Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, walang chaperone sa biyahe nila sa Iceland?

by PEP Troika
Sep 27, 2019
Namataan ang real-life couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa NAIA kahapon, bandang 5 P.M., September 26. Lumipad ang Kapamilya stars sa Iceland para sa two-week vacation.
PHOTO/S: Twitter

JERRY OLEA

Namataan sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla nitong Setyembre 26, Huwebes, bandang 5 P.M. sa NAIA.

Lumipad ang magkasintahan pa-Iceland para magbakasyon doon ng dalawang linggo.

“May mga kaibigan ang KathNiel na kakatagpuin sa Iceland, at magtu-tour sa kanila,” kuwento ng source ng PEP Troika.

Sa thanksgiving party ni Kathryn nitong Setyembre 22, Linggo, sa Tivoli Royale Country Club, pinaaabangan niya ang surprises na ihahatid nila ni DJ (palayaw ni Daniel) para sa fans next month.

Nagtagubilin pa si Kathryn, “This year, andami-daming bagay na nangyayari na magaganda. Grabe!

"So, maniwala tayo sa karma—good karma.

“So, tayong lahat, kung anong meron tayo, pangalagaan natin.

"I-appreciate natin kung anong meron na wala tayong inaapakang ibang tao.

“Unless na lang, sobra kayong inapakan, sabihin ninyo sa akin. And then, with my consent, let’s go.

"Hindi! Joke lang!

“Maging mabuti lang tayo parati, kasi lahat din bumabalik, e.

“Kung yung iba, may mga sinasabi, may mga gulo, palaging piliin natin, tayo iyong maging better person. And hayaan niyo na.

Continue reading below ↓

“Magulo iyong social media. Hindi lahat, kailangang pansinin. Hindi lahat, kailangang bigyan ng oras.

“Importante parati, alam ninyo iyong totoo.”

NOEL FERRER

They so deserve this vacation. They have accomplished a lot at kailangan nilang mag-unwind.

So, meron o wala silang chaperone? So paano, magkasama kaya sila o magkahiwalay ng kuwarto, Tito Gorgy?

Kapareho ba sila ng isa pang couple na na-meet nila sa airport na love din natin na sina Maja Salvador at Rambo Nuñez, na kulang na lang ay kasal?

Sagutin mo, Tito Gorgs!

GORGY RULA

Hindi na rin naman isyu pa iyan kung magkasama sila sa isang kuwarto.

“Kailangan pa bang i-memorize iyan?”

Matagal na raw talaga nilang naplano iyan, at thankful sila na, finally, pinayagan sila ng ABS-CBN at ng kanilang magulang.

Ang ganda-ganda ng kanilang career, pati ang love life. Kaya mas mabuting sa trabaho na muna sila mag-focus.

Kaya lang, tinatanong na si Kathryn ng fans kung bakit hindi na ituloy sa kasalan ang magandang relasyon nila ni Daniel?

Continue reading below ↓

Sabi raw ni Kathryn, bahay muna bago planuhin ang kasal.

Gusto nilang naka-settle na lahat bago sila umakyat sa next level.

Pero sa mga nakaraang interviews ni Kathryn, gusto raw niyang pagtuntong ng edad 26 ay pag-iisipan na niya ang magpakasal.

Twenty-three years old na si Kathryn. Ibig sabihin ba, three years from now, may mababalitaan na tayo?

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Namataan ang real-life couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa NAIA kahapon, bandang 5 P.M., September 26. Lumipad ang Kapamilya stars sa Iceland para sa two-week vacation.
PHOTO/S: Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results