Metro Manila mayors tutol sa pagbubukas ng sinehan ngayong Pasko

by PEP Troika
Oct 9, 2020
Dahil tutol ang Metro Manila mayors na buksan ang mga sinehan dahil sa banta ng COVID-19, magiging online ang Metro Manila Film Festival (MMFF) this 2020.
PHOTO/S: File

NOEL FERRER

Malaki ang posibilidad na hindi magbubukas ang mga sinehan—tulad ng inaasahan—sa Disyembre kaya itutuloy ang taunang Metro Manila Film Festival (MMFF) pero ONLINE na ito.

Truth be told, the MMFF and CEAP (Cinema Exhibitors Association of the Philippines) will make a last-ditch push for cinemas to open in December.

It is a difficult task, kasi, almost all of the Metro Manila mayors as well as key members of the IATF-NTF were opposing the idea.

Truth be told, tanging si Mayor Isko Moreno lamang ang bukas sa posibilidad na mag-open ang sinehan sa MMFF with four strict conditions: (1) mandatory masks (2) social and physical distancing (3) no talking (4) no eating inside the cinemas.

Pero noong nalaman niya ang posibilidad ng pagkakaroon ng ONLINE service para sa taunang festival, binawi niya ang kanyang boto, at ang sabi’y mas maganda at safe na alternative ang ONLINE MMFF.

Malaking balita ito dahil pagpapatuloy ito ng tradisyon nating mga Pilipino na manood ng bagong sine kasama ng pamilya.

Continue reading below ↓

Sa pagpili ng streaming service, inaasahang matutugunan ang concerns tungkol sa security, partikular na rito ang masawata ang piracy; revenue sharing, na ngayo’y mas malaki na ang kikitain ng producers at filmmakers; comprehensive marketing support at educational component, lalo na kung magkakaroon ng talkback, meet-up, at feedback sessions with the audiences and filmmakers via Zoom.

As no one can stop Christmas, kaakibat nito ang taunang MMFF, at isang malaking consideration din ang pagtulong nito sa beneficiaries, tulad ng Mowelfund, at pagtulong din sa ekonomiya with the revenue that can be used sa pandemic responses.

At ang isang malaking kunsiderasyon din, after 10 months of lockdown, kailangan natin ng maganda at masayang libangan para sa ating mga kababayan.

Pelikula ang isa sa mga mabisang paraan para na rin sa ikabubuti ng ating mental health.

GORGY RULA

Ang scenario talaga pagsapit ng Pasko ay sama-sama ang buong pamilya sa pag-iikot sa mga ninong at ninang ng kanilang mga anak.

Continue reading below ↓

Pagkatapos niyon ay tutuloy sila ng Luneta o sa mall, at ang madalas na pinupuntahang entertainment sa loob ng mall ay ang mga sinehan.

Kaya dagsa ang mga taong pumipila sa mga MMFF entry na gusto nilang panoorin.

Iba na ang buhay natin ngayon.

Okay na rin siguro na sa bahay na lang ang buong pamilya.

Kung online na mapapanood ang MMFF entries, tuloy pa rin ang bonding ng pamilya sa araw na iyun.

Bongga ang binge watching ng mga pelikulang ipalalabas sa digital stream ng MMFF. Ganoon na ang bagong normal.

Kaya sana, baka puwedeng pamasko na ng gobyerno na palakasin na ang Wi-Fi sa ating bansa para ma-enjoy natin ang walong pelikulang ito.

Ang Pilipinas ang isa sa pinakamalakas sa social media, pero isa rin sa may mahinang Wi-Fi connection. Sana, itong Wi-Fi ang i-push ng mga alkalde ng buong bansa.

Ang isa pang curious ako ay kung paano gagawin ang parada na mapa-practice pa rin ang social distancing. Puwede kayang wala nang magarbo at malalaking karosa?

Continue reading below ↓

Mga main casts na lang ang isasali sa parada na bigyan sila ng tig-iisang sasakyan na convertible o top down na kung saan doon na si artista kakaway-kaway sa fans na dapat kontrolado rin ng mga kapulisan at hindi magkakasiksikan.

Maiksi na lang dapat ang iikutan, para mairaos lang ang tradisyon na parada bago magbukas ang walong pelikulang kalahok.

JERRY OLEA

Quezon City ang host city ng 46th MMFF.

Malamang na ang Parada ng mga Bituin ay mula Welcome Rotonda, babagtas ng Quezon Avenue patungong Quezon Memorial Circle. Tingnan natin kung isasagawa iyan ni Mayor Joy Belmonte, at kung paano.

Ang Gabi ng Parangal ay online, at pamamahalaan ng Viva.

CEAP (the theater group) is not opposing given the situation now.

Of course, they are sad because MMFF is probably the only time aside the international movies and occassional blockbuster films na nakakabawi sila sa lugi nila the whole year.

Continue reading below ↓

Pero once magbukas sila ulit, susuportahan natin sila para makabangon.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dahil tutol ang Metro Manila mayors na buksan ang mga sinehan dahil sa banta ng COVID-19, magiging online ang Metro Manila Film Festival (MMFF) this 2020.
PHOTO/S: File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results