Sakristan star Clifford Pusing, single at triathlete sa tunay na buhay

by PEP Troika
Jun 2, 2020
Clifford Pusing (left) on his acting debut via Darryl Yap's Sakristan: "Paglabas ng Sakristan, parang andami na pong biglang nakakilala sa akin. Parang panaginip po."
PHOTO/S: Facebook

JERRY OLEA

Halu-halo ang reaksyon ng 16-anyos na si Clifford Pusing sa mainit na pagtanggap ng fans sa Pinoy Boys Love Series na Sakristan, na isinulat at idinirek ni Darryl Yap of #Jowable fame.

Si Clifford ay gumanap bilang Zach, isang campus triathlete na nahuli ng cheating sa klase kaya napilitang mag-community service bilang sakristan.

Nahulog ang loob niya kay Christian, isang tapat na acolyte na naatasang mag-train kay Zach.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP Troika si Clifford via Facebook messenger nitong Hunyo 2, Martes.

Big break daw para kay Clifford ang Sakristan.

"Siyempre, masaya po ako. Kasi, matagal ko na rin po talagang gusto ito,” lahad ni Clifford via Facebook messenger.

"Twelve years old po ako noong unang TV commercial ko po sa isang chocolate energy drink.

"Then, may stage play rin po at minsan, pa-extra-extra sa mga pelikula."

Nag-extra raw si Clifford sa dalawang ipalalabas pa lang na mga pelikula ni Darryl Yap—ang Tililing at Ang Babaeng Walang Pakiramdam.

Continue reading below ↓

Excited si Clifford dahil napukaw ng pansin ng netizens ang pinagbibidahan niyang Pinoy BL.

"Hindi ko po inasahan na magiging ganito po ako ngayon matapos akong kunin ni Direk Darryl sa Sakristan.

"Paglabas ng Sakristan, parang andami na pong biglang nakakilala sa akin. Parang panaginip po.

"May time din po na kinakabahan ako. Kasi, baka hindi po magustuhan ng mga tao ang pag-acting ko. “

"Kasi po, first time ko po na umarte sa ganitong klase ng role."

Halu-halo rin ang reaksyon ng mga kapamilya at kaibigan ni Clifford sa Olongapo City, Zambales nang mapanood ang Sakristan.

"Masaya, na-shock, pero natuwa po ang mga cousin ko. Sobrang proud si Papa.

"Salamat po sa fans and friends. Sobrang supportive po nila," saad ni Clifford.

Magaling lumangoy si Clifford. Naging libangan niya ang paglangoy mula noong nine years old siya.

Triathlete siya sa Columban College sa ‘Gapo.

Nagdalawang-isip ba siya tanggapin ang BL project na Sakristan considering na minor siya at triathlon athlete?

Continue reading below ↓

"Hindi po. Kasi, gusto ko rin po ito," sabi ng binatilyong aktor.

CLIFFORD'S SUPPORTIVE DAD

Pumayag daw ang ama ni Clifford sa susuungin niyang karera.

"Siyempre po, ang papa ko pa rin po ang masusunod kung papayag po siya.

"Ang mga coach ko naman po, e, very supportive din po sila."

Una nang sinabi ng direktor ng Sakristan na si Darryl na nakatutok lagi sa shooting ni Clifford ang ama nitong si Michael Pusing. Nagsilbi itong driver ng production.

Kinumpirma naman ni Clifford ang pagsubaybay sa kanya ng ama.

"Noong nabasa po ni Papa ang buong story ng Sakristan, e, pumayag po siya.

"Kasi, wala naman po kasi siyang nakitang hindi maganda at talagang sinuportahan po niya ako.

"Parehas ng pagsuporta po niya sa akin sa sports ko."

BROKEN FAMILY

Nabanggit ni Clifford ang kanyang ama at mga pinsan.

Meron pa ba siyang ina? Meron ba siyang mga kapatid?

Sagot ni Clifford, "May nanay po ako, kaso may family na pong iba.

Continue reading below ↓

"Two years old pa lang po ako nang nag-separate po ang papa at mama ko.

"Si Papa na po ang nag-alaga sa akin hanggang ngayon po."

Only child lang daw si Clifford, pero may lima siyang maternal siblings.

"May mga kapatid po ako sa ina, half-brothers and half-sisters.

"Bale lima po kaming magkakapatid, 3 lalake at 2 babae po.

"Pero isa lang po ako na anak ni Papa."

Ano ang pinakamalungkot na experience niya sa buhay?

"Iyon pong araw ng birthday ko, e, nakalimutan po akong batiin agad ni Mama.

"In-expect ko po kasi na siya ang unang-una na babati sa akin, kaso, ayun po... siya pa po pala ang kahuli-hulihan na babati sa akin.

"Sobrang nalungkot po talaga ako nun."

HOT STORIES

GORGY RULA

Dahil 16 years old pa lang si Clifford, at 20 years old naman ang ka-partner nito sa Sakristan na si Henry Villanueva, ikinuha ang mga ito ng permit para makapag-shoot habang may GCQ (General Community Quarantine).

Continue reading below ↓

Tuluy-tuloy ang shooting nila sa Olongapo City, kung saan ipinatupad ang GCQ umpisa noong Mayo 16.

Curious ako kung nasusunod nila ang ipinapatupad na guidelines at protocols.

Noong Sabado ng gabi, Mayo 30, naglabas ng mensahe si Direk Darryl sa Facebook isang oras bago nag-premiere sa YouTube ang Sakristan.

"Maliit lang po ang aming produksyon, pero mayaman kami sa tapang at pag-asa.

"Ang #SAKRISTAN ay alay namin hindi lamang partikular na kasarian kundi sa bawat isang may kakayahang tumanggap at magmahal..."

May mas mapangahas pa kaya silang gagawin sa mga susunod na episode ng Sakristan?

NOEL FERRER

With consent ng mismong talent at ama nito ang istorya ng Sakristan.

Pero tama si Tito Gorgy—kailangan ng DOLE permit dahil minor pa si Clifford.

Iba na talaga ang mga kabataan ngayon... ibang-iba noong kapanahunan natin! Hehehe!

JERRY OLEA

Aminado si Clifford na wala siya masyadong background sa acting.

"More on sports training po ang ginagawa ko every day," aniya.

Continue reading below ↓

Pero naimbitihan daw siyang sumailalim sa acting workshop ng talent manager-comedian na si Ogie Diaz.

"Last year lang po ako nakapag-acting workshop, noong in-invite po ako ni Mama Ogs.

"Sayang nga lang po, hindi po ako nakapagtuluy-tuloy ng workshop. Kasi po, malayo po."

Pursigido ba siyang mag-artista?

Sagot ni Clifford, "Opo. Plano ko pong ituluy-tuloy ito kung mabibigyan po uli ako ng role.

"Kahit extra lang po, e, OK lang po sa akin."

Nasabi rin ng Sakristan actor na wala siyang girlfriend sa ngayon.

"Sa ngayon po, wala na po akong GF," aniya.

Prayoridad daw niya ang pag-aaral at pati na ang kanyang training bilang triathlete.

Sa local young actresses, sino ang crush niya?

Pag-amin ni Clifford, "Sina Ivana Alawi, Liza Soberano, at Belle Mariano po."

Tinukoy niya si Belle, na nakapareha ng dating child star na si Zaijan Jaranilla sa isang episode ng Maaalaala Mo Kaya.

E, ang idolo niyang aktor?

Continue reading below ↓

"Si Coco Martin po at ang mga bida sa The Fast and the Furious," sabi ni Clifford, na 5’11” ang taas at 10 ang sukat ng sapatos.

RECOMMENDED ARTICLES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Clifford Pusing (left) on his acting debut via Darryl Yap's Sakristan: "Paglabas ng Sakristan, parang andami na pong biglang nakakilala sa akin. Parang panaginip po."
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results