ABS-CBN, magba-blocktime sa ZOE TV ni Bro. Eddie Villanueva?

by PEP Troika
Aug 26, 2020
Will a major business engagement happen between ABS-CBN and Zoe TV?

GORGY RULA

Totoo kaya ang kumakalat na kuwentong mapapanood ang ilang programa ng ABS-CBN sa Channel 11 ng ZOE Broadcasting Network?

Naibulong ng isang reliable source ng PEP Troika na nakipagsundo na raw ang ABS-CBN na maging blocktimer sa ZOE TV, na umeere bilang Light TV 33.

Hindi lang namin matiyak kung anu-ano ang mga kumpirmadong programang mapapanood sa ZOE TV.

Pero ang narinig namin, ang It’s Showtime at ASAP Natin ‘To raw ang unang mapapanood sa naturang istasyon na pag-aari ng Jesus Is Lord founder na si Bro. Eddie Villanueva.

Ang latest, napag-uusapan na raw ang launching, tentatively, sa September 28. Ito raw ang gustong date ng mga taga-ABS-CBN dahil patatapusin muna nila ang Ghost Month (Agosto 19-Setyembre 16).

Pero sa pagkakaalam namin, wala pang sagot dito ang ZOE TV.

Hindi rin namin alam ang buong detalye ng pag-uusap, pero may ilang napagtanungan na nagsabing matagal na raw ang negosasyong ito.

Continue reading below ↓

Maaring maging blocktimer daw ang ABS-CBN, o kukuha sila ng channel list sa naturang istasyon na humigit-kumulang dalawampung oras bawat araw.

Matagal na raw itong inaayos sa istasyong pag-aari ni Bro. Eddie para mapanood ang mga programa ng ABS-CBN sa free TV.

Hindi ko alam ang legalidad nito, pero curious lang din kami kung walang butas na makikita na naman dito ang Kongreso, na nagbasura ng franchise renewal ng ABS-CBN.

Ang komento ng ilang napagtanungan ko, hindi raw ganun kalawak ang reach ng ZOE TV. Puwede kayang gamitin ng ABS-CBN ang kanilang transmitter?

NOEL FERRER

At this writing, hindi pa sumasagot ang mga pinagtanungan kong mga kinauukulan sa ZOE TV about ABS-CBN. Pero noon ko pa naririnig ito.

Affiliated pa ba ang GMA News TV sa ZOE TV, na kilala dati bilang QTV?

Sarili na ng GMA News TV ang istasyon nila, kaya malaya na ang ZOE TV makipag-blocktime arrangement sa mga taga-ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Sakaling mangyari yun, exciting na magsama sa iisang himpilan ang contents ng dalawang makatunggaling networks dati.

Kung hindi man, aware din naman siguro ang ABS-CBN sa mga patakaran ng ZOE TV na bawal ang mga patalastas ng alak at mga panooring may pagka-daring dahil isa itong "religious" station.

At kung totoo ring karamihan ng stars at mga taong kasama ni former Congressman Albee Benitez ay pawang mga taga-ABS-CBN, ang ganda ring nagtutulungan ang mga taga-Kapamilya at Kapatid networks kung ganoon.

Kasi naman, iisang industriya lang naman tayo. Ngayong may pandemya, maganda itong nangyayaring pagtutulungan.

Sana, wala nang kumontra!

JERRY OLEA

So, malabo na talagang maging blocktimer, co-producer, o line producer ang mga Kapamilya sa TV5 o Cignal TV.

Sakop ng Ghost Month ang pag-migrate ng iWant (streaming platform ng ABS-CBN) sa bagong sistema na accessible worldwide umpisa Setyembre 1.

Makikipag-merge ang iWant sa TFC online, para mabuo ang iWant TFC app and website.

Continue reading below ↓


Sakaling pumasok ang ABS-CBN shows sa ZOE TV, magbubunyi ang mga Kapamilya.

Hahayaan kaya ito nina Deputy Speaker Rodante Marcoleta, Congressman Mike Defensor, at Deputy Majority Leader Jesus Crispin “Boying” Remulla?

Siyanga pala, ang “Zoe” ay pangalan ng babae na Greek ang origin, at ang kahulugan ay “life” sa English, “buhay” sa Tagalog.

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Will a major business engagement happen between ABS-CBN and Zoe TV?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results