Super Tekla at live-in partner, nagkasundo pero di nagkabalikan

by PEP Troika
Nov 23, 2020
Pagkatapos ipa-Tulfo dahil sa mga maling akusasyon laban sa kanya, nakipagkasundo na ang Kapuso comedian na si Super Tekla sa dating live-in partner na si Michelle Bana-ag. Pero paglilinaw ni Tekla, hindi sila nagkabalikan.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

GORGY RULA

Nagkaayos na si Super Tekla at ang dating live-in partner niyang si Michelle Lhor-Banaag.

Hindi raw nagkabalikan, hindi na sila nagsama uli, pero may komunikasyon sila para sa kanilang anak na si Angelo.

Naging emotional si Tekla noong nakaraang taping ng The Boobay and Tekla Show dahil special guest nila roon ang best friend niyang si Donita Nose.

Ibinuhos daw ni Tekla roon ang lahat ng saloobin niya pagkatapos maiskandalo sa programa ni Raffy Tulfo.

Noong araw ring iyon ng taping ay isinugod pala sa hospital ang anak niya, kaya pagkatapos na pagkatapos ng taping ay dumiretso na siya sa hospital.

May ilang tao sa hospital na nakakita sa kanya at nakunan ng video na magkausap sila ni Michelle.

Pinakiusapan lang daw ng manager ni Tekla na si Rose Conde ang mga itong huwag nang ikalat ang video.

Nagka-pneumonia raw ang bata at mabuti na lang at negative ito sa COVID-19. Pero ngayon ay nagpapagaling na raw ang kanilang anak.

Continue reading below ↓

Nagkasundo rin raw sina Tekla at Michelle na kay Michelle pa rin mananatili ang kanilang anak, at si Tekla ang magtutustos sa mga gastusin.

Sinasabi ni Tekla na okay na sa trabaho na siya mag-focus at nakapag-decide na siyang mag-move on at pinatawad na niya si Michelle.

Pero ayon naman kay Donita, nakikita niyang nandiyan pa rin ang pagmamahal ni Tekla kay Michelle. Kaya hindi na raw siya magugulat kung mabalitaan niya isang araw na nagkabalikan na ang dalawa.

NOEL FERRER

Now they know better.

Na sana, wala nang ganoong bugso ng damdamin at upheaval ng emotions sa media. Kasi, walang panalo sa ganoon!

Minsan tuloy, naitatanong ko, kailangan ba talaga ng ganoong eskandalo kasama ang publiko? Kailangan bang dalhin ito sa programa ni Raffy Tulfo?

Marami rin ang nagtanong, kailangan bang i-vlog ang bawat galaw na mga ganito?

Sino ang panalo? Ano ang sukatan? Views, pera, kasikatan, public opinion?

Continue reading below ↓

Sana, iniisip muna ang mga ganito (at ang repercussion nito) bago bumuga sa publiko.

JERRY OLEA

Good vibes ang tumatalsik sa pag-aayos nina Tekla at Michelle alang-alang sa kanilang anak. Mabuti at hindi nanaig ang pagtigas ng kani-kanyang puso.

Sa nalalapit na Pasko, ano pa kaya ang titilamsik sa dating magsing-irog? Abangan natin ang pagsaboy ng bagong kabanata!

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pagkatapos ipa-Tulfo dahil sa mga maling akusasyon laban sa kanya, nakipagkasundo na ang Kapuso comedian na si Super Tekla sa dating live-in partner na si Michelle Bana-ag. Pero paglilinaw ni Tekla, hindi sila nagkabalikan.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results