Alleged nude photo ni Bright Vachirawit, lumabas muli dahil sa Tagalized version ng 2gether

by PEP Troika
Jun 23, 2020
Sa nalalapit na pagpapalabas ng Tagalized version ng Thai BL series na 2gether The Series, muling lumutang ang isyu na mayroon diumanong nude photo ang isa sa mga bida ritong si Bright Vachirawat (kaliwa).

JERRY OLEA

Ipalalabas na ang Tagalized version ng Thai Boys Love series na 2gether sa Hunyo 28, Linggo, sa Kapamilya Channel na kine-carry ng iWant TV.

Kaya hindi na ako nagtaka na na-resurrect sa socmed ang sabi-sabi’y hubad na litrato ng isa sa mga bida rito na si Bright Vachirawit.

Tilam-tilam ang mga beki sa kakisigan ni Bright sa litrato kahit hindi naka-expose ang private parts nito.

Noong Abril 8 pa naglabas ng statement kaugnay rito ang 2gether The Series PH, ang official Philippine fanbase ng nasabing BL series.

Ipinagdiinan nito na ang litrato ay EDITED.

Published as is: “This rumor is absolutely false and groundless. With his uprising career and popularity right now in this industry, there’s sure malicious people trying to put stain on his image/name.”

Ito ang paninindigan ng fanbase, na kinondena ang ganoong behavior.


Continue reading below ↓

Ang love interest ni Bright sa 2gether ay si Win Metawin.

Ang tawag sa tambalan nila ay BrightWin.

NOEL FERRER

Tangkilikin natin ang sariling atin.

Ipinakikita naman na kahit may mga Asian BL Series, kaya nating gumawa ng pulido at maayos na series tulad ng Gameboys nina Elijah Canlas at Kokoy de Santos, at iprinodyus ng The IdeaFirst Company.

Continue reading below ↓

Ang tanong ko lang, hindi kaya ma-saturate na ang ganitong mga tema ng panoorin?

O palasak lang ngayon dahil Pride Month?

Sa huli’t huli, nasa audience ang pagpapasya!

GORGY RULA

Kahit saan ka bumaling, may BL series na.

Malapit na ring magkasawaan, at matitira na lang ang magandang kuwento at depende kung sinu-sino ang mga bida.

Ang suwerte ng Gameboys dahil ito ang nanguna sa Pinoy BL series na pinag-usapan, matino ang kuwento, at magagaling ang mga artista.

Dito kinagiliwan lalo si Kokoy de Santos na walang kiyeme sa mga ipinapagawa sa kanya.

Bukod sa Gameboys ay meron pa siyang isang nasimulan kasama si Alex Diaz, ang Oh, Mando! na ipapalabas din sa iWant TV.

Interesting din ito dahil sa isyung kinasangkutan ni Alex.

Nasangkot sa kontrobersiya si Alex noong October 2019 nang isiwalat ng isang gym instructor ang "indecent proposal" sa kanya ng aktor.

Dahil dito ay napaamin si Alex na isa siyang bisexual.

Continue reading below ↓

Pero lutang na lutang na sa mga BL series si Kokoy. Kaya puwedeng sa kanya na ang korona bilang Pinoy BL King!

JERRY OLEA

Game na ba kayo?!

Matapos ang music video ng "Isang Laro" (vocals by Nasser) na in-upload noong Mayo 29, mapapanood naman ang music video ng "Panalo Ka" ngayong Hunyo 23, Martes, 8:00P.M., PM sa YouTube channel ng The IdeaFirst Company.

Si Dex Yu na dating lead singer ng bandang Letter Day Story ang kumanta ng "Panalo Ka."

Siyempre, malaki rin ang konek ng "Panalo Ka" sa love story ng CaiReel (Cairo + Gavreel) sa Gameboys series.


Continue reading below ↓

Hopefully ay makahabol for Friday night streaming ang Episode 5 ng Gameboys, at mas makilala na natin si Terrence alias GavreelsOnlyLove.

Ang gumaganap na Terrence ay si Kyle Velino ng ABS-CBN Star Magic.

Sesentensyahan ang first ep ng Hello, Stranger bukas, Hunyo 24, Miyerkules, at sandamukal ang paandar ng Black Sheep buong araw.

Siyempre, power bottom ang peg dito ni JC Alcantara bilang Mico, while nasa top of the game si Tony Labrusca bilang Xavier.

Continue reading below ↓

Huwag sanang magmukhang copycat ng Gameboys itong Hello, Stranger!

Sa Hunyo 27, Sabado, 8:00 P.M., ilulunsad ang Balangaw Online Channel sa website na www.2076balangaw.com, kung saan mag-uumpisa na rin ang seryeng Balangaw.

Ang “balangaw” ay salitang Bisaya para sa bahaghari at pag-asa.

“The Balangaw series shows how eight artist-friends connect and disconnect while navigating through the pandemic, and other political and social issues,” lahad ng showbiz reporter na si Josh Mercado.

“The cast is composed of Karen Toyoshima, Mela Habijan, Jal Galang, Rap Robes, CJ Barinaga, and Tadsky Obach. The series blurs the line between fiction and reality on these perilous times.”

Punong-abala sa Balangaw si Direk Jay Altarejos.


Continue reading below ↓

Sa Hunyo 28, Linggo ipapalabas ang Episode 5 ng Sakristan titled "Barong" sa YouTube channel ng VinCentiments.

Ayon sa direktor nito na si Darryl Yap, halos igapang niya ang pagsulat ng nasabing episode.

“Nahihirapan lang siguro akong isipin na maraming masasaktan,” hiyaw ni Direk Darryl sa Facebook noong Hunyo 21, Linggo.


Continue reading below ↓

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa nalalapit na pagpapalabas ng Tagalized version ng Thai BL series na 2gether The Series, muling lumutang ang isyu na mayroon diumanong nude photo ang isa sa mga bida ritong si Bright Vachirawat (kaliwa).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results