Jane de Leon: dinedeadma noon, Darna na ngayon

by PEP Troika
Jul 17, 2019
PHOTO/S: ABS-CBN News

NOEL FERRER: Si Jane de Leon na ang bagong Darna!

Sino siya? Siya yung nasa Halik at La Luna Sangre ng ABS-CBN!

Ngayong nailabas na officially kung sino siya, masasabi kong nagsimula na siyang mag-training para sa role!

Anong say ninyo, mga Ka-Troika?

JERRY OLEA: Ang 20-anyos na si Jane de Leon ay exclusive talent ng Star Magic.

Gumanap si Jane bilang Maggie Bartolome, sister ng karakter ni Jericho Rosales sa teleseryeng Halik (2018-2019).

Isa rin siya sa moonchasers ng fantaseryeng La Luna Sangre (2017). Hintayin natin ang pagsigaw niya ng... DARNA!!!

GORGY RULA: Matagal na nating nabalitaang may napili nang Darna, pero hindi pa puwedeng ilabas, di ba, Sir Noel?

Puspusan na ang pagkuha nila ng ibang karakter na gaganap. Nag-i-invite na sila ng mga artistang posibleng gaganap.

Nagpapa-schedule na sila ng character reading, dahil gustong matiyak ni Direk Jerrold Tarog na babagay sa mapipiling artista ang role na gagampanan.

Continue reading below ↓

Totoo bang wala silang karakter na Valentina sa trilogy na ito?

NOEL FERRER: Matatandaan sa Mega Ball, dumalo itong si Jane de Leon at hindi pa siya masyadong pinapansin noon dahil wala pang announcement na siya na ang bagong Darna.

Tumaas ang kilay ng ibang nasa ballroom nang mag-picture-an sina Mr. M at Miss Mariole kasama si Jane sa naturang pagtitipon.

Si Mr. M o Johnny Manahan ang chairman emeritus ng Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN, habang si Mariole Alberto ang kasalukuyang namumuno nito.

Ang sabi ng mga tao noon, “May something sa babaeng ito para magpa-picture with the Bosses!”

Ayan na nga... siya na si Narda/Darna!

Sana, mai-pin down na rin kung sinu-sino ang ibang characters sa Darna trilogy na matagal nang nabinbin!

Read Next
Read More Stories About
Jane De Leon, Darna
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: ABS-CBN News
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results