Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Harlene Bautista, masaya para sa bagong pag-ibig ni Romnick Sarmenta

by PEP Troika
Jun 18, 2020
Harlene Bautista on estranged husband Romnick Sarmenta: "Kailangan naman niya iun, lalo na ganito na ang sitwasyon, magnenega-nega pa ba? Ang importante, masaya na lang tayong lahat."
PHOTO/S: Jerry Olea

GORGY RULA

Ipinagkibit-balikat lamang ni Harlene Bautista ang unti-unting pagiging open ng nakahiwalayang asawa na si Romnick Sarmenta sa girlfriend nitong si Barbara Ruaro.

Noong Lunes, June 15, naghayag ng pakiusap si Romnick sa Facebook na huwag na sanang maglabas ng hindi magagandang salita sa kasalukuyan niyang kasintahan.

Hindi direktang pinangalanan ni Romnick si Barbara sa kanyang post, pero ang aktor na rin ang nagsabing mahihinuha ng mga nakabasa kung sino ang tinutukoy niya.

Sa kaso nina Romnick at Harlene, dalawang taon na silang hiwalay bilang mag-asawa at may kani-kanya na silang karelasyon.

Kaya sabi ni Harlene, hindi na niya kailangang magpaka-nega pa.

Ang mahalaga ay masaya na sila sa kani-kanyang buhay.

"E, di mabuti," pakli ni Harlene nang tinanong namin tungkol sa girlfriend ng estranged husband.

"Kailangan naman niya yun, lalo na ganito na ang sitwasyon, magnenega-nega pa ba?

"Ang importante, masaya na lang tayong lahat.

"It’s his life.

Continue reading below ↓

"Ang ano lang namin talaga is ang mga bata. Kung meron kaming dapat na pag-usapan, e, ang mga bata, yun lang yun."

Ito ang pahayag ni Harlene nang nakapanayam namin sa DZRH noong Miyerkules ng gabi, June 17.

Okay sila pagdating sa kanilang mga anak, at naiintindihan ng mga bata ang kanilang family set-up.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Tuloy pa rin ang kanilang annulment case.

Pansamantalang naudlot ang pagdinig nito dahil sa ipinatupad na ECQ sa Metro Manila.

Paliwanag ni Harlene: "Umuusad naman. Alam naman natin lahat na nahinto, e.

"Umaandar naman siya noon, e, bago dumating itong COVID na ‘to.

"Hopefully, umandar na siya para matapos na,"

Since nasa korte na ito, ayaw na nilang pag-usapan pa ito sa publiko.

Ang mahalaga ay okay sina Romnick at Harlene.

Kung meron mang problema, silang dalawa lang ang nakakaalam at hindi na kailangang pag-awayan pa sa publiko.

"Pangit sa mga bata na nakikita nila ang magulang nila na nagbabatuhan ng putik. Iyon naman ay para sa amin na lang," sabi pa ni Harlene.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

JERRY OLEA

Mahaba ang open letter na ipinost ni Romnick Sarmenta sa kanyang Facebook page noong Hunyo 15, Lunes ng hapon,

Nagpasalamat si Romnick sa mga sumuporta sa kanyang showbiz career mula noong four years old siya.

Mahigit apat na dekada na siyang artista!

Ani Romnick, public knowledge na naghiwalay sila ni Harlene noong 2018, pero hindi nila idinetalye ang dahilan, at ayaw nilang pag-usapan.

Ipinagdiinan niyang walang third party na sangkot.

Nirerespeto nang lubos ni Romnick ang ina ng kanyang mga anak.

Pinapahalagahan pa rin niya ang privacy at kaligayahan ng kanyang ex-wife.

Nais niyang protektahan ang kanilang mga anak sa mga bintang at komento na ibinabato sa magulang ng mga ito.

Mananatili siyang ama at kaibigan ng mga anak nila ni Harlene, kahit anong mangyari.

Consistent si Romnick sa mga ganitong pahayag.

Huli namin siyang nakapanayam ay sa presscon ng horror movie na Clarita noong Hunyo 2, 2019 ng gabi.

Continue reading below ↓

Magiliw pa siyang nakipagbiruan noon sa amin.

NOEL FERRER

Life goes on for Harlene Bautista.

Sobra akong natutuwa sa kanya dahil bukod sa pagiging mahusay na aktres, maituturing na premyadong film producer, at bahagi pa ng scriptwriting class ni Ricky Lee.

She is happy now sa kanyang love life, sabi niya, pero struggle sa kanya ang pagbabalik shooting.

Hihintayin na lang muna niyang bumuti ang kondisyon ng mga taga-pelikula, na sabi niya, dapat mag-ayos ng kalakaran at magtulungan.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Harlene Bautista on estranged husband Romnick Sarmenta: "Kailangan naman niya iun, lalo na ganito na ang sitwasyon, magnenega-nega pa ba? Ang importante, masaya na lang tayong lahat."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results