Napaulat kamakailan na exempted na sa premium o pagbabayad ng contribution sa PhilHealth ang qualified Persons With Disability o PWDs.
Pero mahalagang paalala, hindi porke’t may hawak nang PWD identification o ID ay automatic ka nang exempted.
Bukod pa rito, may mga requirements ba para makapag-apply para sa PhilHealth exemption ang isang PWD?
Read: Unified PWD IDs to have QR codes, no expiration date
QUALIFIED PWDS
Ang naturang memorandum na nag-e-exempt sa PWDs pagdating sa PhilHealth contribution ay ang PhilHealth Circular No. 2026-0017 o ang Coverage of Persons with Disability in the National Health Insurance Program.
Alinsunod ito sa Republic Act No. 11228.
Sakop ng memorandum ang employed PWDs, self-employed, freelancers, professionals, OFWs, at iba pang PWD PhilHealth members, ayon sa Facebook ni Sherwin Michael Fajardo, digital content producer sa health and wellness.
Iniulat sa iba’t ibang media outlets na ang PhilHealth contribution ng qualified PWD ay iso-shoulder ng employer ng PWD at ng gobyerno.
Narito ang mga requirements para ma-qualify sa exemption.
- duly accomplished PhilHealth Membership Registration Form (PMRF);
- photocopy ng valid PWD ID;
- employer certification ng PWD
Ang PWD naman na wala pang 21 anyos, unmarried, o unemployed, o walang anak ay maaaring mairehistro bilang principal member kapag na-verify ang kanyang PWD status at naisumite ang iba pang requirements.
VERIFICATION
Isang importanteng detalye pagdating sa sirkular na ito ay ang verification ng disability status ng PWD. Mahalaga ito lalo pa’t naibalita kamakailan na umabot sa six million ang gumagamit ng pekeng PWD IDs.
Sa datos kasi Department of Health Philippine Registry of Persons with Disability (PRPWD), nasa 2.9 milyon lamang ang registered PWDs.
Ive-verify naman ang qualified PWDs sa pamamagitan ng PRPWD, o kaya ay sa bagong ipinatutupad na Unified Persons with Disabilities ID System o ang UPWDIS.
Layon ng UPWDIS na gawing centralized ang verification ng PWD IDs para masupil ang mga gumagamit ng pekeng PWD IDs.
Inanunsiyo rin ng National Council for Disability Affairs (NCDA) ang tungkol sa registration sa UPWDIS.
At kung ang PWD ay hindi pa registered sa PRPWD, dapat silang magtungo at mag-register sa PWD Affairs Office o PDAO ng kanilang Local Government Unit o LGU.
Kung apparent o nakikita ang disability, hindi na kailangan ng certificate.
Pero kung non-apparent o hindi kita agad ang disability, required ang disability certificate.
HOW TO IDENTIFY FAKE PWD IDS
Samantala, nagbigay naman ng mungkahi si Glenda Relova, NCDA executive director, kung paano matutukoy ang mga gumagamit ng pekeng ID.
Makilala rin daw ang mga salarin na nagpi-print ng pekeng PWD ID.
Ani Relova sa ulat ng ABS-CBN News, kailangang ipadala raw sa NCDA ang disability certificate at mabe-verify nila ito mula sa doktor na naglabas ng certificate.
Kasunod nito, makikita sa NCDA system kung sino ang nag-encode, nag-approve, at nag-print ng ID.
Ang tatlong tao raw na ito ay puwedeng habulin kung napatunayang nameke sila ng ID.
Sa ngayon ay nasa 190,000 na raw ang nakaregister sa UPWDIS at nasa 128,000 na ang naisyuhan ng UPWD ID.
Target daw na mabigyan ng ID ang natitirang 2.7 million ng UPWD ID dahil sa 2030 ay ipe-phase out na raw ang lumang PWD ID.
Other sources:
