JERRY OLEA
Naghahanda na si Alden Richards para sa taping ng first episode ng bagong drama anthology ng GMA Network.
Makakatambal niya rito si Jennylyn Mercado.
Ito ang tsika ng source ng PEP Troika na inusisa ko kung bakit absent si Alden Richards sa recent live presentations ng Eat Bulaga!
Ang latest update na natanggap natin ngayong araw, August 23, alas sais ng gabi, ay si Jasmine Curtis-Smith ang katambal ni Alden sa pilot episode ng bagong Kapuso drama anthology. Ito ay ayon naman sa isa pang source na siguradong-sigurado raw sa kanyang info.
Noong Agosto 14, Biyernes ng hapon, sa virtual presscon ng Cosmo Cee, ini-reveal ni Alden na may offer sa kanya para sa bagong anthology ng Kapuso Network.
Dahil stay-at-home party pa rin ang All-Out Sundays ngayong Agosto 23, nakalahok dito ang tinatawag na Asia’s Multimedia Star.
Hindi naman mami-miss ng fans si Alden dahil may rerun ang teledramang One True Love, na pinagbibidahan nila ni Louise de los Reyes.
Napapanood ito Lunes hanggang Biyernes ng hapon sa GMA-7.
Maliban sa pagiging BIDA sa campaign ng Department of Health (DOH) kontra COVID-19, may bagong adhikain si Alden.
Isinusulong niya ang #EndTB campaign ng USAID (United States Agency International Development) Philippines.
Bilang ambassador nito, layunin ni Alden na ipalaganap ang impormasyon tungkol sa tuberculosis, pagwaksi sa stigma ng sakit, at ang kahalagahan ng pagkakaroon ng healthy lifestyle.
Hopefully, bago matapos ang taon ay makapag-concert na si Alden!
NOEL FERRER
Exciting iyang mga ganyang effort na magsimula ng bagong produksiyon ngayong panahon ng pandemya.
At matagal na ring iniisip ang posibilidad na pagsamahin sina Jennylyn at Alden. Kailan kaya magaganap ito? Habang Ghost Month ba?
Anyway, their track record speaks for them. Good luck, Alden at sa magiging leading lady niya!!!
GORGY RULA
Iyon nga ang nasagap ng PEP Troika, na may bagong drama anthology ang GMA-7 na sisimulan na nilang i-tape sa susunod na linggo.
Iba-ibang kuwento ang mapapanood tuwing linggo, at ang unang episode ay tatampukan nina Alden Richards at Jennylyn Mercado.
Hindi pa kasi nakakabalik ang lahat na mga natenggang drama series, kaya eto raw muna ang mapapanood mula sa drama department ng GMA-7.
Abangan na lang ang announcement ng Kapuso network kung kailan eere ang bagong drama anthology at kung ano ang time slot.
Oo, puspusan ang kampanya ni Alden na may kaugnayan sa pag-aalaga sa ating kalusugan.
Pagkatapos niyang ikampanya ang BIDA Solusyon ng Department of Health at pag-i-endorso ng produkto na pam-boost ng immune system, ikinakampanya rin niya ang #EndTB ng USAID.
Kaisa ang GMA Network sa kampanyang ito, at si Alden ang perfect endorser dahil adbokasiya niya ang pangangalaga sa kalusugan, lalo na ngayong panahon ng pandemya.
