Ang PhilHealth YAKAP ay programa ng gobyerno na naglalayong matulungan ang mga Pilipinong mapangalagaan ang kanilang kalusugan at maiwasan o maagapan ang sakit.
Magiging kaagapay ng bawat miyembro ang mga YAKAP Clinics para maagang matukoy ang anumang karamdaman at mabigyan ng kaukulang gamot.
Lahat tayo, miyembro o dependent, bata man o matanda, ay kasama sa programang ito na kabilang sa mga benipisyo ay ang mga sumusunod:
- Primary care checkup
- Laboratory test
- PhilHealth GAMOT
- Cancer screening test
Pero kailangang magparehistro.
PROSESO para magamit aNG MGA BENEPISYO
Step 1: Kumuha ng PhilHealth Identification Number (PIN)
Kung rehistradong PhilHealth member na, maaaring gawin na agad ang Step 2. Pero kung hindi pa, magparehistro upang magkaroon ng PIN sa alinman sa mga sumusunod:
- Online sa pamamagitan ng PhilHealth Member Portal. I-click lang ang link na ito: https//memberinquiry.philhealth.gov.ph/member/pinApplication.xhtml
- Ihanda ang mga kaukulang requirements, gaya ng duly accomplished PhilHealth Membership Registration Form (PMRF) at iba pang supporting documents kabilang ang birth certificate o valid ID para i-upload.
- Maaari ring magtungo sa alinmang PhilHealth Local Health Insurance Office (LHIO).
Step 2: Magparehistro sa PhilHealth Yakap
Magparehistro sa eGovPH App, sa PhilHealth Member Portal, sa alinmang PhilHealth Office sa buong bansa, o sa iyong napiling YAKAP Clinic.
Maaaring makita ang listahan ng mga accredited YAKAP Clinics sa link na ito: https://www.philhealth.gov.ph/partners/providers/facilities/accredited/YAKAP.pdf
Step 3: Gamitin ang benepisyo.
Pumunta sa YAKAP Clinic kung saan nakarehistro para sa unang konsultasyon.
King kinakailangang magpa-laboratory test, base sa rekomendasyon ng doktor, at hindi available sa YAKAP Clinic, ituturo ka sa ka-partner na diagnostic o laboratory clinic.
Kung may kinakailangang gamot, magrereseta ang doctor gamit ang GAMOT App.
- Pumunta sa kahit saang accredited na GAMOT provider o botika para kunin ang gamot
- Ipakita sa pharmacist ang reseta o UPSC code.
- Pirmahan ang GAMOT Availment Slip na ibibigay ng pharmacist.
Tandaan:
May karatulang naka-display sa labas at loob ng botika bilang katunayang sila ay accredited na GAMOT provider.
Step 4: Bumalik sa YAKAP Clinic para sa mga susunod na follow-up check-up.
Mahalaga ito para ma-monitor ang kondisyon at para rin makakuha ng gamot, kaya huwag kalilimutang sundin ang mga payo ng doctor.
Read: PhilHealth gives free medicine worth PHP20K under Gamot package
MAGKANO ANG BENEPISYONG IPINAGKAKALOOB NG PHILHEALTH YAKAP SA BAWAT BENEPISYARYO?
Hanggang PHP20,000 ang halagang maaaring makuhang gamot ng kada benepisyaryo sa accredited botika sa loob ng isang taon.
Sasabihin ng pharmacist kung magkano pa ang balance mula sa PHP20,000 na limit.
SPREAD THE GOOD NEWS ABOUT PHILHEALTH YAKAP BENEFITS
Ibalita rang benepisyong nakuha sa lahat ng kamag-anak o kakilala upang maging sila ay makinabang din sa programang ito.
