Zoren Legaspi, hindi pa rin makapaniwala sa pagkamatay ng amang si Lito Legaspi

by PEP Troika
Oct 17, 2019
Zoren Legaspi on father Lito Legaspi's passing: "Nandoon pa lang kami sa stage ng... nangyari ba talaga? Nangangapa pa rin kami, e. Minsan sa bahay, naisip ko, ‘Nasaan ba si Erpat? Talaga bang nawala na?’ Parang ganun."
PHOTO/S: Noel Orsal / Facebook

GORGY RULA

Sinamahan ni Zoren Legaspi ang misis niyang si Carmina Villarroel na dumalo sa announcement ng Magic 8 ng 45th Metro Manila Film Festival nitong Oktubre 16, Miyerkules, sa Club Filipino, Greenhills, San Juan City.

Si Carmina ang bida sa pelikulang Sunod, na nag-iisang horror movie sa MMFF 2019.

Saglit naming nakapanayam si Zoren.

Inamin niyang hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsi-sink in sa kanilang pamilya ang pagpanaw ng kanyang amang si Lito Legaspi.

Pimanaw ang beteranong aktor noong September 8, 2019.

“Biglaan kasi yung nangyari sa amin. But in a way, it’s better that way kasi, parang… sa sobrang biglaan, parang hindi ka naka-react nang maayos.

“Until now, nagtataka pa rin kami. Kumbaga, 'Nangyari na ba?'”

Pinabulaanan niya ang unang napabalitang cardiac arrest ang ikinamatay ng kanyang ama.

“Nagkaroon lang siya ng internal allergy, e.

“Walang atake. Very healthy ang lifestyle ni Erpat, e.

Continue reading below ↓

“Ano lang talaga… meron lang siyang tinake na sleeping pills, 'tapos nag-react na yung katawan, yun na,” pakli ni Zoren.

Hanggang ngayon ay hindi pa niya masabi kung in grief pa rin ang pamilya o nasa stage na sila ng pagmu-move on.

“Parang naka-move on pa rin, in a way. Pero at the same time, hindi pa rin kami naka-move on.

"Kasi, parang hindi yata nangyari because it was so abrupt, yung mga pangyayari.

“I can’t say na natanggap, kasi parang hindi pa kami makapaniwala, e.

“Parang hindi pa rin kami makapaniwala na, 'Nangyari ba talaga?'

“So, nandoon pa lang kami sa stage ng... nangyari ba talaga? Nangangapa pa rin kami, e.

“Minsan sa bahay, naisip ko, ‘Nasaan ba si Erpat? Talaga bang nawala na?’ Parang ganun.

“Parang hindi namin mahanap yung… we know he’s gone, pero parang… sa sobrang bilis, parang, ‘Ha?’” dagdag ni Zoren.

Continue reading below ↓

Hindi alam ni Zoren kung paano niya maha-handle ang pangungulila sa ama pagdating ng Pasko.

“Definitely, doon na papasok... doon namin siguro mare-realize na talagang wala na.

“Pero kasi yung phone number niya, nandito pa rin, hindi ko na-erase.

"Yung mga old pictures niya, nandito pa rin," malungkot na pahayag ni Zoren.

NOEL FERRER

Iba. Saka pa lang magsi-sink in iyan kapag OK na lahat.

Iba talagang mawalan ng mahal sa buhay.

Buti na lang, may mga blessing na dumarating sa pamilya nina Zoren at Carmina.

Excited akong mapanood ang pelikulang Sundo.

JERRY OLEA

Noong 1990s na nag-uumpisa pa lang sa showbiz ang magkapatid na balikbayang sina Zoren at Kier Legaspi, ginabayan sila ng kanilang ama.

Tinawagan pa ako noon ni Tito Lito sa opisina kaugnay sa intrigang naiulat ko, at nang magpaliwanag ako sa kanya ay tinanggap niya iyon, at magiliw na siya sa akin sa mga sumunod naming pagkikita.

Continue reading below ↓

Ramdam ko ang pighati ni Zoren sa pagkawala ng ama, at naibuhos niya ang saloobin sa Facebook.

Mapaghihilom ng panahon ang dalamhating dinaramdam niya.

Matatanggap ni Zoren sa takdang panahon ang katotohanan sa kanyang pangungulila.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Zoren Legaspi on father Lito Legaspi's passing: "Nandoon pa lang kami sa stage ng... nangyari ba talaga? Nangangapa pa rin kami, e. Minsan sa bahay, naisip ko, ‘Nasaan ba si Erpat? Talaga bang nawala na?’ Parang ganun."
PHOTO/S: Noel Orsal / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results