Game Ka Na Ba sa bagong hosting job, Robi Domingo?

by PEP Troika
Oct 4, 2020
Parang birthday gift for Robi Domingo ang pagkakapili sa kanya bilang bagong host ng Game Ka Na Ba? Nag-celebrate ito ng 31st birthday noong September 27, 2020.
PHOTO/S: @iamrobidomingo on Instagram

NOEL FERRER

From the Game Ka Na Ba? (GKNB) tradition anchored by seasoned hosts Kris Aquino and Edu Manzano, I am just proud that a really competent and knowledgeable host like Robi Domingo is taking over the reins in hosting the award-winning game show.

"Magsisimula na ito sa October 12 sa Jeepney TV at sa Kumu, and you can just imagine kung gaano kalaki ang ligaya ko when they told me about this assignment.

"Kasi, I experienced being a contestant sa GKNB, at doon pa lang, matinding presence of mind na talaga dahil kahit alam mo ang sagot, kapag tinatamaan ka na ng ilaw, nakakataranta at nakaka-pressure yun, what more kung ikaw pa ang host.

"Days after I was informed na I will be the new GKNB host, nandoon pa rin ang ngiti, at talagang challenge ito para pagbutihan ko talaga.

"Kahit super kabado ako, I’m sure, they’ll see through the Robi who never stopped learning,” sabi ni Robi nitong Oktubre 4, Linggo, via direct message.

Continue reading below ↓

Robi finished BS Health Sciences degree sa Ateneo de Manila University in 2012 na dapat nagsilbing pre-med course niya, pero naiba ang takbo ng buhay niya nang sumali siya sa Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus (2008).

First runner-up siya ni Ejay Falcon.

Naging MYX VJ siya at pagkatapos noon ay nahasa bilang mahusay na presentor-host habang nananatiling good role model sa mga kabataang katulad niya.

Congratulations, Robi, for this well-deserved assignment. We are all happy to see you succeed!

JERRY OLEA

Magandang regalo sa ika-31 kaarawan ni Robi noong Setyembre 27, 2020, ang pagkapili sa kanya bilang host ng GKNB.

Naging pambansang game show ang GKNB, at nagpaiba-iba ang format nito sa bawat season.

Interesting sa latest incarnation ang dynamics ng programa sa ilalim ng new normal. Pasiklab pa rin kaya ang mga papremyo rito kahit sa Kumu at Jeepney TV ito mapapanood?

Maglalaro kaya rito ang ex ni Robi na si Gretchen Ho? Abangan!

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Tama rin naman ang mga game shows ngayong pandemya. Masayang panoorin at nahahasa pa ang utak kahit paano.

Medyo bitin kasi ang two game shows ng TV5. Mapapanood kaya ito sa free TV?

May mga kiyemeng teaser na kasi sa Tiktok na sa Zoe, Channel 11, na mapapanood ang ABS-CBN .

Pero heto pa, may nilulutong bagong daily show ngayon ang isang TV network somewhere in Quezon City na mga komedyante ang rarampa nang bonggang-bongga.

Pinakiusapan ako na wala munang clue dahil hinihintay pa ang contract-signing. Abangan din natin iyan!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Parang birthday gift for Robi Domingo ang pagkakapili sa kanya bilang bagong host ng Game Ka Na Ba? Nag-celebrate ito ng 31st birthday noong September 27, 2020.
PHOTO/S: @iamrobidomingo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results