Julia Barretto, umalma sa alegasyong pinagmukha niyang kawawa si Joshua Garcia

IMAGE @imatrader3 Instagram
Julia Barretto, may buwelta sa mga nagsasabing pinagmukha niyang kawawa si Joshua Garcia sa after-party ng ASAP.

JERRY OLEA: May meet-and-greet with Kapamilya celebrities ang platinum ticket holders sa BMW Lounge ng SAP Center bago ang mismong ASAP Natin ‘To Bay Area concert party nitong Agosto 3, Sabado, sa San Jose, California, USA.

Pinagkaguluhan doon nang husto sina Joshua Garcia at Julia Barretto. Kapansin-pansin na hindi sila magkahawak-kamay.

Sa palabas, sweet-sweet-an sina Joshua at Julia sa pagdu-duet. Nag-holding hands sila.

Sa after-party, doon pa rin sa BMW Lounge, mag-isa si Joshua.

Kuwento sa akin ng Hollywood correspondent na si Bradford Adkins via Messenger, “I had a chat with Joshua. Hurting ang bagets pero hindi nagsasalita tungkol sa isyu nila nina Julia at Gerald.

“Panay ang smile niya. Naawa ako sa kanya.”

Nag-tweet si Roxy Liquigan (head ng ABS-CBN Star Music) ng pictures at text.

Ani Roxy, napansin ni Daniel Padilla si Joshua na mag-isa sa mesa habang kumakain. Lumipat ng mesa sina Daniel at Kathryn Bernardo. Tinabihan nila si Joshua...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Na-bash si Julia. May mga nagmamalasakit kay Julia.

Minabuti ni Julia na mag-tweet bilang paliwanag: “I did not leave Joshua alone. He opted & requested to be left alone. He asked to eat & mingle alone.

“Why are all these fingers being pointed at me YET AGAIN?

"Bakit nanaman siya kawawa sa naging choice and decision niya, and bakit kasalanan ko pa to? Wala kumakawawa sa kanya.

“Masyado nageenjoy tao gawin kawawa si Joshua sa lahat ng bagay, kahit wala na connection sa kahit na ano. May magawa lang na story.

“Trust me, the guy is ok. He enjoyed himself last night.

“Wala sila lahat alam. Wait lang kayo.”

GORGY RULA: Isa lang ang masasabi ko. Merese!

NOEL FERRER: Joshua and Bea Alonzo are both enjoying their alone-time, it seems.

Let’s leave them at that! This is all character-building and self-love!

JERRY OLEA: Hiningan ko ng reaksiyon ang showbiz veteran na si Manay Lolit through text kaugnay sa JoshLia brouhaha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naawa ba siya kay Joshua? Or Team Gerald Anderson siya?

“Naku, sa usapin ng love, walang kawawa,” reply ni Manay Lolit.

“Lahat kayo, nag-enjoy.

"Now, kung may nasaktan, iyon ang risk ng relasyon. Kung sino ang piliin, wala kang magagawa.

“Bakit merong kawawa? Siguro, choice niya at pinakaayaw ko sa lahat, iyong basta na lang tanggap na kawawa siya.

“Dami, 'lagi mong motto, ‘It’s your loss, not mine,’ ‘noh?!”

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close