"Tinig ng mga Nawalan" tribute video ng ABS-CBN, pinangunahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

by PEP Troika
Aug 31, 2020
Pinangunahan ng magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang "Para sa mga Nawalan" tribute video para sa mga nawalan ng trabaho at nawalan ng mahal sa buhay ngayong pandemya.
PHOTO/S: Courtesy of ABS-CBN

JERRY OLEA

“Malalim man ang sugat ng pagkabigo, hindi tayo bibitaw. Sa kabila ng dilim, sisikat din ang araw.”

Kaakibat ang mensaheng iyan ng makadurog-pusong tribute video na "Tinig ng mga Nawalan," na pinangunahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Ito ay pagbibigay-pugay sa mga nawalan ng mahal sa buhay dahil sa COVID-19, mga nawalan ng trabaho dahil sa pagbabawas ng empleyado ng kumpanya, mga jeepney drivers na nawalan ng pagkakakitaan dahil sa tigil-pasada, at ang mga empleyado at talents ng Kapamilya network na nawalan ng trabaho dahil sa pagpapasara ng pamahalaang Duterte sa ABS-CBN.

Kalahok din sa tribute video sina Coco Martin, Vice Ganda, Angel Locsin, Enrique Gil, Liza Soberano, Bea Alonzo, Karla Estrada, Jolina Magdangal, Melai Cantiveros, Jericho Rosales, Beauty Gonzalez, Bianca Gonzalez, Enchong Dee, Robi Domingo, Jake Cuenca, Kylie Verzosa, Edward Barber, at Alex Gonzaga.

In-upload ang tribute video nitong Agosto 31, Biyernes ng 8:00 P.M., sa Facebook page ng ABS-CBN, at sa YouTube channels at Twitter accounts ng ABS-CBN Entertainment at ABS-CBN News.

Continue reading below ↓

Limang minuto at limang segundo (5:05) ang tribute video.

Bahagi pa ng mensahe nito, “Dumaranas man tayo ng sunud-sunod na pasakit, nananatili tayong matatag at mapagmalasakit. Sa mga kwento ng kabiguan, nakatala rin ang pagkakaisa.

“Kabilang dito ang kwento ng ilang mga Kapamilyang mawawalan ng trabaho dahil sa hindi pagbigay ng Kongreso ng bagong prangkisa sa Kapamilya network.

“Kasama ng direktor, dala nila ang mensahe ng pag-asa at pakikibaka sa kabila ng mga trahedya tulad ng mga buhay at hanapbuhay na nabuwis at nawala ngayong panahon ng pandemya...”

Ang musika ng "Tinig ng mga Nawalan" ay likha ni Thyro Alfaro.

Ang liriko ay akda nina Robert Labayen at Des Parawan.

Iprinodyus ito ng ABS-CBN Creative Communications Management (CCM), sa pamumuno ng creative heads na sina Robert Labayen at Johnny de los Santos, kasama ang direktor na si Paolo Ramos.

Ngayong Lunes, August 31, ang huling araw sa trabaho ng libu-libong empleyado ng ABS-CBN na na-retrench, at ngayong araw rin ang huling araw sa ere ng maraming programa sa radyo at telebisyon ng Kapamilya network.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

I can’t help but cry and feel for my co-workers sa ABS-CBN na naging casualty ngayong pandemya.

Kitang-kitang nadamay sila at naipit sa desisyon ng Kongreso, ayon sa kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte, na patayin ang prangkisa ng Kapamilya Network.

Bukas, Setyembre 1, Martes, sisimulan na ang registration ng mga bagong botante para sa susunod na eleksyon.

Gusto ko lang matandaan ng mga tao ang ginawa ng mga mambabatas sa mga kasamahan natin sa trabaho.

We will never forget them—the 70 who voted "Yes" to the resolution to reject the ABS-CBN franchise:

  1. Rep. Abraham Tolentino (Cavite 8th District)
  2. Rep. Antonio Albano (Isabela 1st District)
  3. Rep. Faustino Michael Dy (Isabela 5th District)
  4. Rep. Jose Antonio Sy-Alvarado (Bulacan 1st District)
  5. Rep. Cyrille Abueg-Zaldivar (Palawan 2nd District)
  6. Rep. Faustino Dy (Isabela 6th District)
  7. Rep. Dale Malapitan (Caloocan City 1st District)
  8. Rep. Eric Martinez (Valenzuela City 2nd District)
  9. Rep. Divina Grace Yu (Zamboanga del Sur 1st District)
  10. Rep. Julienne Baronda (Iloilo City)
  11. Rep. Anthony Peter Crisologo (Quezon City 1st District)
  12. Rep. Luis Ferrer IV (Cavite 6th District)
  13. Rep. John Marvin Nieto (Manila 3rd District)
  14. Rep. Strike Revilla (Cavite 2nd District)
  15. Rep. Samantha Louise Alfonso (Cagayan 2nd District)
  16. Rep. Rolando Valeriano (Manila 2nd District)
  17. Rep. Joaquin Chipeco Jr. (Calamba City, Laguna)
  18. Rep. Eduardo Gullas (Cebu 1st District)
  19. Rep. Eleandro Jesus Madrona (Romblon)
  20. Rep. Frederick Siao (Iligan City, Lanao del Norte)
  21. Rep. Ian Paul Dy (Isabela 3rd District)
  22. Rep. Gil Acosta (Palawan 3rd District)
  23. Rep. Weslie Gatchalian (Valenzuela City 1st District)
  24. Rep. Precious Castelo (Quezon City 2nd District)
  25. Rep. Alyssa Sheena Tan (Isabela 4th District)
  26. Rep. Christian Unabia (Misamis Oriental 1st District)
  27. Rep. Raymond Mendoza (TUCP Party-list)
  28. Rep. Jericho Nograles (PBA Party-list)
  29. Rep. Yedda Romualdez (Tingog Sinirangan Party-list)
  30. Rep. Eric Yap (ACT-CIS Party-list)
  31. Rep. Claudine Bautista (Dumper-PTDA Party-list)
  32. Rep. Esmael Mangudadatu (Maguindanao 2nd District)
  33. Rep. Enrico Pineda (1-PACMAN Party-list)
  34. Rep. Dulce Ann Hofer (Zamboanga Sibugay 2nd District)
  35. Rep. Sharon Garin (AAMBIS-OWA Party-list)
  36. Rep. Arnolfo Teves Jr. (Negros Oriental 3rd District)
  37. Rep. Janette Garin (Iloilo 1st District)
  38. Rep. Paulo Duterte (Davao City 1st District)
  39. Rep. Ferdinand Hernandez (South Cotabato 2nd District)
  40. Rep. Conrado Estrella III (ABONO Party-list)
  41. Rep. Prospero Pichay (Surigao del Sur 1st District)
  42. Rep. Roberto Puno (Antipolo City 1st District)
  43. Rep. Aurelio Gonzales (Pampanga 3rd District)
  44. Rep. Johnny Pimentel (Surigao del Sur 2nd District)
  45. Rep. Luis Villafuerte Jr. (Camarines Sur 2nd District)
  46. Rep. Raneo Abu (Batangas 2nd District)
  47. Rep. Dan Fernandez (Laguna 1st District)
  48. Rep. Rodante Marcoleta (SAGIP Party-list)
  49. Rep. Henry Oaminal (Misamis Occidental 2nd District)
  50. Rep. Pablo John Garcia (Cebu 3rd District)
  51. Rep. Deogracias ‘DV’ Savellano (Iloco Sur 1st District)
  52. Rep. Michael Romero (1-PACMAN Party-list)
  53. Rep. Ferdinand Martin Romualdez (Leyte 1st District)
  54. Rep. Jesus Crispin Remulla (Cavite 7th District)
  55. Rep. Juan Miguel Macapagal Arroyo (Pampanga 2nd District)
  56. Rep. Cristal Bagatsing (Manila 5th District)
  57. Rep. Juan Pablo Bondoc (Pampanga 4th District)
  58. Rep. Elpidio Barzaga Jr. (Cavite 4th District)
  59. Rep. Bernadette Herrera-Dy (BH Party-list)
  60. Rep. Xavier Jesus Romualdo (Camiguin)
  61. Rep. Josephine Lacson-Noel (Malabon City)
  62. Rep. Wilter Palma II (Zamboanga Sibugay 1st District)
  63. Rep. Ma. Theresa Collantes (Batangas 3rd District)
  64. Rep. Ria Christina Farin?as (Ilocos Norte 1st District)
  65. Rep. Camille Villar (Las Pinas City)
  66. Rep. Roger G. Mercado (Southern Leyte)
  67. Rep. Sharee Ann Tan (Samar 2nd District)
  68. Rep. Joseph Stephen Paduano (Abang Lingkod Party-list)
  69. Rep. Bayani Fernando (Marikina City 1st District)
  70. Rep. Jose Singson Jr. (Probinsyano Ako Party-list)
Continue reading below ↓

Nag-inhibit sina Rep. Alfred Vargas (Quezon City 5th District) at Rep. Micaela Violago (Nueva Ecija 2nd District), at nag-abstain si Rep. Alfredo Garbin Jr. (Ako Bicol Party-list).

Sana, hindi mangyari sa mga mambabatas na ito o sa kanilang pamilya ang mga dinaranas ng mga kapatid natin sa industriya—ang kawalan ng trabaho lalo pa ngayong panahon ng pandemya!

GORGY RULA

May ilang taga-ABS CBN ang nag-message sa FB account ko at pinaratangan akong walang malasakit. May nabanggit kasi akong kailangan nang mag-move on.

Maaring iba ang pagkaintindi nila sa sinabi kong iyon, pero noong pinasara pa lang ang ABS-CBN ay isa na ako sa nakikisimpatiya sa kanila.

Kung masakit sa kanila ang komento kong yun, hindi nila alam kung ano ang nasa puso ko. Marami akong kaibigan sa ABS-CBN na nakaka-text at nakakausap ko.

Siguro, ang isipin na lang natin, ang silver lining sa likod nito.

Marami pang mga bagong shows na sisimulan sa TV5, at karamihan sa staff ay taga-ABS-CBN, at nakakausap ko ang ilan sa kanila.

Continue reading below ↓

Abangan na lang natin ang bagong developments sa karamihang programang patuloy pa rin nating mapapanood.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinangunahan ng magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang "Para sa mga Nawalan" tribute video para sa mga nawalan ng trabaho at nawalan ng mahal sa buhay ngayong pandemya.
PHOTO/S: Courtesy of ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results