Noontime show nina Janno, Anjo, Kitkat magsisimula na sa September 14

by PEP Troika
Sep 1, 2020
Eat Bulaga alumni Janno Gibbs and Anjo Yllana join comedienne Kitkat in Net 25's new noontime show, Happy Time, which will premiere on September 14.
PHOTO/S: Courtesy of Net 25

JERRY OLEA

Ipinost ni Anjo Yllana ang poster ng noontime show nila nina Kitkat at Janno Gibbs na Happy Time nitong Agosto 31, Lunes ng 11:25 P.M., sa kanyang Facebook at Instagram accounts.

Nasa poster ang pagsisimula ng programa sa Setyembre 14, at mapapanood ang noontime show Lunes hanggang Biyernes, 12:00 NN-2:00 P.M., sa Net 25.

Continue reading below ↓

OK lang ba kay Kitkat na nadagdag si Janno sa main hosts ng programa?

“Opo naman, ako pa rin ang prinsesa nila hehehe. THE MORE THE ‘MANIER’! Ha! Ha! Ha! Ha!” mabilis na tugon ni Kitkat nang maka-chat namin nitong Setyembre 1, Martes, via Messenger.

“Masaya po kami ni Kuya Anjo pag magkasama, lalo pa ngayon, may Janno pa. Mas maraming kabatuhan, mas masaya.”

Ano ang feeling niyang kasado na ang paghahatid nila ng saya at pag-asa sa Happy Time?

“Hahahah kinakabahan ako na super-excited. Hehehe tuwing perform naman po, lagi akong kabado,” saad ni Kitkat.

“Then, mas nagiging havey ang performance hehehe. Yehey!!!”

Mula ngayong Martes hanggang weekend, magda-dry run na sina Anjo, Kitkat, at Janno kasama ang staff ng Happy Time.

Teka! Tuloy na ba ang noontime show ng TV5 na pangungunahan ng isang maswerteng Kapamilya actor-host?

GORGY RULA

Ayon sa ilang nakatsikahan naming may alam sa nagaganap sa Net 25, maganda ang offer nila kay Anjo.

Continue reading below ↓

Hindi lang itong show ang responsibilidad niya kundi pati raw sa konsepto nito.

Pati ang mga kasama sa show at staff ay siya raw ang may final say. Kaya sinunod ang request niyang isama si Janno.

At least, nabigyan si Anjo ng magandang break dahil hindi na siya nagagamit sa Eat Bulaga.

Siguro, kumuha si Anjo ng mga magagaling na writers para sumama sa creative team niya. Kailangan nila ng mga bagong konsepto na patok sa masa. Hindi yung mga recycled segments at games!

Kasi, sa title pa lang ng show nila na Happy Time, parang hindi naman ako ganun ka-happy.

Pero alam niyo bang si Janno, magaling gumawa ng mga kanta? Mabilis siyang makapag-isip ng kanta na tugma sa isang pangyayari o selebrasyon.

Sana, magamit ang talent niyang ito sa ilang segments ng kanilang show na happy lang panoorin.

Sana, may bago tayong mapanood sa kanila. Sa "Bawal Judgmental" segment pa lang kasi ng Eat Bulaga, mahirap na itong tapatan.

Continue reading below ↓

Pero alam kong wala silang balak na makipagtapatan.

Maganda rin yung marami tayong napapanood, lalo na kapag magsimula na rin itong noontime show ng TV5.

NOEL FERRER

Sabi ko nga dati pa, basta may bagong episodes that will give decent and honest work sa mga kababayan natin ngayong panahon ng pandemya, susuportahan natin.

Kakatwa na dalawang alumni ng Eat Bulaga! (sina Anjo at Janno) ay magkakasama dito sa Happy Time.

Si Anjo, nakapagpaalam naman nang maayos.

Si Janno, hindi ko na maalala ang dahilan kung bakit siya tinanggal dati sa Eat Bulaga.

At least now, may bago silang platform.

May they let this program work. Good luck, everyone!!!

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eat Bulaga alumni Janno Gibbs and Anjo Yllana join comedienne Kitkat in Net 25's new noontime show, Happy Time, which will premiere on September 14.
PHOTO/S: Courtesy of Net 25
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results