PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Reklamo ni Catriona Gray tungkol sa fake nude photos, maaksyunan sana ng NBI

Catriona Gray, dumulog sa NBI para alamin ang pasimuno ng fake nude photos niya.
by PEP Troika
Published Jul 21, 2020
Humingi ng tulong si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa National Bureau of Investigation para sa pagsasampa ng kaukulang reklamo kaugnay ng kumalat na fake nude photos niya.
PHOTO/S: Jerome Ascano

GORGY RULA

Pursigido si Miss Universe 2018 Catriona Gray na alamin kung saan nagmula ang fake nude photo na ikinalat sa social media.

Ito ang dahilan kaya humingi si Cat ng tulong sa National Bureau of Investigation (NBI).

Narito ang kabuuang pahayag ng Cornerstone, na nagha-handle ng showbiz career ni Catriona, nitong Hulyo 21, Martes ng gabi:

"Earlier today, Ms. Catriona Gray formally sought the assistance of the NBI officials to investigate on the identities of those behind the uploading and seeding of the altered malicious photo, as well as determine the owners of social media accounts created to disparage and malign her name. The NBI has graciously offered to assist in the filing of appropriate cases."

JERRY OLEA

Nawa’y malinawan kung may kinalaman dito ang ex-boyfriend ni Catriona na si Clint Bondad.

May mga naunang celebrities na dumulog sa NBI kaugnay sa mga ganitong isyu, pero hindi naresolba hanggang ngayon.

Sa usaping ito, may kung anu-ano kasing pahiwatig si Clint na tumutumbok kay Catriona at sa current boyfriend nito na si Sam Milby.

NOEL FERRER

Oo, sana talaga may maaksyunan namang high-profile na reklamo ang NBI para maipakitang may ngipin ang batas sa pag-crack down ng big-time offenders.

Marami nang sex videos in the past ang walang naging resolusyon.

Umaasa tayo na mabigyan ng hustisya at hindi mawalan ng dangal ang ating ipinagmamalaking Miss Universe na si Catriona Gray.

Hindi sana maging INUTIL—na siyang nagiging word-of-the-season ngayon—ang NBI.

Sana!

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Humingi ng tulong si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa National Bureau of Investigation para sa pagsasampa ng kaukulang reklamo kaugnay ng kumalat na fake nude photos niya.
PHOTO/S: Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results