PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tips: How to care for pets before, during, and after travel

Here are the do's and don'ts to remember.
by Bernie V. Franco
Published 4 hours ago
dog car
A veterinarian explains in detail what fur parents should keep in mind when traveling with their pets.
PHOTO/S: Canva

Concern ng fur parents ang kapakanan ng kanilang mga alaga kapag isasama ang mga ito sa byahe.

Dahil hindi sanay sa pagbibiyahe ang mga alagang hayop at highly sensitive ang kanilang mga pandama, madali silang ma-stress.

Ano ba ang mga dapat tandaan ng fur parents before, during, and after travel?

Gaano man kalayo, higit sa checklist ng vaccines at documents ang dapat na paghahanda, sabi ni Dr. Glenn Albert “Gab” Almera, veterinarian and founding chairman ng Pet Partner Philippines, Inc.

Aniya pa sa Good Morking Kuya ng UNTV News and Rescue noong October 3, 2026, kailangan daw isaalang-alang ang mental, physical, at emotional health nila.

Ang ilang lugar ay may specific requirements.

Kung palipad abroad, kukuha ng specific vaccines, tulad ng antibodies, pati na rin ng blood sample ng pet na pino-process nang ilang linggo hanggang buwan.

Ilan sa mga bansang may very strict rules sa pet travels ay Singapore, United Arab Emirates, Australia, New Zealand, Iceland, United Kingdom, at Iceland.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Locally, kung magbibiyahe from port to port, hinahanapan ang pets ng proper vaccinations.

Pero meron ding mga inaalam kung properly prevented ang ticks and flees.

Idinetalye rin ng veterinarian ang mga paghahanda sa bawat yugto ng pagbibiyahe kasama ang pets.

cat over luggage
Bukod sa mga vaccinations at documents, mahalagang ihanda rin ang pets physically, mentally, at emotionally kung bibitbitin sa byahe.
Photo/s: Canva
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Pneumonic plague: Should the Philippines be alarmed?

BEFORE TRAVEL

Bilang preparasyon, simulan daw ang desensitization sa inyong alaga.

Ito yung pagsasanay sa isang bagay upang mabawasan ang physical, emotional, and physiological response sa isang stimulus.

Tinatawag din itong acclimatization.

Pagbabahagi ni Almera, kumpara sa pusa, mas sanay ang aso sa activities at travel.

“Pero ang pusa predated. They don’t want to travel to far places, lalo na sa places they are not familiar with.”

Unang advice ni Almera, “Gawin po ninyo na parang parte ng furniture yung mga carrier nila.”

Para ma-familiarize, ilagay ang naka-open nilang carrier sa sofa, gayundin ang mga laruan at beddings.

“So that po kapag sila ay magta-travel, alam nila na yun talaga yung kanilang pinupuntahan.”

In short, magsisilbi raw itong security blanket nila.

“As the days go by, puwede nang isara ang carrier, at dalhin sa sasakyan na hindi gumagalaw.

“Pagkatapos ay [paandarin] ang makina at imaneho nang paunti-unti.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa ganitong paraan daw kasi ay napa-familiarize sila sa mga sudden movements at maiiwasang ma-ovexcite o ma-stress sa araw ng travel.

Paalala ni Almera, importante na nasa carrier ang alaga. Ibinigay niyang halimbawa ang videos kunsaan may mga pusang tumatakas at tumatalon palabas ng sasakyan.

Aniya, agitation ang rason dito.

“Tandaan po natin, their hearing capacity is stronger than ours.”

Ibig sabihin, madali silang ma-trigger sa busina, galaw ng sasakyan, at biglang pagpreno.

Sa mga alagang aso, prone naman daw sila sa overheating lalo pa at active sila.

Ilang araw bago ang byahe, sanayin sila sa loob ng carrier o kaya ay ipasyal sila sa labas.

Iwasan ding labis na busugin ang mga pets bago ang biyahe para hindi sila magsuka.

Ano ang mga dapat iwasan sa araw ng biyahe?

“Unang-unang dapat nating tandaan ay wag na wag natin silang pagsusuotin ng sobrang masisikip na harness.

“It could trigger the stress, it could make them choke, and ma-suffocate sila,” paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iwasan daw ang paggamit ng carriers na walang masyadong ventilation.

Binanggit din niya ang transparent carriers na puwedeng makapag-overstimulate sa alaga sa dami ng nakikita.

Panghuli, “Wag aalis ng bahay na walang identification, security, card, contact persons, lalo na sa panahon ng emergency.”

Dapat daw ay may matatawagan para tumulong sa oras ng emergency.

Read: EXPLAINER: Why weight loss is difficult, according to an endocrinologist

cat in carrier
Ano-ano ang mga dapat tandaan para matiyak na handa na ang inyong pet sa byahe?
Photo/s: Canva

DURING TRAVEL

Sa mismong araw ng biyahe, iwasang maglaro nang maglaro ang alaga upang hindi ma-overagitate.

Reminder din ng vet, kapag may nakitang ibang hayop sa isang stopover, huwag sila basta-basta ilalapit.

“Kasi yung sudden interaction can cause harm to them,” paliwanag niya.

May mga pagkakataon daw na nagsusuka ang ating pets dahil sa motion sickness.

Sa mga pusa, may mga pheromone sprays para iwas-stress. May available gamot din daw para sa mga aso.

Isa pang tip ng vet ay ang pagbibigay ng favorite toys habang nasa carrier ito.

Samantala, may cases daw na binibigyan ng pampatulog ang mga pets kapag ibibiyahe.

Ginagawa raw ito during emergency travel cases sa tulong ng medical professional.

Ilan daw sa mga sitwasyong ginagawa ito ay kapag nagkakaroon ng seizures o may neurological conditions.

Ibinigay rin ni Almeras ang mga senyales na hindi dapat ipagwalang-bahala oras na mangyari ito habang nasa biyahe.

Ito ay pagsusuka na may dugo, overstress, nagsi-seizure, comatose, o kaya ay bumabagsak.

Ideally, mas advisable na wag nang isama sa malayuang biyahe ang mga senior pets dahil mahina na ang kanilang puso.

Kabilang din dito ang mga alagang may high blood pressure, hypothyroidism, at asthma.

AFTER TRAVEL

Kapag nakarating na sa destinasyon, bigyan daw ng panahon ang pets na makapag-adjust at mag-cool down.

Gaya ng tao, minsan ay nakakaramdam din sila ng jetlag matapos ang mahabang byahe.

Kapag komportable na raw itong nakalabas ng carrier, i-introduce daw ang pets sa new environment.

Malalaman daw na hindi sila komportable kapag ayaw kumain, umihi, at dumumi.

Tiyakin din daw na malinis at maayos ang lagayan nila ng tubig at pagkain.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A veterinarian explains in detail what fur parents should keep in mind when traveling with their pets.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results