Honeylet Avanceña, may buwelta sa mga nagtatanong kung #NasaanAngPangulo

by PEP Troika
Nov 3, 2020
Nagpunta si Pangulong Rodrigo Duterte sa Guinobatan, Albay upang alamin ang lawak ng pinsalang idininulot ng pananalanta ng super typhoon Rolly sa lalawigan. Nagpakita sa publiko ang Pangulo isang araw matapos mag-trending ang hashtag na #Nasaan Ang Pangulo.
PHOTO/S: Philippine News Agency

GORGY RULA

Nagsalita si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang public address noong Nobyembre 2, Lunes ng gabi, kaugnay ng hindi niya pagpapakita habang nagmu-monitor ang lahat sa paghagupit ng Super Typhoon Rolly sa Kabikulan.

Dahil dito, nag-trending ang hashtag #NasaanAngPangulo.

Isa sa kinuyog ng supporters ng Pangulo ay ang aktres na si Angelica Panganiban dahil sa tweet niyang ito:

“Ano ng plano? Tulog na lang? Kilos kilos naman para sa sinumpaan para sa bayan at mga Pilipino…”

Kahit walang binanggit na pangalan, naniniwala ang Duterte supporters na ang Pangulo ang pinatatamaan ng Kapamilya actress.

Sabi ni Pangulong Duterte sa public address niya: “Do you want me to stand doon sa white sand ni Roy Cimatu, just to show that I am here?”

Ang tinutukoy ni Duterte ay ang dolomite white sand sa Manila Bay, na binantayan ng ilang miyembro ng media noong kasagsagan ng bagyong Rolly. Inabangan ng media ang pag-wash out ng malakas na alon sa dolomite sand, pero hindi naman ito nangyari.

Continue reading below ↓

Pero ang ikinagulat ako ay ang mataray na sagot ng common-law wife ni President Duterte na si Honeylet Avanceña.

Ipinost ng kasamahan ko sa DZRH na si Henry Uri sa Facebook ang sagot ni Madam Honeylet nang hiningan niya ito ng reaksiyon sa hashtag na #NasaanAngPangulo.

Mataray na sagot ni Honeylet: “Let them make up stories that make them look pathetic and imbecile.”

Ipinost ito ni Henry pagkatapos siyang sagutin ni Honeylet noong Lunes ng gabi, November 2.

Continue reading below ↓

Isa kaya si Angelica sa tinutukoy ni Madam Honeylet na "pathetic" at "imbecile"?

Nagulat ako kay Madam Honeylet na ang tindi rin palang sumagot kahit hindi halos siya nagpapa-interview.

NOEL FERRER

Malamang, yung paghahanap sa Pangulo ay ang paghahanap ng leadership lalo na in times of crisis.

Yung mga lider sa ibang bansa, gaya ni Boris Johnson ng U.K. at maski na si Donald Trump ng Amerika na nagka-COVID, ay naging visible pa rin.

Narinig ko ang pahayag ng Pangulo at ang dahilang sinabi niya ay may mga patay raw sila sa Davao dahil sa Undas. Kung hindi raw maintindihan ng mga tao yung ganoong tradisyon ay bahala na raw sila.

Ito ay sa kabila nang sarado ang mga sementeryo mula October 29 hanggang November 4, alinsunod na rin sa kautusan ng pamahalaan.

Kung ganitong nasa krisis, lalo na kung ikaw ang nahagip at nasalanta, hindi naman siguro krimeng maghanap ng mas responsive at visible leadership.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Matindi ang hagupit ng bagyong Rolly. Matindi ang mga banat kay Duterte. Matindi ang patutsada ni Madam Honeylet.

Sana, matindi rin ang relief operations para sa mga kababayan nating sinalanta ng bagyo.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagpunta si Pangulong Rodrigo Duterte sa Guinobatan, Albay upang alamin ang lawak ng pinsalang idininulot ng pananalanta ng super typhoon Rolly sa lalawigan. Nagpakita sa publiko ang Pangulo isang araw matapos mag-trending ang hashtag na #Nasaan Ang Pangulo.
PHOTO/S: Philippine News Agency
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results