Mother Lily, gustong buhayin ang Avenida; pagpanaw ni Gina Lopez, ipinagluluksa ng showbiz

by PEP Troika
Aug 19, 2019
Mother Lily Monteverde and Gina Lopez, two of the most influential women in showbiz.
PHOTO/S: Mark Atienza / Facebook

GORGY RULA: May celebrity premiere ang pelikulang Mina-Anud ngayong Agosto 19, Lunes, 5 P.M., sa Cinema 2 ng Greenhills Theater.

Kasabay na rin ito ng pagdiriwang ng kaarawan ni Mother Lily Monteverde, na 80 years old ngayong araw.

Pagkatapos ng screening ay itutuloy ang pagdiriwang sa 38 Valencia Events Place sa Quezon City na inaasahang dadaluhan ng mga taga-showbiz at pulitika na nagmamahal kay Mother Lily.

Tuloy pa rin sa showbiz si Mother Lily at active na active pa rin ang kanyang Regal Multimedia na inaasikaso na ng kanyang anak na si Roselle Monteverde.

Pero ang isa pa sanang gustong matupad ni Mother ay ang pag-aayos ng Avenida o Rizal Avenue sa Maynila kung saan may malaking bahagi ng lupa roon na pag-aari nila ni Father Remy.

“From Florentino Torres and yung anu yun… besides Avenue Theater,” sabi ni Mother Lily nang tinanong ko kung saan sa Avenida ang pag-aari nila.

Continue reading below ↓

May mga sinehan kasi siya roon—yung Janet at Lord Theater—na gusto sana niyang ibalik at ayusin ang lugar na puwedeng lagyan ng coffee shop, restaurant, at kung ano pa.

Kaya nakipag-usap na ito sa ilang arkitekto kung ano ang magandang plano sa Avenida.

Sana magkaroon siya ng chance na makipag-usap kay Mayor Isko Moreno dahil gusto niyang makipagtulungan na ayusin at pagandahin ang Avenida.

“I have to talk to my husband. I think this will be our new beginning again,” pakli ni Mother Lily nang sandaling nakatsikahan namin sa screening ng Mina-Anud sa Cinemalaya noong Agosto 10, Sabado, sa Cultural Center of the Philippines.

Sa Agosto 21, Miyerkules, na ang showing ng Mina-Anud na binigyan ng Grade B ng Cinema Evaluation Board.

Bida rito sina Dennis Trillo, Jerald Napoles, at Matteo Guidicelli.

JERRY OLEA: Ngayong Monday night din ang premiere ng pelikulang Just A Stranger sa SM Megamall.

Inaasahan nating masaya ito, at dadagsain ng fans ng mga bida na sina Anne Curtis at Marco Gumabao.

Continue reading below ↓

Kasabay ng mga pagdiriwang na ito, ipinagluluksa ng showbiz ang pagpanaw ng environmentalist na si Gina Lopez (Disyembre 27, 1953-Agosto 19, 2019).

Nag-host si Gina ng TV program na G Diaries tuwing Linggo sa Kapamilya Network.

NOEL FERRER: Pagdiriwang ng pagkabuhay o pagyao—sa puntong ito—pareho sina Mother Lily Monteverde at Gina Lopez na sa gitna ng kinaharap nilang sakit ay nag-iiwan ng magagandang legacy at alaala para sa ating lahat.

We continue to celebrate their lives and contributions sa ating lipunan, and we honor them by keeping their legacy sa kani-kanyang sektor sa mabuti at masiglang kalagayan lagi.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mother Lily Monteverde and Gina Lopez, two of the most influential women in showbiz.
PHOTO/S: Mark Atienza / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results