Alden Richards, ikinuwento na dalawang beses pinanood ni Maine Mendoza ang HLG

by PEP Troika
Sep 3, 2019
Alden Richards on AlDub fans: "Doon po ako natutuwa kung gaano ka-mature at mag-take ang mga supporters namin sa ginagawa namin. Although, meron ding hindi payag… yung against sa paggawa namin ng proyekto namin na magkahiwalay."
PHOTO/S: Noel Orsal

GORGY RULA

Magsasampung taon na si Alden Richards sa GMA-7.

Pagkatapos niyang mag-renew ng kontrata nitong Setyembre 3, Martes, ipinakita na sa media ang trailer ng bagong drama series niyang The Gift na magsisimula sa September 16.

Interesting ang kuwento na puwede mo talagang abangan.

Bukod sa The Gift, may commitment din si Alden na gagawing pelikula sa GMA Pictures,.

Meron din siyang gagawin para sa GMA Pinoy TV, isang collaboration project sa isang network sa ibang bansa. Pero hindi pa nila maibigay ang buong detalye.

Ang sigurado si Alden ay ang gagawin niyang malaking concert next year.

Nilinaw ko rin sa kanya kung sa Eat Bulaga! pa rin ba siya, at napa-oo naman ang tinaguriang Asia's Multimedia Star.

Pero mukhang wala pang plano para sa kanila ni Maine Mendoza.

Ang mahalaga ay magkasama pa rin sila at nandiyan pa rin ang suporta ng AlDub fans.

“Doon po ako natutuwa kung gaano ka-mature at mag-take ang mga supporters namin sa ginagawa namin.

Continue reading below ↓

“Although, meron ding hindi payag… yung against sa paggawa namin ng proyekto namin na magkahiwalay.

“Naniwala naman po sila na kailangang gawin yun ng magka-love team na magkaroon po ng growth, at yun po ang nangyayari sa aming dalawa,” pakli Alden.

Okay na okay raw sila ni Maine, at natutuwa siya sa suporta nito sa Hello, Love, Goodbye.

“Sobra po siyang natuwa noong pinanood niya ang pelikula.

“Nai-share niya po sa akin iyan noong nag-Eat Bulaga! at noong pumunta siya sa storycon ng movie po nila ni Bossing [Vic Sotto] for MMFF.

“Tinanong niya ako paano magtrabaho, paano si Direk Cathy [Garcia Molina]. Sabi ko, 'Ganito siya.'

“Sobrang na-appreciate po ni Maine yung pelikula at nakakatuwa na, with all honesty, na sinabi niya sa akin yun, and dalawang beses niya po pinanood,” kuwento ni Alden sa mediacon niya kaninang tanghali sa GMA Network Center.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Hindi man active ngayon ang AlDub sa paggawa ng pelikula, mananatili silang significant and relevant.

Naghihintay lang ito ng magandang reunion project kung sakali. Let them explore and later, mas masarap at mas meaningful ang pagbabalik-tambalan ng AlDub. Syanga pala, ang big announcement ng ABS-CBN Star Cinema sa Victory Party ng Hello, Love, Goodbye nitong Setyembre 3, Martes nang gabi ay hindi ang part 2 muna kundi ang pagiging HIGHEST GROSSING FILIPINO FILM na nito OF ALL TIME. Nilampasan na nito ang worldwide gross ng The Hows Of Us.

JERRY OLEA

Hindi na-link sina Alden Richards at Kathryn Bernardo sa promo ng Hello, Love, Goodbye.

Alam ng mga tao na si Daniel Padilla ang nasa puso ni Kathryn.

Nagsanib-puwersa ang fans ng AlDub at KathNiel para sa KathDen movie... and the rest is history.

Si Maine Mendoza, may ginagawang movie with Carlo Aquino.

Malabong ma-link sila sa isa’t isa.

Continue reading below ↓

May Arjo Atayde si Maine. May Trina Candaza si Carlo.

Sana, bonggang-bongga rin ang kahinatnan ng movie nila sa takilya.

Sa shooting ng pelikulang Kid Alpha One nitong Setyembre 3, Martes ng hapon, sa EPIC PARC ng Tanay, Rizal, inurirat ko sina Joross Gamboa at Jeffrey Tam kung bakit hindi sila kasama sa Kapuso teleseryeng The Gift ni Alden.

Napangiti si Joross, “Ay! Eto... hindi, hindi! Sa The Gift, dapat ano, makakasama rin kami roon.

"Pero meron lang yatang pinag-usapan na...”

Sumingit si Jeffrey, “May nakahintay kasing project sa amin sa ABS-CBN. Siyempre, ayaw naman naming i-bypass.”

“Oo, oo!” pagtangu-tango ni Joross.

“Pero tingnan natin. Kasi, open naman kami sa lahat.

"Dahil kami ay nagtatrabaho lang naman at open kami sa lahat.”

Kumusta na iyong girl na imina-match ni Joross kay Alden?

Irereto sana niya si Sandara Park, di ba?

“Oo nga, e! Nag-Korea, hindi man lang nating napag-meet!” pilyong pagngiti ni Joross.

Continue reading below ↓

“Kumbaga, si Alden naman ay busy pa ngayon sa work niya. Kumbaga, kung sinong mapusuan niya...”

“Happy kami!” sabay na bulalas nina Jeffrey at Joross.

Pagpapatuloy ni Joross, “Kahit sino! Pero so far, wala pa naman, e! Wala pa.”

Sigurado silang wala pang napupusuan si Alden?

“Wala pa sa aming pagkakaalam!” sabi ni Jeffrey.

Napakunot-noo si Joross at ang himutok, “Kami ang gusto ninyong magsalita, 'tapos kami ang maba-bash! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alden Richards on AlDub fans: "Doon po ako natutuwa kung gaano ka-mature at mag-take ang mga supporters namin sa ginagawa namin. Although, meron ding hindi payag… yung against sa paggawa namin ng proyekto namin na magkahiwalay."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results