Maja Salvador, idinetalye kung bakit sumunod kay Mr. M sa TV5

by PEP Troika
Oct 12, 2020
Maja Salvador, ipinaliwanag na hindi lang ang sarili ang inisip sa kanyang desisyong umalis ng ASAP sa ABS-CBN at lumipat sa Sunday Noontime Live ng TV5.
PHOTO/S: @iammajasalvador Instagram

GORGY RULA

Hindi raw matanggihan ni Maja Salvador ang kanyang tatay-tatayan na si Johnny Manahan kaya tinanggap niyang maging bahagi ng bagong Sunday musical-variety show ng TV5, ang Sunday Noontime Live, na iprinodyus ng Brightlight Productions.

Si Johnny Manahan, o mas kilala bilang Mr. M, ay dating chairman emeritus ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

Si Mr. M din ang direktor ng ASAP mula nang magsimula ito noong 1995 hanggang sa nitong umalis siya sa poder ng ABS-CBN.

Si Mr. M ngayon ang huhulma ng Sunday Noontime Live sa TV5.

Bukod pa riyan, iniisip din daw ni Maja ang mga nawalan ng trabaho na makakapagtrabaho na sa mga bagong shows ng Brightlight, ang production company na pag-aari ni dating Negros Occidental Congressman Albee Benitez.

Kaya wala raw siyang pagsisisi na iniwan niya ang ABS-CBN at tinanggap itong programa sa TV5.

“I’m very grateful and blessed na may Brighlight, and thankful ako kay Mr. M for trusting po in me.

Continue reading below ↓

“Siguro, magkakaroon ako ng regrets kung sarili ko lang ang inisip ko.

“Isang malaking bagay na napa-oo sa akin ay yung makakatulong po ako ng mga kapamilya na nawalan ng trabaho,” pahayag ni Maja sa virtual mediacon ng TV5 nitong Oktubre 12, Lunes ng hapon.


Maayos daw ang pagpapaalam niya sa mga taga-ABS-CBN.

Continue reading below ↓

At kahit makakatapat ng Sunday Noontime Live ang ASAP Natin ‘To, paulit-ulit siyang nagpapasalamat na nakilala siyang Maja Salvador dahil sa nasabing programa.

“I will always be grateful dahil hindi po ako makikilala sa pagsasayaw, hindi po ako naging Maja Salvador kung hindi po sa ASAP.

“For 17 years, wala akong ibang ginawa every Sunday kundi sumayaw nang sumayaw.

“Forever grateful po ako sa inyo,” madamdamin niyang pahayag.

Dagdag ni Maja, “Since ang aking tatay, si Mr. M po ay talagang naglambing, kailangan ko po siyang samahan.

“Parang hindi po ako makatanggi kay Mr. M, lalo na via Zoom, sinabi niya, ‘Maja, kailangan kita.’ How can I say no to him?

“Of course, my ASAP family, my bosses in ABS-CBN, naiintindihan nila lahat. Hindi naman po ako lalabas dito, tanggapin ang show na ‘to kung hindi maayos po yung pag-uusap ng lahat.

“Parang at the end of the day, ramdam ko na pamilya talaga kami. Ang pamilya ay iniintindi ang bawat isa at pangangailangan ng bawat isa.”

Continue reading below ↓

May pasabog daw sila sa Sunday Noontime Live, at isa raw sa bagong gagawin niya ay mapapakanta siya rito.

Kasama ni Maja sa weekly blocktimer show sina Piolo Pascual, Catriona Gray, Donny Pangilinan, at Jake Ejercito.

Magsisimula na ito sa October 18, Linggo, kasabay ng iba pang mga bagong programa ng Brightlight Productions para sa bigger, better ber-months ng TV5.

NOEL FERRER

Nangyayari naman ang tapatan ng mga dating magkakatrabaho, at lagi kong sinasabi na pagandahan na lang at ang audience ang magbe-benefit dito.

Ito lang ang gusto kong itanong—na tanong din ng TV5 sa producers nito nang ipinitch ang bagong programang ito:

Bakit sa dinami-dami ng timeslots (na puwede namang gawing primetime o basta ibang oras o araw na wide open naman talaga), bakit magtatapatan ng show ang dating creator at kabahagi nito?

Bilang dating kasama sa nagbuo ng orihinal na ASAP, medyo nagulat ako na mangyayari ito. At heto na nga... magaganap na sa Linggo!

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Ramdam na natin ang mga pagbabago sa TV5.

Back-to-back nang mapapanood ang Fill in the Bank at Bawal na Game Show tuwing Lunes, Martes, at Huwebes sa Kapatid Network

. Ang Fill in the Bank nina Jose Manalo at Pokwang ay mula 7:00-8:00 p.m.


Samantalang ang Bawal na Game Show nina Paolo Ballesteros at Wally Bayola ay eere mula 8:00-9:00 p.m.

Continue reading below ↓


Nabago ang time slots ng dalawang game shows na ito dahil sa reality show na Masked Singer Pilipinas, na mag-uumpisa sa Oktubre 24, Sabado, 7:00 p.m. sa Singko.


Continue reading below ↓

Ang teledramang I Got You nina Beauty Gonzalez, RK Bagatsing, at Jane Oineza ay magsisimula sa Oktubre 18, Linggo ng 2:00-3:00 p.m., pagkatapos ng Sunday Noontime Live.


Ang comedy show na Sunday Kada ay magpapasiklab na sa Oktubre 18, Linggo, 3:00-4:00 p.m. Tampok dito sina Jayson Gainza, Ritz Azul, Wacky Kiray, Miles Ocampo, Daniel Matsunaga, Jerome Ponce, Josh Colet, Sunshine Garcia, Jhen Maloles, at Badji Mortiz.

Continue reading below ↓

Ang direktor nito ay si Edgar Mortiz, na creator ng defunct Kapamilya gag shows na Banana Sundae at Goin' Bulilit.

Bubulaga ang noontime variety show na Lunch Out Loud sa Oktubre 19. Magso-show ito Lunes hanggang Sabado, 12:00 NN-2:00 p.m., kasama sina Billy Crawford, Alex Gonzaga, Wacky Kiray, K Brosas, Bayani Agbayani, KC Montero, at Macoy Dubs.

Ang news magazine at lifestyle show na Rated Korina ay aarangkada tuwing Sabado ng 4:00-5:00 p.m., umpisa Oktubre 24. Ang host nito ay si Korina Sanchez-Roxas.

Sa direksiyon ng sakdal husay na si Jeffrey Jeturian, ang family sitcom na Oh My Dad ay pupusuan na sa Oktubre 24, Sabado ng 5:00-6:00 p.m. Tampok dito sina Ian Veneracion, Dimples Romana, Sue Ramirez, Louise Abuel, at Adrian Lindayag.

Walang duda... bigger, better and brighter ang ber-months para sa mga Kapatid!

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maja Salvador, ipinaliwanag na hindi lang ang sarili ang inisip sa kanyang desisyong umalis ng ASAP sa ABS-CBN at lumipat sa Sunday Noontime Live ng TV5.
PHOTO/S: @iammajasalvador Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results