PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sharon Cuneta, nagbigay-pugay sa yumaong ina ni Gabby Concepcion

KC Concepcion, gustong maging proud sa kanya sina Sharon at Gabby.
by PEP Troika
Published Aug 11, 2020
Megastar Sharon Cuneta posts throwback photo of her with the family of ex-husband Gabby Concepcion, including daughter KC Concepcion (the baby in Sharon's arm) and the actor's late mother, Lourdes Concepcion (center, seated). Lourdes Arellano Concepcion (right) passed away Sunday morning, August 9.
PHOTO/S: Sharon Cuneta Instagram

JERRY OLEA

Bandang hatinggabi ng Agosto 10, Lunes, nag-post si Sharon Cuneta sa Instagram at Facebook kaugnay sa pagpanaw ng ex-biyenan niyang si Maria Lourdes Arellano Concepcion.

Pumanaw ang ina ni Gabby Concepcion, sa edad na 79, noong Agosto 9, Linggo ng umaga.

Post ni Sharon, “Oh my gosh... I just got the sad news that KC’s Mommyla passed away this morning...

“My deepest condolences to the Arellanos and Concepcions...

"Rest in peace, dear Mommy Baby... Thank you for being good to me while I was part of your family, and for loving KC with all your heart.

“May you be happy in God’s eternal embrace with Daddylo... Deepest Condolences to Kuya Dinky, Gabby, Juju, Mike, Rina and Ricky and Sandy...”

Tatlong lumang litrato ang kalakip ng post ni Mega.

Ang "Daddylo" (daddy/lolo) na tinutukoy ni Sharon ay ang yumao na ring ama ni Gabby na si Rollie Concepcion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala pang Instagram post o YouTube vlog si Gabby tungkol sa pagpanaw ng ina.

Paminsan-minsan lang mag-post si Gabby sa social media. Noong Hunyo 21, Father’s Day, inalala ng aktor ang yumaong amang si Rolly Concepcion.

Pero noong Mother’s Day ay wala siyang Instagram post ng pagbati sa ina.

Napaluha si KC Concepcion sa Zoom interview sa kanya ni Luchi Cruz-Valdes para sa Usapang Real Life (URL) na magpa-pilot episode sa Agosto 15, Sabado ng 9:00 P.M., sa TV5.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Buhay pa ang mommyla (mommy/lola) ni KC nang mainterbyu siya ni Luchi.

Lahad ng 35-anyos na si KC sa teaser ng URL na ipinost ng TV5 nitong Agosto 10, Lunes ng gabi, sa kanilang Facebook page, “I’ve been doing a lot of thinking, a lot of praying, and ito ang naiisip ko.

“So, usapang real life, ang mama ko kasi, she has her own family. My papa also has his own family.

“They’re both married. They both have children with their husbands and their wives. Ako lang kasi yung nag-iisang anak nila, na silang dalawa.

“So, meron akong complex na... gusto ko silang gawing proud sa akin. Gusto ko, may mga gagawin ako na ikaka-proud nila...

“Naiiyak ako... naiyak na ako! So, gusto ko lang na maging proud sila sa akin. And... ahhmm, mahirap kasi yung...

“Wow! Naiiyak ako!” sambit pa ni KC.

NOEL FERRER

Kristina Cassandra grew up in front of us. Nasubaybayan natin siya mula pagsilang hanggang sa karay-karay na siya ng nanay niyang Megastar sa mga taping at shooting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama pa ako sa mga namahala ng kanyang debut, hanggang sa umalis siya papuntang Paris, gumawa ng mga TV specials, at sumabak sa show business.

All KC has to do is focus on doing what she wants and do it best!

Noong pumasok siya sa industriya, ginulat niya tayo sa mga bagay na pwede niyang gawin.

Magaling siyang sumayaw. Naging UNICEF ambassador siya. Siya ang inasahang magiging mala-Rachelle Ray na TV host sa Pinas.

Huwag sana siyang pa-pressure sa narating ng kanyang mga magulang. Gumawa siya ng kanyang sariling puwang at ipakita ang sariling kagalingan.

KC has passion for the things that she does, but she just has to carry them through. That requires consistency and commitment.

Sana, sa pag-iyak ni KC, she realizes that the public will love her as much as she loves herself.

GORGY RULA

Mahigit fourteen years ding naging alaga ni Manay Lolit Solis si Gabby Concepcion, at nasaksihan niya ang closeness nilang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero mas close daw talaga si Gabby sa daddy niyang si Rollie Concepcion. Si Daddy Rollie raw talaga ang idol ni Gabby.

Pero sobrang maalaga raw ang Mommy Baby ni Gabby kaya naging close din ito noon kay Sharon Cuneta.

Si Mommy Baby ay apo ng National Artist na si Juan Arellano, na arkitekto ng Metropolitan Theater sa tapat ng Plaza Lawton.

Lahat ay umaasang hindi magkasira ang samahan ng magkakapatid na Concepcion ngayong wala na silang magulang.

Tinitiyak sa akin ni Manay Lolit na hindi isyu kay Gabby ang property at pera. Kaya hindi raw siya naniniwala sa isyung ibinibintang sa aktor.

Noong 2019 ay sinampahan ng reklamong falsification of public documents si Gabby ng kanyang nakababatang kapatid na si Miguel Concepcion.

Ito ay may kinalaman sa maanomalyang pagbebenta umano ni Gabby ng pagmamay-aring lupa ng kanilang ina sa San Juan City na may sukat na 890 square meters.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala pang balita kung ano na ang nangyari sa kaso.

Siyanga pala, totoo bang itutuloy na ng GMA-7 ang teleseryeng First Yaya, kung saan si Gabby ang leading man ni Marian Rivera?

Kinakausap na kasi ang ilan pang mga artistang bahagi nito.

Wala pa silang sinasabi kung payag si Marian bumalik sa taping ngayong naka-quarantine pa rin tayo.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Megastar Sharon Cuneta posts throwback photo of her with the family of ex-husband Gabby Concepcion, including daughter KC Concepcion (the baby in Sharon's arm) and the actor's late mother, Lourdes Concepcion (center, seated). Lourdes Arellano Concepcion (right) passed away Sunday morning, August 9.
PHOTO/S: Sharon Cuneta Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results