PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Will Christmas be cool amid a super El Nino?

Magiging malamig ba ang simoy ng hangin?
El Nino, Philippine map
With Christmas approaching, the northeast monsoon, or Amihan, is expected to begin by mid-October. It usually brings cooler temperatures—but with a super El Niño underway, can we still expect cool weather this Amihan season?
PHOTO/S: Canva

Tuwing malapit na ang panahon ng Kapaskuhan, inaasahan nating malamig ang simoy ng hangin.

Pero dahil sa napipintong El Niño, may cool breeze pa rin bang dulot ang northeastern monsoon o Amihan ngayong Pasko at sa unang bahagi ng 2027?

Nagbigay na ng babala ang mga government agencies tulad ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) at Commission on Climate Change ukol sa paparating na "very strong El Niño."

Ayon sa World Meteorological Organization (WMO), maituturing daw na isang global concern ito, at inilarawan bilang “Godzilla,” “unprecedented,” at “off the charts.”

Ngayong pa lang ay sinasabing pinakamalakas na El Niño ito sa kasaysayan.

Read: "Godzilla" El Nino may lead to 6,500 deaths in the Philippines

Inaasahan namang matatapos ang southwest monsoon o Habagat, at pagsapit ng ikalawang linggo ng October ay papasok na ang Amihan na nagdadala ng malamig na simoy na hangin.

Will it be cool or hot this Christmas season?

Pero dahil sa super El Niño, asahang maaapektuhan ang lamig ng panahon ngayong Kapaskuhan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Papunta na tayo sa strong to very strong El Niño simula po ngayong kasagsagan ng September, October, November, up to end of December 2026…” ani Ana Liza Solis, chief ng Climate Monitoring and Prediction Section (CLIMPS) ng Climatology and Agrometeorology Division (CAD) ng PAGASA.

Na-interview si Solis sa Ligtas Dapat ng DZMM Teleradyo nitong September 26, 2026.

Aniya, may 45 probinsiya na ang nakakaranas na ng significant reduction sa tubig-ulan, habang walong probinsiya ang nakakaranas na ng drought o tagtuyot sa Visayas at Mindanao.

Tinatayang 84 probinsiya sa Pilipinas ang apektado ng matinding init mula October 2027 hanggang katapusan ng March 2027, kahit panahon pa ng Amihan.

Batay raw ito sa six-month forecast ng PAGASA.

“Ang tinitingnan po natin around January, February, March, eto yung napakataas talaga yung probability, yung chances, yung talaga wala o kokonti na ang ating ulan.”

May mga areas ba na mararamdaman ang malamig na temperature?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Meron pa rin, lalung-lalo na sa eastern side ng bansa sa Luzon, Eastern Visayas, and Eastern Mindanao, including portions of Bicol area.

“Nakikita natin na sisimoy pa rin yung malamig na hangin dulot ng Amihan, pero maaaring magkaroon pa rin ng simoy ng mainit na hangin din… dahil nga po dito sa very strong El Niño natin na mararanasan.

“So, usually po, mga February or January [2027] possible pa rin ang cold surges.”

Pero mas magiging mainit daw ang temperatura ngayong Amihan season kumpara noong nakaraang taon.

Sabi ni Solis, “…kung ikukumpara nati...may mga record breaking kasi tayong minimum temperature during that time.

“Pero ngayon, hindi po natin nakikita…”

Asahan pa rin daw ang malamig na temperatura sa gabi at umaga, pero magiging mainit pagsapit ng tanghali at hapon.

“Possible yung mga record-breaking temperatures po, yung mga maximum daytime and nighttime temperature natin…” ani Solis sa Saksi interview noong September 8.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“And, also, yung mga matataas na alinsangan or heat index, so… maaaring widespread iyan, lalung-lalo na po sa pagdating ng ating warm and dry season months next year.”

Sinabi rin sa ulat na ang mga lugar na sinalanta ng maraming ulan sa panahon ng Habagat, tulad ng Bulacan at Pampanga, ay ang mga lugar na maaaring makaranas ng matinding tagtuyot sa panahong ng very strong El Niño.

Kabilang naman ang Camarines Sur sa mga lugar na nagsisimula nang makaranas ng drought.

At ang paalala pa ni Solis, ang mainit na panahon ay hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
With Christmas approaching, the northeast monsoon, or Amihan, is expected to begin by mid-October. It usually brings cooler temperatures—but with a super El Niño underway, can we still expect cool weather this Amihan season?
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results