PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sinu-sinong mga anak ng artista ang mag-o-audition sa pelikulang Anak Ng Macho Dancer?

Sexy photos ng Video Call Boys ng Lockdown, kumakalat na.
by PEP Troika
Published Sep 28, 2020

JERRY OLEA

Matapos mag-shooting ng pelikulang Lockdown noong Setyembre 7-14 sa Cavite, naghahanda na si Direk Joel Lamangan sa shooting ng isa pang matapang at mapangahas na pelikula... ang Anak ng Macho Dancer.

“Ang pagtulong ng anak sa amang dating macho dancer na nasa gitna ng hirap at pagkakasakit sa panahon ng Covid,” text back ni Direk Joel nitong Setyembre 28, Lunes ng umaga, matapos kong uriratin kung ano ang essence ng bago niyang movie.

“Ang malalim na relasyon ng mag-ama na di natinag ng kahirapan!”

Take note na gumanap si Direk Joel bilang Mother ng mga barakong mananayaw sa launching movie ni Allan Paule (billed as Alan Paule) na Macho Dancer (1988), sa direksIyon ni Lino Brocka.

Sequel ba ng Macho Dancer ang Anak ng Macho Dancer?

Pag-amin ni Direk Joel, “May pagka dahil kasali rito ang mga karakter nina William Lorenzo, Jaclyn Jose, at Alan Paule!”

Ipoprodyus ng The Godfather Productions ang Anak ng Macho Dancer, at ikinakasa na ang shooting nito sa Oktubre.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May CASTING CALL ito para sa mga mapangahas na LALAKI at BABAE—lead roles, secondary roles, at supporting roles.

Ang mag-a-audition ay dapat edad 21 hanggang 30, may hitsura, at plus factor kung may karanasan sa pag-arte.

Sa mga interesado, magdala ng RESUME, HEAD SHOT at FULL BODY PHOTO sa audition sa Setyembre 30, Miyerkules, 2:00-5:00 P.M. sa Sikat Studio, #305 Tomas Morato Avenue, Bgy South Triangle, Q.C. Tapat ito ng Starbucks sa Imperial Palace Suites, malapit sa Timog Avenue.

“Strict social distancing will be observed during audition. Merong temperature checking, at unli ang alcohol. Siyempre, naka-face mask at face shield dapat ang mag-a-audition,” sabi ng line producer na si Dennis Evangelista nitong Lunes ng umaga via Messenger.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Dennis din ang line producer ng pelikulang My First and Always, kung saan bida sina Ken Chan at Rita Daniela, na nag-lock in shooting recently sa Pagsanjan, Laguna, sa direksiyon ni Louie Ignacio.

Ka-tandem din ni Direk Joel si Dennis sa Lockdown, na launching movie ng 22-anyos na si Paolo Gumabao.

Ganoon din sa sexy drama na Unfaithful Nights, na launching movie ng Braless Goddess na si Sunshine Guimary.

Para sa mga katanungan sa audition ng Anak ng Macho Dancer, makipag-alam kay Bb. Katya sa CP# 09661386440.

GORGY RULA

Kung ang kuwento ng Anak ng Macho Dancer ay tumatakbo sa kuwento ng pandemya, parang hindi na yata nauuso ang macho dancer ngayon.

Siguro, virtual show na lang at ang iba ay napapanood online. Kahit bago mag-pandemya, mas nauuso ang mga exotic dancer na nagpi-perform sa private parties, kagaya ng bridal shower at iba pang parties ng mga sosyal, na ginagamit ang hunk models at sexy dancers.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Napanood ng karamihan sa atin ang Netflix series na Toy Boy, kung saan tinalakay ang kuwento ng involvement ng male stripper sa buhay ng mga mayayaman at powerful na tao.

Maganda rin siguro kung matalakay sa Anak ng Macho Dancer ang involvement ng main character sa mayaman at maimpluwensiyang tao.

Yung may mapapanood ka ring kasosyalan ng macho dancer, hindi yung madadalirot na naman ang kahirapan ng taumbayan.

Given na iyan, e. Ilang beses na nating napanood iyan.

NOEL FERRER

Tama naman, kahit wala pang kasiguraduhan kung mangangahas na ba ang mga tao para manood ng sine sa theaters, this is a time to create. Pero ibayong ingat pa rin, lalo na sa health protocols.

Parang ganado talaga ang grupo nina Direk Joel at Dennis sa pagsu-shoot, ha?!

OK naman iyan, basta ingat lang talaga at bawal magkasakit—lalo na ang mga senior at immunocompromised!

Kasama sa legacy project ng yumaong National Artist na si Lino Brocka ang Macho Dancer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sana, marating ng anak ng pelikulang ito ang narating ng original na obra ni Brocka!

JERRY OLEA

Dahil Anak ng Macho Dancer ang movie, sinu-sino kayang anak ng artista ang pwede rito?

Ang anak ni Wendell Ramos na si Saviour Ramos ay 21 anyos na. Kaso, ni hindi ito nag-butt exposure sa episode nila ni Miggs Cuaderno sa Unlocked anthology ni Direk Adolf Alix Jr.

Ang anak ni Mark Anthony Fernandez na si Grae Fernandez ay 18 anyos pa lamang.

Ang isang anak ni Eric Fructuoso ay nag-audition na four years ago nang unang balakin ang Anak ng Macho Dancer. That time, hindi pa ito ready sa bold scenes dahil minor pa ito noon.

Artistahin ang binata nina Miguel Moreno at Brigitte de Joya, kaso 18 anyos pa lang din ito.

At any rate, malamang na parehong maging kontrobersiyal itong Lockdown at Anak ng Macho Dancer.

Ine-edit pa lang ang Lockdown, pero nagli-leak na ang sexy photos ng Video Call Boys sa chat groups ng mga bading.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nagulat ako, iyong pictures namin, nasa GC ng M2M kung saan mga bold at scandal ang nakalagay,” himutok ng indie actor na si Neil Suarez, isa sa Video Call Boys ng Lockdown.

Ang nakakalokah pa, may impostorang Joel Lamangan na nagpi-friend request sa Facebook.

Iisa lang ang FB account ni Direk Joel, at matagal na iyon. Kaya mag-ingat kayo sa pekeng Joel Lamangan!

MORE PEP TROIKA STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results