Ang Probinsyano, sa Jeepney TV muna ipalalabas?; GMA-7, tuloy ang selebrasyon ng 70th anniversary

by PEP Troika
Jun 2, 2020
Simula sa Hunyo 15 ay balik-taping na ang primetime series ni Coco Martin (kaliwa) na FPJ's Ang Probinsyano. Samantala, tuluy-tuloy ang selebrasyon ng 70th anniversary ng GMA Network (kanan).
PHOTO/S: Instagram / Twitter

JERRY OLEA

GCQ (General Community Quarantine) na sa NCR at mga kalapit-lalawigan.

Nasasampulan na tayo ng pamumuhay na New Normal.

Sa Hunyo 5, Biyernes, first monthsary ng pag-sign off ng Kapamilya Network.

Hunyo 7, Linggo, 8:00 P.M., tampok si Regine Velasquez sa free online concert na Joy From Home.

Ang streaming nito ay sa Facebook page ng Jollibee Philippines, at YouTube channel ng Jollibee Studios.

Continue reading below ↓

Ang malilikom na pondo rito ay ilalaan sa Jollibee Group Food Aid.

Sa Hunyo 8, Lunes, first anniversary ng aksidente ni Eddie Garcia sa set ng Kapuso teleseryeng Rosang Agimat.

Sa Hunyo 20 ang babang luksa sa pagpanaw ni Manoy.

Hunyo 12, Biyernes, ipagdiriwang natin ang ika-122 Araw ng Kalayaan.

Hunyo 15, Lunes, balik-taping na ang teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Continue reading below ↓

At this writing ay hindi pa batid ng source ng PEP Troika kung saan ang kanilang location.

Streaming sa Netflix ang Season 1 (50 episodes) ng FPJ’s Ang Probinsyano, na ang international title ay Brothers.

Mag-i-streaming din ba sa Netflix ang mga kasunod nitong seasons, maging ang mga bagong episode na kukunan pa lang?

GORGY RULA

Mukhang kasado na itong buong team ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Ang dinig ko, well-coordinated ang kanilang accommodation, pati ang shuttle service na maghahatid at magsusundo sa kanila sa set.

Kung hindi ako nagkamali, malapit lang sa Quezon City ang location, pero kontrolado at limitado ang mga taong kasali sa produksyon.

Nabawasan daw ang mga staff dahil naka-lock in na ang mga artista at iba pang taong involved.

Totoo kayang sa Jeepney TV muna mapapanood ang FPJ’s Ang Probinsyano at ang iba pang mga programa ng ABS-CBN?

O hihintayin na lang ang muling pagbubukas ng network?

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Tuluy-tuloy ang pagdiriwang ng GMA Network ng ika-70 anibersaryo — Buong Puso Para sa Pilipino.

Marso 1, 1950 nag-umpisa ang radio station nito.

Tweet ni Kapuso PR Girl nitong Hunyo 2, Martes, ratsada sa ratings ang flagship newscast nitong 24 Oras, hindi lang sa TV kundi pati online, partikular sa Facebook at YouTube.

Continue reading below ↓

Hindi mapasusubalian na ang GMA ang pinakamalaking broadcast network ng bansa ngayon.

Meron itong 50 stations na umaabot sa 80M televiewers ng bansa.

NOEL FERRER

I still maintain na sa panahon ng pandemya, lalo na ngayong na-shutdown ang free TV ng ABS-CBN, sana’y mas may sensitivity ang mga tao at hindi ratings ang ibinabandera, kundi ang solidarity natin sa pagpapalaganap ng malayang pamahayag.

Nabalitaan ko ang pagbabalik taping ng ilang shows.

Oo at flagship ang mga programang tulad ng FPJ’s Ang Probinsyano, na babalik muli sa ere, pero may panukalang yung mga existing shows ay puwedeng i-park muna at isantabi dahil makikita ang limitasyon sa produksiyon ngayong scaled down na ang mga tao at resources sa taping.

Mas excited ako sa mga bagong shows na mapo-produce and see how innovative the networks and content creators will be, lalo pa’t limited din ngayon ang advertising pie at production budget.

In these challenging times, may this bring out the best in everyone!

Continue reading below ↓

RECOMMENDED ARTICLES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Simula sa Hunyo 15 ay balik-taping na ang primetime series ni Coco Martin (kaliwa) na FPJ's Ang Probinsyano. Samantala, tuluy-tuloy ang selebrasyon ng 70th anniversary ng GMA Network (kanan).
PHOTO/S: Instagram / Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results