PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mark Bautista, ayaw magkomento sa mga rebelasyon ni BB Gandanghari

Mark Bautista: "That’s her story, hindi ako puwedeng mag-comment."
by PEP Troika
Published Sep 24, 2020
Mark Bautista on celebrities' revelations in social media: "So, lahat ngayon, naglalabas sa social media. Talagang papansinin at papansinin kahit maliliit na bagay. So, depende na kung… sabi nga nila, just choose your battle kung ano ang gusto ninyong pag-usapan o gusto niyong i-tackle. Nasa sa ‘yo na iyan."
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

“Shucks!” ang initial reaction ni Mark Bautista nang hiningan ko siya ng kahit konting komento tungkol sa mga rebelasyon ni BB Gandanghari sa YouTube channel nito.

May ilan pa kasing nadadamay, kahit nananahimik sila.

Unlike nang inilabas ni Mark Bautista ang kanyang librong Beyond The Mark noong 2018, may pasabog din siya—ang pagiging "intimate" nila ng kanyang "guy friend"—pero hanggang dun lang at hindi na niya dinagdagan pa.

Kaya pagdating dito sa patuloy pa ring pinag-uusapang mga payanig ni BB, tikom na lang ang bibig ng male balladeer.

“Ayokong mag-comment, kasi istorya nila iyan. So, wala akong… yeah!

"That’s her story, hindi ako puwedeng mag-comment. Yun lang," tipid niyang sagot nang nakatsikahan namin sa virtual presscon ng All-Out Sundays nitong Huwebes ng hapon, September 24.

Umayon si Mark sa sinabi kong maaaring dala na rin siguro ng pandemic kaya nauungkat ang mga lumang isyu. May mga nabubuhay na intriga at muling pinag-uusapan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dala na rin kaya ito ng boredom dahil sa tagal natin sa quarantine?

“Lahat kasi ngayon, naka-focus sa social media.

"So, lahat ngayon, naglalabas sa social media. Talagang papansinin at papansinin kahit maliliit na bagay.

"So, depende na kung… sabi nga nila, just choose your battle kung ano ang gusto ninyong pag-usapan o gusto niyong i-tackle. Nasa sa ‘yo na iyan,” sabi pa ni Mark.

May ilan pa sana akong follow-up questions pero tinuldukan na ni Mark, at sinabing ayaw niyang magsalita tungkol sa isyu ni BB.

Mas naka-focus daw si Mark sa paghahanda nila sa All-Out Sundays, na babalik na sa studio simula September 27, Linggo, 12:00 NN-1:45 P.M.

Medyo challenging ito sa kanila dahil kailangang may bago at mas exciting na mapapanood sa kanilang Sunday variety-comedy show, kung saan sa studio at stage na sila ulit magpi-perform.

Siyempre, hindi ito kagaya noong normal pa ang lahat, dahil mahigpit at kailangang sundin ang safety protocols at guidelines.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Excited si Mark sa Boyz II Men tribute kasama ang special guests nilang BuDaKhel na sina Bugoy Drilon, Daryl Ong, at Michael Pangilinan.

JERRY OLEA

“A man sets out on a journey, dreaming of a beautiful or magical place, in pursuit of some unknown treasure. At the end of his journey, the man realizes the treasure was with him the entire time.”

Sabi iyan ng Brazilian novelist na si Paulo Coelho sa allegorical novel niyang The Alchemist (1988).

Siyempre, English translation na ang quotation iyan, na nasa umpisa ng libro ni Mark.

Angkop ang nasabing quotation maging kina Rustom/BB at “Jonathan” (codename sa famous actor na nakahalikan ni Rustom noong 2001 sa Amerika).

Pati ba sa Kapuso musical-comedy-variety program na All-Out Sundays?

Beautiful or magical kaya ang mga bagong paandar ng AOS?

The party kicks off with performances from Alden Richards, Gabbi Garcia, Miguel Tanfelix, Kyline Alcantara, Ruru Madrid, Derrick Monasterio, and Mark Bautista.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kasunod nito ang pasiklab ng The Clash graduates (Jeremiah Tiangco, Thea Astley, Garrett Bolden, XOXO, Golden Cañedo), The Clash Masters (Julie Anne San Jose and Rayver Cruz), The Clash Journey Hosts (Ken Chan and Rita Daniela), at The Clash Judges (Ai-Ai delas Alas, Christian Bautista, at Lani Misalucha).

“Pasa Mode” ang bagong palaro kung saan magtatagisan ang dalawang tandem. Magkakampi ang lovebirds na sina Bianca Umali at Ruru Madrid, kontra kina Kyline Alcantara at Rayver Cruz.

NOEL FERRER

Trust Mark Bautista to be more tactful and mas payapa ang buhay, at hindi sasawsaw sa kontrobersiya.

Nami-miss na natin si Mark bilang concert at theater artist. Pero gusto ko ring tikman at subukan ang mga gjnagawa niyang cakes at breads (pandesal).

‘Yan ang pagkakakilala natin kay Mark—isang simple at maayos na tao at kaibigan, na hahanap at hahanap ng gagawing kapaki-pakinabang dahil secure siya sa kung ano siya, at kung ano meron siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mark Bautista on celebrities' revelations in social media: "So, lahat ngayon, naglalabas sa social media. Talagang papansinin at papansinin kahit maliliit na bagay. So, depende na kung… sabi nga nila, just choose your battle kung ano ang gusto ninyong pag-usapan o gusto niyong i-tackle. Nasa sa ‘yo na iyan."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results