JERRY OLEA
“Today is August 28. Si Bong Revilla po ay buhay na buhay!”
Nakangiting bulalas iyan ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. sa kanyang Facebook live nitong Agosto 28, Biyernes ng umaga.
Marami raw kasing tumatawag sa kanya dahil may kumakalat na balitang namatay na siya.
Pagpapatuloy ni Bong, “Marami po kasing tumatawag sa akin kagabi pa, yung iba, umiiyak. Kanina, umiiyak din, ang dami.
“Akala, namatay na daw ako. Tumatawag from Cebu, from Davao, from the States. Kumalat na... na ako daw ay pumanaw na.
“Buhay na buhay po ako, at malakas na malakas! At road to my full recovery.
“Hindi pa lang ako masyadong nakakapag-exercise ngayon, but at least, nakakapag-walking na ako, at nakakapagbilad na sa araw.
“At mabilis ho ang aking recovery. Bumalik na po ako sa [Senate] session, although by Zoom, online lang. Pero tayo po ay nagtatrabaho na bilang senador ulit. At marami po tayong ginagawang trabaho sa Senado.
"Ngayon po, itong mga walang magawa sa buhay, na pilit tayong pinapatay, e, buhay na buhay po ako. Siguro, wala lang talaga silang magawa.
"Ang sa akin lang, para doon sa mga nagmamahal sa akin, sumusuporta sa akin—nandito po ako, buhay na buhay...
“Buhay na buhay si Bong Revilla, at hindi po tayo papatalo sa COVID, kaya kailangan nating maging maingat.”
Pinasalamatan ni Senator Bong ang mga doktor at nars na nag-alaga sa kanya sa St. Luke’s BGC, Taguig City, maging ang mga kapamilyang nagdasal sa kanya, at siyempre, ang maybahay niyang si Bacoor City Mayor Lani Mercado.
Dagdag niya, “Iyong pilit nang pilit akong pinapatay, huwag naman at marami pa tayong gagawin para sa ating mga kababayan.
“Sa inyo pong lahat, again, iyon lamang po—at huwag ho kayong mag-alala, buhay ako, buhay na buhay si Bong Revilla. Today is August 28. I’m here in Cavite.
“I’m still alive and kicking! Sa inyo pong lahat muli, maraming-maraming salamat. Good morning, love you all, thank you!”
May mga bumabatikos at "natutuwa" sa pagkakaroon ng COVID-19 ni Senator Bong dahil sa pagkakasangkot niya sa pork barrel scam noong 2014.
GORGY RULA
Bumalik sa FB live si Senator Bong para maibahagi raw niya sa lahat ang hirap na pinagdadaanan ng isang COVID patient.
Noong nasa hospital siya, gusto sana niyang ipakita sa kanyang followers ang kalagayan niya, pero nahirapan siyang magsalita dahil ubo siya nang ubo.
Ngayon ay nag-FB live siya uli para mapasalamatan na rin ang frontliners, ang mga doktor at nars na nag-asikaso sa kanya.
Ipinaliwanag din niyang natapos na niya ang 21-day quarantine, kaya masasabing safe na siya at tuluy-tuloy ang kanyang paggaling.
Ayon pa sa kanyang doktor, kapag nalagpasan na niya niya ang 21-day quarantine at wala na siyang naramdaman, okay na raw yun. Pero magpapa-swab test pa rin daw siya para ma-confirm na negative na siya.
Napapangiti niyang sabi sa kanyang FB live noong Huwebes, August 27, “I’m a positive thinker sa buhay. Pero sa panahon ngayon, ayoko nang maging positive. Iba na talaga ang buhay ngayon, baligtad na.”
Tinanong ko si Senator Bong kung willing ba siyang mag-donate ng kanyang plasma. Yes na yes daw siya riyan.
Kapag pinayuhan siya ng kanyang doktor na puwede na siyang mag-donate ng kanyang plasma, ibibigay raw niya para kahit paano ay may maitulong siya sa COVID patients.
NOEL FERRER
Marami pa rin tayong nababalitaang kasamahan sa industriya—artista, director, staff—na nag-positive sa COVID.
Pero instead na mapako tayo sa discrimination at stigma ng pagkakasakit, patuloy sana tayong tumulong para maiwasan ito.
And at the same time, tumulong tayo sa paglikha ng ibang paraan ng kabuhayan.
Hanga ako sa mga produksiyon na talagang sinusunod nang maayos ang mga protocol.
Sa kabila ng istriktong safeguards dito, dapat alam na natin ang gagawin sakaling may mag-positive sa virus na ito.
Again, we may catch it; but we shall battle with it. Pero sana, hangga’t maiiwasan, iwasan natin!
Ang hirap talaga ng buhay natin ngayon!
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
