Pagpapa-convert ni Anjo Yllana sa INC, may kinalaman sa pagpasok niya sa Net 25?

by PEP Troika
Sep 3, 2020
Anjo Yllana: “Ako po ay hindi po ako pinipilit po to join in INC… but it was my choice po na magpa-doktrina po ako ngayon. Kasi, gusto ko po magpa-doktrina, pero wala pong sapilitan to join in INC."
PHOTO/S: Screen grab from DZRH

GORGY RULA

Nilinaw ni Anjo Yllana na sarili niyang desisyon ang magpa-convert sa Iglesia ni Cristo (INC).

Dating Katoliko si Anjo.

Si Anjo ang main host sa bagong noontime show na Happy Time na magsisimulang mapanood sa September 14, Lunes, 12:00 NN-2:00 P.M., sa Net 25. Makakasama niya rito sina Janno Gibbs at Kitkat.

Ang Net 25 ay ang pag-aaring TV station ng INC.

Kinorek kami ni Anjo sa una naming sinabi na siya ang pumili kay Janno bilang co-host sa naturang noontime show. Talagang desisyon daw iyon ng management na kunin si Janno para makasama nila ni Kitkat.

Ang inamin ni Anjo ay nag-apply siyang maging consultant sa ilang programa ng Net 25 dahil marami pang mga programang sisimulan ang Eagle Broadcasting Company.

“Consultant na, in a way, suggestions, na tulungan ko sila kung sino ang artista na puwede pong makasama po doon sa project.

“Saka ako na rin po yung ano… inalok ko na rin po yung sarili... na ako na kakausap sa mga artista, sa staff.

Continue reading below ↓

“Ako na rin po ang nag-TC na first time ko pa lang ginawa. Na-enjoy ko naman po ang maging TC o talent coordinator,” saad ng comedian-host nang nakapanayam namin nitong Martes ng gabi, September 3, sa programa namin sa DZRH.


Tinanong namin si Anjo kung kinakailangan ba niyang maging miyembro ng INC ngayong may trabaho siya sa Net 25.

Continue reading below ↓

Sagot niya, “Unang-una po, ang Eagle Broadcasting Company, ang Net 25 for Eagle Broadcasting Company is a company po.

“Pag sinabing company, ibang-iba po ang ano niyan… nasa committee po iyan. Although marami po akong katrabaho na INC. Sa show itself, marami rin po akong katrabaho na hindi rin po INC.

“Ako po ay hindi po ako pinipilit po to join in INC… but it was my choice po na magpa-doktrina po ako ngayon.

"Kasi, gusto ko po magpa-doktrina, pero wala pong sapilitan to join in INC."

Paliwanag pa ni Anjo, “Ako po ay dinodoktrina ngayon because I want to know working with NET 25 na, sabi nga, marami po akong katrabaho rito na INC, but some are hindi naman po. Marami po tayong kapatid na nagtatrabaho dun.

"Ako po, gusto ko pong malaman yung kultura nila kaya ako po ay nagdesisyon na magpa-doktrina sa INC.”

Hindi pa raw masasabing miyembro na ng Iglesia ni Cristo si Anjo. Nasa proseso pa raw ito, at tingin niya ay matagal-tagal pa bago siyang maging INC member.

Continue reading below ↓

“Ngayon siguro, kung merong 20 stages, dito pa lang po ako sa fifth stage ng doktrina.

“So far, ako, I’m opening my mind, I’m opening my heart, na in the future, kung ano ang magiging desisyon ng aking heart, iyon po ay Divine Intervention na yun,” dagdag na pahayag ni Anjo.

NOEL FERRER

Napakinggan ko ang interview na ito ni Anjo kagabi.

Sa move ni Anjo na ito, pwedeng sabihing na-master na niya ang magpalipat-lipat.

Una, galing sa Kapamilya network, lumipat siya bilang Kapuso at Dabarkads. 'Tapos ngayon, magiging miyembro ng Kapatiran ng INC sa Net 25.

Pati sa pagiging public servant, nagpalipat-lipat na rin si Anjo. Mula Quezon City, lumipat sa Parañaque, at ngayon, sa San Juan.

Sana makahanap na si Anjo ng mapipirmihan this time.

Good luck sa kanyang bagong Net 25 noontime show at iba pang aktibidades!

JERRY OLEA

Muslim si Robin Padilla pero may programa siya sa Net 25, ang UNLAD: Kaagapay sa Hanapbuhay.

Continue reading below ↓

Ang nasabing programa ay tungkol sa agrikultura, industriya, at kabuhayan. Nag-premiere ito noong Hulyo 26, Linggo ng 7:00 P.M., sa Net 25.

“Magkapatid” na sina Anjo at Robin sa nasabing TV station, at inaasam nating wala nang anumang gusot sa kanilang pagitan.

Napaghilom na siguro ng panahon ang himutok ni Robin sa biro ni Anjo tungkol kay Rustom Padilla noong 1993 sa set ng Palibhasa Lalake.

Dalawampu’t pitong (27) taon na ang lumipas. Madadaan nila sa usapang lalake ang lumang isyu.

Palibhasa may hanash din si BB Gandanghari (bagong katauhan ni Rustom) sa kapatid na si Robin, posible kayang maging mabuting magkaibigan sina Robin at Anjo?

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

RELATED STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Anjo Yllana: “Ako po ay hindi po ako pinipilit po to join in INC… but it was my choice po na magpa-doktrina po ako ngayon. Kasi, gusto ko po magpa-doktrina, pero wala pong sapilitan to join in INC."
PHOTO/S: Screen grab from DZRH
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results