Pokwang, na-bash dahil sa pag-guest sa Eat Bulaga; Keanna Reeves, na-bash dahil sa lumang artikulo

by PEP Troika
Jun 22, 2020
Nakatanggap ng batikos ang magkaibigang sina Keanna Reeves (kaliwa) at Pokwang (kanan) dahil sa magkaibang dahilan ngunit may kinalaman sa ABS-CBN.
PHOTO/S: Keanna Reeves Duterte Facebook

JERRY OLEA

Na-bash si Pokwang dahil sa paggi-guest niya sa "Bawal Judgmental" segment ng Eat Bulaga! noong Hunyo 20, Sabado.

Pero kayraming naaliw sa kanya at sa rapport niya sa Dabarkads. Trending!

Nitong Hunyo 21, Lunes ng umaga, nag-post si Keanna Reeves sa Facebook ng pictures na dumalaw siya kay Pokwang.

Continue reading below ↓

Ayun na, nahalungkat ang PEP TROIKA thread natin na nalathala noong Mayo 7, kaugnay sa “birada” ng magkaibigang Pokwang at Keanna sa ABS-CBN shutdown.

Na-bash si Keanna, kaya naghimutok siya sa FB:

“FYI: Una, hindi po ako contract star ng ABS. Pangalawa, hindi po ako nakakalimot na nanalo ako sa PBB. Pangatlo, pinagmamalaki ko po yan habang ako ay nabubuhay!

“1.) Nung nabaliwala na ako ng ABS, may narinig ba kayo na nagrereklamo ako?

“2.) Nung wala na ako project at wala na ako trabaho, may naririnig ba kayo sakin?

“3.) Nung pinabanned daw ako ng artista n’yo, may naririnig ba kayo sakin?

“4.) Nung umalis ako sa ‘Home Sweetie Home’ dahil ang yabang ng EP, may narinig ba kayo sakin?

“5.) Nung matagal na ako nagtitiis na walang trabaho, may naririnig ba kayo na nagrereklamo ako?

“6.) Nung Presidential election kahit nasasaktan ako sa mga news at commercial n’yo about kay Duterte, may naririnig ba kayo na kumuntra ako?

Continue reading below ↓

“Dahil related kami, malamang 100% din ang suporta ko sa kanya! Mayor palang s’ya sa Davao, idol na namin si Duterte kaya hindi na question yong suporta namin sa kanya. Hindi basihan yong LOYALTY ko sa trabaho at POLITICAL VIEWS ko, magkaiba yon!!!”

Naghinaing din si Keanna sa PEP:

“Dear PEP... Mali bang magTIWALA nalang tayo sa batas at magTIWALA sa gobyerno at mag antay nalang na lalabas ang result ng problema ng franchise ng ABS-CBN???

"Kailangan ba talagang sumigaw at makipaglaban e samantalang nung pinabanned ako ng artista nila, at halos wala na ako makakain, hindi naman ako nagrereklamo! MALI BA AKO???

"Ano #PEP may alam kaba sa nararamdaman ko???"

Nag-PM ako agad-agad kay Keanna at ipinadala ang link ng nasabing artikulo kung saan pinuri siya ni Pokwang.

Ipinaliwanag ko kay Keanna na ang artikulo ay base sa FB post niya.

Nahimasmasan si Keanna, at sinabihan akong matagal na niyang alam na maggi-guest si Pokwang sa GMA-7.

Continue reading below ↓

Noon pa raw naka-ready si Pokwang sa bashers.

“Nagulat Lang ako Bakit ako May issue e tahimik Lang naman ako dahil DDS ako at ABS, kaya umiwas nalang ako magcomment para walang gulo,” sabi ni Keanna sa aming chat.

Pinost kapagkuwan ni Keanna sa FB ang screenshot ng chat namin sabay ang paglilinaw:

“Yan kasi ang MALI sa headline e!

"Maganda naman pala ang write ups sakin pero yong mga TANGA na nagbabasa akala ako na ang tinutukoy na animal ahas porket andyan pic ko!

"Dahil sa headline at kaTANGAHAN ng nagsend sakin nyan, nagalit ako kasi d ko naman din yan nabasa kasi pic lang sinend sakin.”

Continue reading below ↓

Ang sinasabing "headline" ni Keanna ay caption lamang na ginamit sa Facebook kalakip ng artikulo, na ang titulo ay "Keanna Reeves at Pokwang, may birada kaugnay ng ABS-CBN shutdown."

Peace be with you, Keanna!

NOEL FERRER

So, all’s well that ends well na sana itong isyu kay Keanna.

I’m sure, dahil sa pandemya, ang dami na rin niyang na-realize sa buhay niya—na mas mainam mawala ang kanyang mga bagahe sa buhay, and start fresh pagkatapos ng quarantine!

Lalo na ngayon na tila maiksi ang pisi ng mga tao at madaling madala sa bugso ng damdamin.

Ito na rin ang naging kalakaran sa lipunan natin.

Mas mabuting magbuo ng inner peace and inner strength, di ba?

GORGY RULA

Hindi maitatangging ang "Bawal Judgmental" lang ang bumubuo ngayon sa Eat Bulaga.

Kering-keri na ng cast ng "Kalyeserye" na sina Alden Richards, Maine Mendoza, Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros na mag-host nang live; at kahit si Bossing Vic na lang ang host via Zoom sa new normal nito.

Continue reading below ↓

Ang dami nang sponsors ng Eat Bulaga, kaya lalong humaba ang oras ng commercial break.

Isa sa nakakaaliw na guesting sa "Bawal Judgmental" ay ang guesting ni Pokwang noong Sabado.

Sana, meron pang ilang Kapamilya stars na payagang makapaglaro rito.

Kung wala man, keri na kahit nameless dahil nababalanse nila sa choices.

Kagaya ng episode ngayong Lunes, June 22, kung saan ang kinuha nilang judge ay ang runner-up ng Miss Millennial 2017 na si Shiara Joy Dizon.

Nagkamali pa si Maine na sa halip na Dizon, tinawag niyang si "Shaira Diaz" ang beauty queen.

Ang choices nila kanina ay mga dating sikat na artista na ngayon ay nagpahinga na sa showbiz.

Doon namin nalamang married na pala si Rainier Castillo, at isa nang pastor si Jan Manual.

Kaya panalo talaga ang "Bawal Judgmental" kahit sino pa ang maglalaro rito.

Hindi lang ako sure kung interesado ang EB na paglaruin si Keanna Reeves.

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakatanggap ng batikos ang magkaibigang sina Keanna Reeves (kaliwa) at Pokwang (kanan) dahil sa magkaibang dahilan ngunit may kinalaman sa ABS-CBN.
PHOTO/S: Keanna Reeves Duterte Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results