Super Tekla, may sama ng loob kay Direk Adolf Alix?

by PEP Troika
Jun 14, 2019
PHOTO/S: Kiko En Lala trailer

JERRY OLEA: Mayo 1 dapat ang playdate ng pelikulang Sons of Nanay Sabel (Ai-Ai delas Alas & Ex Battalion) kasabay ang horror film na Maledicto (Tom Rodriguez & Jasmine Curtis-Smith).
Umurong sa May 8 playdate ang Sons of Nanay Sabel sa takot na ma-endgame agad-agad ng Avengers.
Hunyo 12 ang original playdate ng Because I Love You (David Licauco & Shaira Diaz), kasabay ang horror film na Clarita (Jodi Sta. Maria).
Umatras sa June 26 playdate ang Because I Love You, kung saan makakatapat nito ang Kontradiksyon (Jake Cuenca, Kris Bernal, Katrina Halili, Arnold Reyes, Ritz Azul, at Paolo Paraiso).
Ang media advisory ng ALV Films, “Due to an unforeseen production delay, the management and producers of ALV Films have unanimously agreed to reschedule the screening of Because I Love You to June 26, from its original target showing date of June 12.”
Mayo 22 sana ang playdate ng launching film ni Super Tekla na Kiko en Lala, kasabay ang The Last Interview: The Mayor Antonio Halili Story.
Anong petsa na?! Magre-reshoot ba ang Kiko en Lala na nagtatampok din kina Kim Domingo, Derrick Monasterio, Clint Bondad, at Ai-Ai delas Alas?
NOEL FERRER: Parang kay Tito Eddie Garcia lang ang kaso ng mga pelikulang ito—kailangan ng miraculous prayers. Nakikiisa tayo.
GORGY RULA: Hindi ko alam kung tapos na ba ang Kiko en Lala.
Ang latest ko kasing narinig, laging wala raw si Direk Adolf Alix kaya hindi naasikaso ang pelikula.
Naka-chat ko si Direk Adolf na nasa Bangkok pa ngayon, sinabi naman niyang tapos na ang movie.
Tanungin ko na lang daw ang taga-Backyard o GMA Pictures kung kailan ang magandang playdate ng pelikula.
Ang isa pang narinig ko, may sama raw ng loob si Super Tekla kay Direk Adolf dahil hindi siya kinukorek kung may mali sa ginagawa niya.
Willing daw si Super Tekla na ulit-ulitin kung kinakailangan.
Nilinaw rin namin ito kay direk Adolf, natawa na lang siya. Tingin niya, walang ganoong isyu dahil okay na okay raw sila ni Super Tekla.
Nakausap ko rin ang isang taong involved sa pelikulang ito, wala raw ganoong isyu.
Happy raw si Direk sa mga ginawa ni Super Tekla.
Kaya raw hindi natuloy ang original playdate dahil hindi umabot sa deadline ang editing.
Naayos na raw ito ngayon, at meron silang plano sa pelikula. Hindi lang nila masabi sa ngayon kung ano ito.
Pero masaya raw silang lahat sa kinalabasan ng pelikula at nakakatawa raw talaga si Super Tekla at iba pang kasama rito sa Kiko en Lala.
Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Kiko En Lala trailer
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results