Harlene Bautista, one month na ang relasyon sa anak ni Kuya Germs na si Federico Moreno

by PEP Troika
Sep 5, 2020
Sa kabila ng pandemic, nakahanap ng pag-ibig sa isa't isa ang actress-film producer na si Harlene Bautista at ang anak ni Kuya Germs na si Federico Moreno.
PHOTO/S: Facebook

NOEL FERRER

Noong full moon, nag-text-an kami ni Harlene Bautista.

Nabalitaan kasi nating hiwalay na siya kay Neil Eugenio, na dati niyang kasamahan sa TV program na That’s Entertainment.

Ang sabi niya sa akin, “Noel, napakabait ni God at napakabait niya!"

At ngayong Setyembre 5, Sabado ng 8:30 P.M., lumabas ang totoo sa Facebook post mismo ng bagong nagmamahal sa kanya—si Federico Moreno.

Si Federico ang adopted son ng yumaong Master Showman na si German "Kuya Germs" Moreno.

Ayon sa caption ni Federico sa larawan nila ni Harlene, “Happy 1st Monthsary” ang date nila ngayong gabi sa Tomatito sa BGC, Taguig City.


Continue reading below ↓

Ang saya ko lang na dalawang mabuting kaibigan ko ang masayang-masaya ngayon!

JERRY OLEA

Nag-post din si Harlene sa Facebook kaugnay sa monthsary date nila, “Everything is clearer, lovelier and more right because of you. Looking forward to spending more of life with you. I love you, Freddie. (heart emoji)”

May kasunod agad itong another Facebook post ni Harlene, “Happy 1st month, my love. #blessed #love I never thought life would be sweet again. Thank you. (3 heart emojis)”


Continue reading below ↓

GORGY RULA

Di ba, napag-usapan na natin kamakailan lang na tila may namamagitan sa kanilang dalawa?

Haba nga ng hair ni Harlene, kara-karaka may na-in love agad pagkatapos ng breakup sa past relationship!

Ang dami nang nakapansin na love nina Harlene at Federico ang isa't isa.

Hindi raw totoong magkasosyo sila sa iprinodyus ng Heaven's Best na My First and Always nina Rita Daniela at Ken Chan.

Sa totoo lang, mas mabuting huwag na silang magsosyo sa negosyo. Mas pangalagaan na lang nila ang kanilang relasyon.

Tiyak na matutuwa riyan si Kuya Germs, di ba?

JERRY OLEA

Kabilang sina Ricky Davao at Ken Chan sa mga bumati ng “happy monthsary” kina Harlene at Federico.

Bata pa lang sina Federico at Harlene ay magkakilala na sila, dahil si Federico ay anak ni Kuya Germs, na main host ng That’s Entertainment.

Matagal nang hiwalay si Federico kay Sheila Magdayao, na kapatid nina Vina Morales at Shaina Magdayao.

Continue reading below ↓

Medyo matagal na ring hiwalay si Harlene sa asawa niyang si Romnick Sarmenta.

Nakaka-good vibes ang “love in the time of pandemic” nina Federico at Harlene!

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa kabila ng pandemic, nakahanap ng pag-ibig sa isa't isa ang actress-film producer na si Harlene Bautista at ang anak ni Kuya Germs na si Federico Moreno.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results