PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Arnell Ignacio, hindi raw nakikipag-away kay Jennylyn Mercado

Arnell Ignacio, hindi raw nakikipagtalo kay Jennylyn Mercado
by PEP Troika
Published Aug 5, 2020
Duterte supporter Arnell Ignacio on actress Jennylyn Mercado voicing her opinion: “Meron ka bang malalim na ipinaglalaban? Kasi, kung wala rin naman, bakit isasakripisyo yung career mo na makipagdiskusyon sa ganyan?”
PHOTO/S: Noel Orsal

GORGY RULA

Iginiit ni Arnell Ignacio na hindi siya nakikipag-away o nakikipagtalo kay Jennylyn Mercado.

Kaugnay ito ng unsolicited advice ni Arnell na huwag nang makisali ang mga artistang kagaya ni Jennylyn sa usapang pulitika.

Payo lang daw niya ito sa isang kapwa artista na napakaganda naman ng career.

Pahayag ni Arnell nang nakatsikahan namin sa DZRH noong Lunes, August 2, “Sana, inunawa nila kung bakit ko ito sinasabi, e.

“Kung ikaw, artista, at nagsimula kang makipagdiskusyon sa mga bagay-bagay na pulitika, paano ka gaganap ng roles mo uli na madali kang tanggapin ng iyong mga tagahanga?

“Gaano ba kabigat ang gusto mong ipaglaban to put your career sa line? Meron ka bang malalim na ipinaglalaban?

"Kasi, kung wala rin naman, bakit isasakripisyo yung career mo na makipagdiskusyon sa ganyan?”

Nabasa raw ni Arnell ang tweets ni Jennylyn na nagtatanong kung kailangan bang may qualifications para maghayag ng opinyon o magkomento tungkol sa pulitika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Obvious na ito ang sagot ng aktres sa mensahe ni Arnell.

Ayon kay Arnell, huwag daw sanang isipin ni Jennylyn na nakikipagtalo siya.

Paalala lang daw ang sa kanya dahil, sa tingin niya, inilagay ng aktres ang sarili sa sitwasyong pupunahin ito ng ibang tao. Baka makaapekto pa raw ito sa magandang career ni Jennylyn.

Pinuna rin ni Arnell ang tweet ni Jennylyn na nagtatanong kung saan napunta ang mga inutang ng pamahalaang Duterte para sa COVID response ng bansa.

Sabi ni Arnell, na aminadong tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte, “Nagkakaroon kasi ng color of sarcasm kapag ipinu-post mo na sa social media.

“Kunyari, magtanong ka kung nasaan na ba napunta yung ating pera. Nag-iiba yung kulay, e. Hindi na siya nagmumukhang gusto mo talaga malaman.

“Ang sa akin lang, bakit mo gugustuhin pa na pasukin yun kung gusto mo lang malaman?

"Kasi, isasalang mo lang yung sarili mo... isa-subject mo yung sarili mo sa napakaraming tao na maaaring bumatikos sa ‘yo?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Why do we have to do that? E, alam mo namang napakahirap pa ng mga nangyayari ngayon.

"Will this help? Makakatulong ba yun na alam mo na… na makigulo pa tayo diyan?

“Kung gusto mong malaman, there are other means na hindi ka mami-misinterpret.

“Iyon lang naman ang pinu-point out ko, e. Na ako, nandiyan din naman ako sa industriyang iyan dati.”

Patuloy ni Arnell tungkol kay Jennylyn, “Tingnan mo, anong nangyari? Dati, wala kang mababasa na pangit tungkol sa kanya. Tingnan mo tuloy ang mga reaksiyon.

“Hindi ko ginagawa ‘to para mang-away, ha? It’s a reminder nga, e.

"Kasi nga, maganda ang iyong career. Tapos, sasabak ka dito.

“E, gaano ka ba kaseryoso na gusto mong pasukin ito? Na makikita pa ngayon ng iyong mga fans at magkakaroon pa sila ng rason para batikusin ka.

“Bakit mo gugustuhin pang gawin yun? E, ano ba ang plano mo?

"Actually, it’s a reminder sa mga artistang mahusay naman ang kanilang mga katayuan bilang artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi, ano ba yung purpose mo? Kasi, kung gusto mong malaman, e, di i-research natin.

“I know it can be very dangerous sa mga celebrities na i-expose mo ang sarili mo sa ganyan. I-subject mo ang sarili mo to the scrutiny of people na maaaring magulat.

"Ba’t ka nagtatanong ng ganyan?”

Itinalaga ni Pangulong Duterte noon si Arnell sa PAGCOR at OWWA, bagamat wala na siyang puwesto sa gobyerno ngayon.

NOEL FERRER

I suppose ready si Jennylyn sa anumang consequence ng kanyang statements.

I wonder din how “dangerous” it is for artists to voice out their opinions now, katulad nga ng sinasabi ng kaibigan nating Arnelli.

Aside from the bashers at trolls na kaakibat ng pagko-comment ng ganyan, kailangan bang matakot si Jen sa anumang klase kayang “danger”?

Nakakalungkot kung hahantong tayo sa ganoon!

JERRY OLEA

Kani-kanyang paniniwala. Kani-kanyang paninindigan.

Ang balitaktakan sa usaping politika o relihiyon ay walang hangganan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Darating ang panahon na matatanto natin kung sino kina Arnell at Jennylyn ang mas matimbang ang katwiran.

Nagpapasasa man ang mga ganid at buktot sa kapangyarihan, isaalang-alang natin ang ating kalusugan, maging ang kapakanan at kinabukasan ng ating bayan.

Dumanak man ang dugo at luha, inaasam pa rin nating sa huli ay mananaig ang katotohanan, katarungan, at kapayapaan.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Duterte supporter Arnell Ignacio on actress Jennylyn Mercado voicing her opinion: “Meron ka bang malalim na ipinaglalaban? Kasi, kung wala rin naman, bakit isasakripisyo yung career mo na makipagdiskusyon sa ganyan?”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results