Lipat-TV5 na sina Piolo Pascual, Maja Salvador sa October 18; ano ang ganap sa AOS, ASAP?

by PEP Troika
Oct 17, 2020
Simula October 18, 2020, sa Sunday Noontime Live ng TV5 na mapapanood ang dating ABS-CBN stars na sina Piolo Pascual (middle), Maja Salvador (2nd from L), at Donny Pangilinan (L). Kasama rin sa show sina Catriona Gray (2nd from R) at Jake Ejercito (R).
PHOTO/S: PR

JERRY OLEA

Handa na ba kayo sa three-cornered fight ng Sunday Noontime Live (SNL, TV5), ASAP Natin ‘To (A2Z Channel 11), at All-Out Sundays (AOS, GMA 7) bukas, Oktubre 18, Linggo ng tanghali?

Mga Kapatid... Life is brighter ngayong 2020!

Ipapakilala ng TV5 ang Life of the Party for Sunday noontime sa pangunguna nina Piolo Pascual, Catriona Gray, Donny Pangilinan, Jake Ejercito, at Maja Salvador.

Andiyan ang mga bida ng drama series na I Got You na sina Beauty Gonzalez, RK Bagatsing, at Jane Oineza.

Mapapanood ang I Got You right after SNL. Panauhin rin sina Dimples Romana, Daryl Ong and Bugoy Drilon, Ricci Rivero, Jerome Ponce, at ang magkatambal sa seryeng Stay In Love na sina Maris Racal at Kokoy de Santos.

Magpapasiklab din sina Zephanie, Ken Jose, SB19, Charles Kieron, Neil Morillo, Sam Mangubat, The Juans, Claudia Barretto, Janine Vela, Ashley Colet, Fana, Sassa Dagdag, KD Estrada, Renee Dominique, at Claire Ruiz.

Continue reading below ↓

Handang-handa na si Mr. M sa buena manong handog ng SNL.

Sa ikalawang presentation ng ASAP Natin ‘To sa A2Z Channel 11 bukas, may big revelation si Big Brother.

Ito na ang takdang panahon, Kuya!

Magpapayanig ang bagong boy group na Star Hunt Academy Boys, na kinabibilangan nina Mikki Claver, Akira Morishita, Nate Porcalla, Gelo Rivera, at JL Torreliza.

It’s one big ASAP family celebration, kasama sina Lea Salonga, Charo Santos, Judy Ann Santos, Angel Locsin, Coco Martin, Susan Roces, Gary Valenciano, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Martin Nievera, Sarah Geronimo, Zsa Zsa Padilla, Kim Chiu, Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, at Iñigo Pascual.

Opo, Kapamilya pa rin si Iñigo kahit Kapatid na ang papa niyang si Piolo.

Home of the best and the brightest ang ASAP Natin ‘To, kaya makikisaya riyan ang Gold Squad nina Andrea Brillantes, Seth Fedelin, Francine Diaz at Kyle Echarri, maging ang mga bida ng teleseryeng Ang Sa Iyo Ay Akin na sina Jodi Sta. Maria, Iza Calzado, Sam Milby, at Maricel Soriano.

Continue reading below ↓

Magpapaningning din sa ASAP Natin ‘To ang Magandang Buhay family (Karla Estrada, Melai Cantiveros, Jolina Magdangal), Walang Hanggang Paalam family (Angelica Panganiban, Paulo Avelino, Zanjoe Marudo, Arci Muñoz), Bagong Umaga family (Tony Labrusca, Barbie Imperial, Kiko Estrada, Heaven Peralejo, Yves Flores, Michelle Vito), It’s Showtime family (sa pangunguna ni Vice Ganda), at FPJ’s Ang Probinsyano family.

ASAP Natin To

Continue reading below ↓

Pupusuan din ng mga Kapamilya sina Darren Espanto, Erik Santos, Luis Manzano, KZ Tandingan, Robi Domingo, Jona, Angeline Quinto, Morissette Amon, Klarisse, Yeng Constantino, Kyla, Jed Madela, Nyoy Volante, Edward Barber, Maymay Entrata, Joao Constancia, Jameson Blake, New Gen Champs, The Voice Teens champions, New Gen Idols, at iba pa. Naku, sa dami ng mga bituin sa ASAP Natin ‘To... pairalin sana nila ang social distancing, ‘no?!

GORGY RULA

Curious lang talaga ako sa Sunday Noontime Live ng Brightlight Productions para sa TV5 dahil galing ASAP Natin ‘To ang mga host at ilang performers, at si Mr. M pa ang direktor.

Mr M

Continue reading below ↓

Kaya huwag sanang magmukhang ASAP itong Sunday Noontime Live.

Baka ang magiging ending nito, dalawang ASAP ang katapat ng All-Out Sundays.

Kung live na live ang SNL at ASAP, karamihan sa segments ng AOS ay naka-tape na. Ang dinig ko, next year pa raw totodo na live sa studio ang AOS dahil nag-iingat pa sila. Mahirap nga naman.

Bukas sa AOS ay magkakasabay na ise-celebrate ang kaarawan nina Julie Anne San Jose, Rita Daniela, Christian Bautista, Mark Bautista, Kyline Alcantara, Miguel Tanfelix, Rayver Cruz, Golden Cañedo, Jeremiah Tiangco, at Garret Bolden.

Hindi nila ito na-celebrate before sa AOS dala ng pandemic kaya magkakasama silang mag-o-open kasama siyempre si Alden Richards.

all-out sundays

Continue reading below ↓

May bagong comedy segment silang ilulunsad na pinamagatang "Bentang-Benta," the first online-selling battle on TV. Sana, nakakaaliw rito si Aling Mema. Paki-“mine” kung bet ninyo!

Para sa "Sana All" segment, pam-BL (Boys’ Love) ito with Michael Pangilinan sa kanyang awiting "Pare, Mahal Mo Raw Ako."

Magka-clash ang Team Clash vs Team Budakel.

Teka, nasa Sunday Noontime Live rin ng TV5 sina Daryl at Bugoy, di ba?! Nandiyan pa rin ang isa pa nilang comedy segment na "Ang Drama Mo" na tampok ang mga komedyanteng sina Boobay, Super Tekla, Boobsie, Pekto, Betong at EJ Salamante. Comedy kasi ang strength ng GMA-7, kaya ito ang panlaban ng All-Out Sundays na nagugustuhan ng televiewers.

Baka inaasahan na ang paglunsad sa bagong Kapusong si Khalil Ramos... next month pa pala siya ipapakilala sa AOS.

NOEL FERRER

Todohan ang labanan!!!

Pagandahan ng konsepto at execution bukas. Sa radio program nina Tito Gorgy at Morly Alinio kagabi, October 16, sa DZRH, marami ang nag-text na ang SNL ng TV5 ang panonoorin nila.

Continue reading below ↓

Sayang at hindi live ang AOS. Medyo lame ang excuse na delikado pa rin ang mag-live samantalang nakakapag-live ang ibang mga programa, at nagkapag-live na rin sila noon.

Ano kaya ang mahiwagang kunsiderasyon sa mga Kapuso?

In any case, magandang mapanood ang tapatang ito dahil katulad ng lagi kong sinasabi, sa pagandahan at pagalingan ay ang audience ang panalo.

Sa Oktubre 18, Lunes ng tanghali, mas matindi ang bakbakan ng daily noontime shows—Eat Bulaga! sa GMA 7, Lunch Out Loud sa TV5, It’s Showtime sa A2Z Channel 11, at Happy Time sa Net 25.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Simula October 18, 2020, sa Sunday Noontime Live ng TV5 na mapapanood ang dating ABS-CBN stars na sina Piolo Pascual (middle), Maja Salvador (2nd from L), at Donny Pangilinan (L). Kasama rin sa show sina Catriona Gray (2nd from R) at Jake Ejercito (R).
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results