Julie Anne San Jose, ayaw munang ma-in love

by PEP Troika
Jun 17, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

GORGY RULA: Ayaw raw munang ma-in love muli ni Julie Anne San Jose.

May mga nagpaparamdam daw. May nagyayang makipag-date o mag dinner.

Pero tumatanggi raw siya dahil ayaw niyang umasa pa ang lalaking balak manligaw.

Wala raw talaga silang aasahan sa kanya.

Kaya kahit dating, deadma raw muna siya sa ngayon.

“I just want to focus on myself, and I’m happy as a single woman.

“I just don’t want to give them false hopes, of course para hindi na umasa.

“I just enjoy being alone,” pahayag ng Kapuso Pop Sweetheart nang tinanong kung bakit gusto muna niyang magpaka-single.

Bukod sa mga pinaghahandaan niyang concert, pinagkakaabalahan daw niya ang magsulat at gumawa ng kanta.

“I like writing more, I have been writing a lot of stuff lately.

“Not necessarily songs. Journals, poetry. Recently, I just finished a song.

“Actually, I’m working on another song. It’s gonna be a collaboration, I can’t tell pa,” kuwento niya nang nakatsikahan namin nitong Hunyo 17, Lunes, sa mediacon ng concert nila ni Christian Bautista na The Sweetheart and The Balladeer: Fun Night Only na gaganapin sa The Atrium ng Limketkai Center sa Cagayan de Oro sa July 6.

Continue reading below ↓

Sinundan namin ng tanong kung yung mga nagawa niyang kanta ay hugot ba sa mga pinagdaanan niya sa kanyang love life?

Sagot ni Julie Anne, “Yung mga sinusulat ko naman na songs, it doesn’t matter kung may pinagdaanan ako o wala.

"Pero mas masarap kasi sa feeling kapag pinagdaanan mo.

“For me, it works kung pinagdaanan mo na talaga, e.”

Dito pala sa The Sweetheart and The Balladeer ay makakasama pa rin nina Julie Anne at Christian sina Donita Nose at Super Tekla.

Special guest nila rito si Kyline Alcantara.

NOEL FERRER: Sabi nga ni Nanay Lolit Solis, hindi niya mawari kung bakit parang may kulang palagi kay Julie Ann San Jose.

Talented ito at may personalidad naman, pero naunahan ni Rita Daniela na makahanap ng hit na project.

Good luck pa rin kay Julie Ann, kasi, ingat ka... nandiyan lang at nakaamba ang pagsikat ng nagpapakilala na sa aking si Kyline Alcantara na grabe ang hype, ha!?

Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Si Kyline ang pumalit kay Josh Adornado bilang special guest sa The Sweetheart and The Balladeer: Fun Night Only.

Hindi po sinusundan ni Kyline ang mga yapak ni Julie Anne.

Meron nang launching movie si Kyline, ang Black Lipstick, kung saan leading men niya sina Migo Adecer at Manolo Pedrosa.

Noong Pebrero 10 pa dapat ang concert na ito nina Julie Anne at Christian, di ba?

Sana matuloy na ito at huwag ma-postpone uli.

Teka, nasaan na nga pala si Josh Adornado?

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results