Unang anibersaryo ng aksidente ni Eddie Garcia, ginunita ng kanyang mga direktor

by PEP Troika
Jun 8, 2020
Hunyo 8, 2019 nang maaksidente ang veteran actor na si Eddie Garcia sa taping ng GMA-7 teleseryeng Rosang Agimat. Pagkalipas ng 12 araw, noong Hunyo 20, 2019, ay pumanaw si Eddie sa edad na 90.
PHOTO/S: Allan Sancon / Instagram

JERRY OLEA

Ngayong Hunyo 8, Lunes, ang unang anibersaryo ng aksidente ni Eddie Garcia sa set ng Kapuso series na Rosang Agimat sa Tondo, Manila.

Dinala si Manoy (tawag sa beteranong aktor) sa Mary Johnston Hospital ng Tondo, at kapagkuwan ay inilipat sa Makati Medical Center, kung saan pumanaw siya noong Hunyo 20, 2019, sa edad na 90.

“Ang wala sa panahong pagpanaw ni Eddie Garcia ay malaking kawalan sa industriya ng pelikulang Pilipino,” text ni Direk Joel Lamangan sa amin nitong Lunes ng tanghali.

“Itong nakakalungkot na pangyayari ang nagbukas ng isip ng mga taga-industriya ng pangangailangang gumawa ng mga hakbang upang protektahan ang mga mangagawa sa pelikula.

“Katunayan ay merong Eddie Garcia Bill na nasa proseso ng pagiging batas.”

Naidirek ni Joel si Manoy sa mga pelikulang Bakit May Kahapon Pa? (1996), Deathrow (2000), Mano Po (2002), Mano Po III: My Love (2004), Blue Moon (2006), at Rainbow’s Sunset (2018).

Continue reading below ↓

Hunyo 18, itinanghal si Manoy na Best Actor sa Gawad Urian para sa pelikulang ML.

Inihatid agad-agad ng ML director na si Benedict Mique ang tropeo ni Manoy sa MMC.

“Sana, maging National Artist siya and I hope Tita Lilibeth his wife is ok,” text sa amin ni Direk Benedict nito ring Lunes ng tanghali.

“Higit sa lahat, maraming salamat. His generosity paved the way to success for a lot of peoples career including mine.”

Na-shelve ang Rosang Agimat na pagbibidahan sana ni Gabbi Garcia, sa direksiyon ni Toto Natividad.

Nasa cast din nito sina Thea Tolentino, Gil Cuerva, Jeric Gonzales, Celia Rodriguez, Luz Valdez, Kristoffer Martin, Tonton Gutierrez, Roi Vinzon, Victor Neri, at Betong Sumaya.

Apat na pelikula na kasali si Manoy ang ipinalabas matapos siyang pumanaw—Circa (bida si Anita Linda), King of Reality Shows (Ariel Villasanta), Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo (Andrew E, Dennis Padilla, Janno Gibbs), at Kalel, 15 (Elijah Canlas, Jaclyn Jose).

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Ngayong humaharap na tayo sa bagong normal at pinaghahandaan na ang pagsisimula ng taping.

Hindi ura-uradang nagsisimula ang GMA-7 dahil tinitiyak nilang safe ang lahat.

Iniiwasan nilang maulit ang nangyari kay Manoy Eddie.

Pagdating sa Eddie Garcia Law na sinimulan na noon na pinag-usapan sa Kongreso, huwag na muna natin asahang pansinin ito ng ating mga mambabatas.

Bukod sa mga problema sa COVID-19, nandiyan pa ang Anti-Terrorism Bill at ang franchise renewal ng ABS-CBN.

NOEL FERRER

Ano na ba ang update sa ipinanukalang Eddie Garcia Bill, an act creating an occupational and safety standards for the film, television and theater industry?

Ano na rin ba ang naging kasunduan ng GMA-7 at pamilya ni Eddie Garcia na puwede nating kapulutan ng aral at gabay sa mga susunod pang health and security protocols—lalo na para sa senior citizens?

At paano na ba ang mga Seniors ngayon?

Tunay bang iniiwasang mag-cast ng seniors at mga bata sa mga bagong media assignments

Continue reading below ↓

Maraming salamat, Tito Eddie, sa inyong hindi matatawarang legacy sa ating industriya.

HOT STORIES

JERRY OLEA

Napakalaking pagsubok para sa Kapuso station ang nangyari kay Manoy, pero nalagpasan nila ito.

Sa pagdiriwang ng GMA Network ng ika-70 taon, walang duda na ito ngayon ang pinakamalakas na TV station sa bansa.

Ngayong Lunes ay live na muli ang noontime show nitong Eat Bulaga!

Ang saya-saya ng live opening, kung saan nag-TikTok ang hosts, sa pangunguna nina Alden Richards at Maine Mendoza na naka-facial mask at may social distancing.

Nasa kani-kanyang bahay sina Vic Sotto & Pauleen Luna, Ryza Mae Dizon, Baeby Baste, at Joey de Leon.

Maya-maya ay may spiels muli sina Alden at Maine na wala nang face mask, pero may distansiya pa rin sa isa’t isa.


Continue reading below ↓

Wala siyempreng sugod-barangay, pero may online contest para sa televiewers.

Pito ang pipiliing winners ng P5,000 each sa mga magpo-post ng selfie sa Facebook page ng Eat Bulaga.

Sa selfie, dapat ay naka-face mask ka at may hawak na tatlong kutsara.

Bongga ang commercial load, bago nag-replay ng "Bawal Judgmental" segment kung saan ang pumili ay ang meteorologist na si Nathaniel “Mang Tani” Cruz.

RELATED STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hunyo 8, 2019 nang maaksidente ang veteran actor na si Eddie Garcia sa taping ng GMA-7 teleseryeng Rosang Agimat. Pagkalipas ng 12 araw, noong Hunyo 20, 2019, ay pumanaw si Eddie sa edad na 90.
PHOTO/S: Allan Sancon / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results