sa both parties talagang hindi mag-agree…”
Sa follow-up naman kung di pa naka-assign sa mediation officer, maaaring mag email sa consumercare@dti.gov.ph.
Karamihan naman daw sa mga reklamong natatanggap ng DTI ay defective products at late delivery.
Paano kung ang produkto ay in-order abroad? Sino ang mananagot?
“Kunwari nasa e-market place, ang iko-complain po natin ay ang e-market place [online selling platform], kasi siya po ang may responsibility sa merchant o seller, kasi bakit niya in-allow.”

Read: Boulevard in Bridgetowne named after tycoon John Gokongwei, Jr.
Step-by-step process of filing a complaint
STEP 1 - Log in
Mag log in sa https://consumercare.dti.gov.ph
Mag-sign in gamit ang registered email address at ang identified password.
Kapag nakapag-log in, i-click ang “File a Complaint” button mula sa menu.
Automatic na ilalagay ng sytem ang information ng complainant batay sa kanyang registration details.
Iclick ang “Next”
STEP 2 - Input complaint details
Ilalagay ng complainant ang complaint details.
I-select ang transaction type; i-select ang category ng complaint. Ang ang category ay dapat nasa ilalim ng DTI jurisdiction. Kung hindi ito saklaw ng DTI, ifo-forward ito sa corresponding agency bilang referral.
Piliin kung saan nangyari ang transaction—online ba o offline?
Piliin ang preferred DTI venue na siyang hahawak sa complaint.
Piliin ang date ng transaction at ang desired outcome (kung replacement, refund, repair).
Kasunod nito ay ilalahad ng complainant ang narrative ng kanyang complaint at ia-attach ang proof of transaction tulad ng receipt.
Step 3 - Input respondent's details
Kailangan i-provide ng complainant ang details ng respondent. Ilagay ang pangalan ng company o i-select ito sa list kung existing sa system.
Kung naka-list ang company, automatic na lalabas ang contact information. At kung hindi man, kailangan ilagay ng complainant ang contact info, tulad ng contact number, address, email.
Next, ilagay ang authorized representative ng company. Kung naka-list ang company sa system, automatic itong lalabas.
Step 4 - Review data
Idi-display ang summary na inilagay ng complainant. I-double check kung tama ang mga detalye.
Step 5 - Submit
Mag-i-isyu ng ticket number ang system para sa updates. Magpapadala rin ng e-mail notifications para sa anumang updates.
Read:
Jeric Gonzales reacts to Rabiya Mateo-Jake Cuenca relationship
What you need to know about PEP Spotlight: SINE X Cinemalaya
