Maraming Pinoy netizens ang nababahala dahil sa magkakasunod na abiso ng iba’t ibang bansa patungkol sa emergency preparedness.
Sa foreign news outlets, ginamit sa iba't-ibang bansa ang iba't ibang kataga gaya ng "doomsday,” “emergency crisis,” “global emergency warning,” at iba pa.
Sa United Kingdom, sinabihan ang mga citizens na maghanda sa loob ng tatlong araw o 72 hours.
Gayun din sa Japan, na naglabas ng nationwide disaster awareness na maging handa sa loob ng tatlong araw.
Sa U.S. naman, sinabihan ng government ang military bases na sumailalim sa 90-day self-sufficiency preparation.
Kasama ring naglabas ng warning ang Taiwan at tinatayang 17 members ng European Union.
Kumalat ang mga announcements na ito sa social media, at nag-cause ng worry.
Pero ang tanong: mayroon bang dapat ikabahala ang mga Pilipino?
Ano ang reaksiyon ng gobyerno rito?
Read: Why bottles and other containers aren’t filled to the brim
PINOY ANALYST REACTS
Walang malaking banta ng terorismo at krisis.
Ito ang nilinaw ni Dr. Rommel Banlaoi, president ng Philippine Society for International Security Studies.
Si Banlaoi ay isang political scientist, security analyst, at international studies expert.
Aniya: “Right now, there is no evidence of any imminent threat or disaster or international crisis arising from cyberattacks or natural calamities or even terrorist attacks. Walang specific threat,” paliwanag niya sa UNTV News and Rescue interview.
Ang ginagawa raw ng mga nabanggit na bansa ay preparedness campaign para sa krisis o kalamidad na puwedeng dumating, tulad ng climate change, international tensions, cyberattacks.
“Kasi masyado na tayong connected sa cyberworld,” kaya mas naging vulnerable daw sa cyberattacks ng mga “malicious individuals or entities.”
Sabi pa ni Banlaoi: “Kasi kapag nagkaroon ng cyberattacks, apektado tayo, lalung-lalo na yung energy natin, yung technology natin. Lahat tayo nakasalalay diyan kaya pinaghahandaan tayo diyan.”
Bakit 72 hours ang standard number of hours na nirerekomenda ng mga experts?
“...dahil iyan ang puwede nilang i-respond to restore to the normal life yung situation,” paliwanag ni Banlaoi.
Bagama’t may existing mechanism na ang Pilipinas pagdating sa response, maaari pa raw itong ma-improve.
Samantala, sa isang pahayag, sinabi naman ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na handa umano ang gobyerno sakaling magkaroon ng emergency.
Read: No senior ID? Senior citizens may still avail of discounts
DOST SECRETARY SPEAKS UP
Nagsalita rin si Secretary Renato Solidum Jr. ng Department of Science and Technology (DOST) kaugnay ng isyung ito.
Sabi ng kalihim kaugnay ng inilabas na abiso ng Japan: “Kasi nga may bago silang ministry na nakatutok sa disaster preparedness. Dati-rati kasi parang Cabinet office lang siya.”
Ang “Be ready” ay campaign na inilunsad ng bagong ministry, ani Solidum sa interview ng DZMM Teleradyo.
Kahit daw ang Pilipinas ay mayroong precautionary measures sa mga kalamidad gaya ng lindol, kaya mayroong Go bag o emergency bag.
“Iyan yung sinasabi natin noon na kung kailangan ng mga pamilya na maging handa sa iba't-ibang panganib.
“Ito naman po ay binabanggit natin parati noon pa. Hindi lang tayo nasasabay sa mga ganoong announcement sa ibang bansa."
Inusisa ang DOST secretary kung mayroon bang dapat ikabahala ang mga Pilipino.
Paglilinaw ni Solidum, ang pagiging handa ay kailangan namang gawin ng bawat pamilya, lalo na raw sa Pilpinas na madalas bisitahin ng iba't-ibang panganib, tulad ng El Niño, bagyo, at lindol.
Giit ni Solidum, “These are preparedness campaign in any emergency. Meron kang mapapagkunan ng pagkain at tubig.”
Paliwanag din niya sa inirerekomendang three-day stock piling: “Yung three days na iyan, usually iyan yung bago ka makakuha ng tulong from the government, kung malaki yung disaster ang nangyari.”
Ang inilabas daw ng UK government na routine resilience measure ay bilang response nila sa severe weather event bunsod ng El Niño. Nakakaranas din daw sila doon ng power failure.
“Unang-una, naaapektuhan din ang Europe ng mga iba-ibang mga emergency, lalo na pag umiinit ang mundo, mas affected ang mga malamig na country pagdating sa mga heat wave, kaya importante po rin na nagkakaroon ng context at situational.”
Nang usisain ang kalihim kung may pangamba ba sa pagkakaroon ng giyera, ang sagot niya ay nakatuon sa natural disasters.
“Sa ngayon, ang tutok natin yung El Niño na umiinit ang ibat-ibang lugar.
“Imporante po iyan na may tubig at nagha-hydrate. Gayundin ang mga lugar na affected ng electricity.
“So again, importante po na kahit anong emergency [like] natural hazards, merong emergency preparedness.”
