PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Urian 2020 fearless forecast; Judy Ann Santos fans, nabulabog sa pagkaitsapuwera ng aktres

Hello, Love, Goodbye nag-iisang mainstream film na nominado sa 43rd Gawad Urian.
by PEP Troika
Published Aug 27, 2020
43rd Gawad Urian Fearless Forecast: Angie Ferro, Best Actress for Lola Igna; Elijah Canlas, Best Actor for Kalel, 15; Yayo Aguila, Best Supporting Actress for Metamorphosis; and Ricky Davao, Best Supporting Actor for Fuccbois.

JERRY OLEA

Bukod-tangi ang Hello, Love, Goodbye ang mainstream film na may nominations sa 43rd Gawad Urian, na nakatakdang ganapin sa Oktubre.

Tatlo ang nominasyon nito sa acting categories—best actor (Alden Richards), best actress (Kathryn Bernardo), at best supporting actress (Maricel Laxa).

Ito ang pinakamalakas na pelikulang Pilipino sa kasaysayan (hindi adjusted sa inflation). Pagsama-samahin man ang kinita ng lahat ng iba pang nominado sa 43rd Gawad Urian, wala pa iyon sa one-fifth ng hinamig ng KathDen movie.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ligwak sa Urian ang Cinemalaya 2019 winners na sina Ella Cruz (best supporting actress para sa Edward) at Eduardo “Edong” Roy Jr. (best director para sa Fuccbois).

Ang apat pang major winners ng Cinemalaya 2019 ay nominado sa Urian—John Denver Trending (best picture), Jansen Magpusao (best actor para sa John Denver Trending), Ruby Ruiz (best actress para sa Iska), at Ricky Davao (best supporting actor para sa Fuccbois).

Kabilang sa nominadong best actress sina Alessandra de Rossi (Lucid), Jean Garcia (Watch Me Kill), at Sue Prado (Alma-ata).

Nagwagi na sila dati sa Urian sa best supporting actress category—si Alessandra para sa Mater Dolorosa, si Jean para sa Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa, at si Sue para sa Himpapawid.

Ang best actress nominee na si Anita Linda (Circa) ay nakadalawang Urian na.

Tabla si Anita at ang co-star niya sa Lola na si Rustica Carpio bilang best actress. Nagtabla bilang best supporting actress sina Anita (Takaw Tukso) at Nida Blanca (Magdusa Ka).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nominado ring best actress sina Nadine Lustre (Ulan) at Bela Padilla (Mañanita).

Last year, si Nadine ang best actress sa Urian para sa Never Not Love You, at kabilang sa mga tinalo niya ay si Bela para sa Meet Me In St. Gallen.


Best supporting actress sa Urian 2019 si Cherie Gil para sa Citizen Jake, her very first Urian.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

This year, nominated si Cherie ulit na best supporting actress para sa Kaputol.

Nganga sa Cinemalaya si Meryll Soriano (John Denver Trending), pero pasado siya sa Urian bilang best supporting actress nominee.

Best actress nominee si Perla Bautista sa Urian 2019 para sa Kung Paano Hinihintay Ang Dapithapon. This year, nominated si Perla na best supporting actress para sa Ulan.

Gaya ng nabanggit na, Urian best supporting actress nominee ngayong 2020 si Maricel Laxa para sa Hello, Love, Goodbye.

Gaya ni Cherie, wagi na dati bilang Urian best supporting actress sina Meryll, Perla, at Maricel. Si Meryll para sa Rotonda, si Perla para sa Anak ng Cabron, at si Maricel para sa Minsan Lamang Magmahal kung saan katabla niya si Elizabeth Oropesa para sa Milagros.

Nominated si Pinky Amador sa Urian last year na best supporting actress para sa Ang Panahon ng Halimaw. This year, nominado siya sa kaparehong kategorya para sa Ang Hupa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Urian best supporting actor si Joel Lamangan last year para sa School Service, his very first acting award. This year, nominado siyang best actor para sa Ang Hupa. Si Direk Joel lamang ang senior citizen sa best actor nominees.

Nominadong best actor si Raymond Bagatsing para sa Quezon’s Game. Back-to-back ang pagka-best actor dati ni Raymond sa Urian, para sa Milagros at sa Serafin Geronimo, Kriminal ng Barrio Concepcion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang 2019 Urian best actor ay si Eddie Garcia para sa ML.

Nominadong best supporting actor this year sina Ricky Davao (Fuccbois) at Dido de la Paz (Edward). Naging Urian winners na sila.

Nag-best actor si Ricky para sa Saranggola, at best supporting actor para sa Ipaglaban Mo. Nag-best supporting actor si Dido para sa Respeto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Last year, nominadong best picture ang Ang Panahon ng Halimaw, at nominadong best director para rito si Lav Diaz.

This year, nominadong best picture ang Ang Hupa, at nominadong best director si Direk Lav.

Dalawang beses nang nagwagi si Direk Lav sa Urian, para sa Batang West Side, at Mula sa Kung Ano Ang Noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inisnab ng 43rd Gawad Urian si Direk Brillante Mendoza at ang pelikula niyang Mindanao.

Tatlong magkakasunod na taon na naging best director ng Urian si Brillante para sa Tirador, Serbis, at Kinatay.


Inisnab man ang mga bida ng Mindanao na sina Judy Ann Santos at Allen Dizon. Pinarangalan na sila ng Urian dati. Itinanghal na best actress si Judy Ann para sa Sabel, at best actor si Allen para sa Magkakabaung.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang pa sa mga inisnab ng Urian ngayong 2020 sina Joem Bascon (Write About Love) at ang tatlong bida ng The Panti Sisters na sina Paolo Ballesteros, Martin del Rosario, at Christian Bables.

Previous winners din sila ng Urian. Nag-best actor si Paolo para sa Die Beautiful. Naging best supporting actor si Joem Bascon para sa Noy, Martin para sa Dagitab, at Christian para sa Die Beautiful.

Isa sa pinakamagandang pelikula ng 2019 ay ang Lola Igna, na best picture sa Pista ng Pelikulang Pilipino. Nagwagi rin iyon ng best actress award sa PPP para sa bidang si Angie Ferro, kaya OK lang kung natalo bilang best director si Eduardo “Edong” Roy Jr.

Sa Cinemalaya, John Denver Trending ang best picture, pero si Direk Edong ang best director para sa Fuccbois.

Sa Urian, nominado ang ilang artista ni Direk Edong sa Fuccbois (Royce Cabrera, Ricky Davao) at Lola Igna (Angie Ferro, Yves Flores).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakakalukring na inilaglag ang Lola Igna sa kategoryang best picture, at maging si Direk Edong ay dinedma.


NOEL FERRER

Truth be told, may taga-Urian ang nag-arrange sa akin na dapat bukas, August 28, ang announcement ng nominees sa Level Up program ko sa Radyo Katipunan.

Medyo nagkagulo dahil may Manunuri na nagsabing lalabas na ang listahan sa isang column sa diyaryo, 'tapos nailabas na rin sa FB page ng mga Manunuri.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil dito, nakansela na ang public online announcement sana ng nominees para sa 43rd Gawad Urian.

Oh well, sabi ko na lang sa mga taga-Manunuri, sana ay nag-FB Live na lang sila para ma-explain ang choices at masagot ang mga tanong ng film community. Pero, parang hindi na kakayanin.

So, ayan ang inyong Urian nominees this year na ia-award sa October sa pakikipagtulungan naman sa DZUP.

Ang Fearless Forecast ko? Sige, heto...

Best Actress: Angie Ferro sa Lola Igna at kung sino mang aktres na makaka-tie if ever.

Best Actor: Okay si Elijah Canlas (Kalel, 15), at sana si Oliver Aquino (Jino to Mari) na na-vindicate sa pagkakatalo niya sa Sinag Maynila.

Best Supporting Actor: Ricky Davao (Fuccbois).

Best Supporting Actress: Yayo Aguila (Metamorphosis) or Meryll Soriano (John Denver Trending).

Actually, mga Fearful Forecast ko ang mga iyan! See you all in October sa awarding!

GORGY RULA

Agree ako sa choices ni Sir Noel, pero baka i-commercialize ng mga Manunuri ang awarding para mas may ingay kahit online lang ang pamamahagi ng award.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya huwag na tayo magtaka kung paglalabanan ito nina Nadine Lustre at Kathryn Bernardo. Pati si Alden Richards ay may karapatan ding makuha ang Best Actor trophy.

Dito pa lang sa announcement ng nominess ay nagkaingay na dahil sa nabulabog ang fans ni Judy Ann Santos.

Mukha namang hindi apektado si Juday sa pagkaitsapuwera sa kanya ng mga Manunuri dahil hawak niya ang tropeyo ng Cairo International Film Festival.

Kahit si Allen Dizon ay okay na rin dahil may Urian trophy na siya.

Sabi ng isang mahaderang supporter ng Mindanao, masaya na sila sa pagkapanalo nina Juday at Allen sa Metro Manila Film Festival dahil may cash prize na katumbas.

Sa kabilang banda, may mga nang-iintriga na baka nahaluan ng pulitika itong pagpili ng nominees. Kaya inisnab daw ng mga Manunuri ang pelikulang Mindanao ni Direk Brillante Mendoza ay dahil alam nilang maka-Duterte ito.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
43rd Gawad Urian Fearless Forecast: Angie Ferro, Best Actress for Lola Igna; Elijah Canlas, Best Actor for Kalel, 15; Yayo Aguila, Best Supporting Actress for Metamorphosis; and Ricky Davao, Best Supporting Actor for Fuccbois.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results