PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

What 585, 750, and other number markings mean in gold jewelry

Here is a quick guide to finding out if your gold jewelry item is fake or real
by Mavell Macaranas-Dojillo
Published Dec 4, 2023
Gold Jewelry
Ang kadalasang makikita na naka-engrave sa gold jewelry items ay 999, 916/917, 750, at 585. Pero alam mo ba ang kahulugan ng mga ito? Read on to find out.
PHOTO/S: Segal Jewelry on Unsplash

Mag-ingat sa mga budol o yung nagbebenta ng mga pekeng gold.

Gold is not cheap—whether you buy it for own use or give it as gift.

So how to spot a fake gold?

Read: Bata, nakakita ng rare 2.95-carat diamond habang namamasyal sa parke

GOLD CODES AND MEANINGS

Isang marka na usually ay makikita sa lock ng mga alahas ang makapagsasabi sa karat ng gold.

Ang kadalasang makikita na naka-engrave ay 999, 916/917, 750, at 585, bilang mga simbolo kung ilang porsiyento ng purong ginto ang nilalaman ng alahas.

  • 999 – 24K
  • 916/917 – 21K
  • 750 – 18K
  • 585 – 14K

Ngunit mayroon ding iba na naglalagay na lamang mismo ng 24K, 21K, 18K, o 14K.

Ito rin ay palatandaan ng aktuwal na porsyento ng ginto sa alahas. Ang 750 o 18K, halimbawa ay nangangahulugan na 75% ng jewelry ay purong ginto, habang ang natitirang 25% ay binubuo ng iba pang metals.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibig sabihin nito, kahit ang mga tunay na gintong alahas ay hindi nagtataglay ng 100% na ginto dahil ito ay "malleable metal" kaya madali itong ma-scratch, ma-dent, o ma-deform.

Ang 24k gold ay malambot ito at madlaing ma-bend.

Samantala, ang 925 naman ay ginagamit sa mga silver charms na walang masyadong value at hindi naisasanla.

Read: Lumang maleta binili sa antique shop for PHP5K, designer item pala; PHP1M ang halaga

KNOW REAL GOLD

Bukod sa pagsusuri sa gold stamp o engraved code, mayroon pang ibang paraan upang malaman kung ang iyong nabili ay tunay o peke.

  • Real Gold is not magnetic. Upang masuri kung tunay ang iyong nabili ay maaari mong gamitin ang isang piraso ng magnet. Kapag ang iyong alahas ay nag-react o dumikit dito, peke ang iyong nabili dahil ang tunay na ginto ay hindi dumidikit sa magnet.
  • Real gold is dense and sinks in water. Kung ihuhulog mo sa isang baso ng tubig ang iyong gold na singsing at agad itong lumubog, senyales yun na tunay ang iyong singsing.
  • Real gold does not cause discoloration on skin. Dahil hindi nagkakaroon ang tunay na gold ng reaction sa skin oils, hindi ito mag-iiwan ng kulay itim o berdeng bakas sa bahagi ng balat na nadikitan nito. Bagkus, ang mga alahas na gawa sa copper o silver ang maaaring magdulot ng mga ganitong marka.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tandaan na ang tunay na gold ay hindi nagbabago ng kinang at kulay, dumaan man ang mahabang panahon.

Kaya it is worth investing in it.

One more advice from Drake Dustin Ibay ng Lvna jewelry brand: go for the gold and the stone.

"Some buy designer brands. But they're fashion jewelry, stainless steel. After a while, nawawalan ng value. I mean, if mommy ka, hindi mo siya maipapamana sa anak.

"If you pick a trendy design, nawawala sa uso.

"But with gold, it will never fade. Yung design niya, timeless iyan, hindi na-a-out of season.

"At kapag may diamond, basta ma-brilyo, that's a lifetime investment."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang kadalasang makikita na naka-engrave sa gold jewelry items ay 999, 916/917, 750, at 585. Pero alam mo ba ang kahulugan ng mga ito? Read on to find out.
PHOTO/S: Segal Jewelry on Unsplash
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results